Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1741 - Kabanata 1750

3080 Kabanata

Kabanata 1741

Napalingon sina Luna at Jim ng sabay nang marinig nila ang sinabi ni Joshua. Tumitig sila kay Joshua na parang nalilito sila. “Kilala mo ba kung sino siya?” “Oo.” Ngumiti si Joshua at pinindot niya ang ‘play’ button sa video na nakalagay sa phone. Ito ay isang video ni Granny Quinn sa araw kung saan inannounce niya ang pagkakakilanlan ng tagapagmana ng pamilya Quinn. Sa loob ng video, hindi nagdadalawang isip na inilarawan ni Granny Quinn ang problema na hinaharap ng pamilya Quinn sa mga sandaling ‘yun. Si Malcolm, ang pinakamatandang anak ng pamilya Quinn, ay pinili na umalis ng pamilya para mabuhay kasama si Heather. Samantala, inaresto si Hunter sa isang rason at malamang ay hindi agad siya makakalabas ng kulungan. Kaya naman, hindi sila pwede maging tagapagmana ng pamilya Quinn. Dahil dito, nagannounce si Granny Quinn ang bagong miyembro ng pamilya nila na si Quentin Simms, ang inaanak niya. Sa loob ng video, malaki ang ngiti ni Granny Quinn habang natutuwa niyang
Magbasa pa

Kabanata 1742

“Wala naman.” Sa sobrang lamig ng ekspresyon ni Jim ay para bang may papatayin siya sa mga sandaling ito. “Pasensya na at naistorbo ko kayong dalawa; matulog na ulit kayo!” Pagkatapos, ibinaba niya ng malakas ang phone. Kumunot ang noo ni Luna, at habang itatanong niya kay Jim kung ano ang nangyari, tumayo si Jim at sinabi niya, “Lalabas muna ako para magpahangin.” Pagkatapos, lumabas siya ng kwarto, sinara niya ng malakas ang pinto sa likod niya. Tumingin si Luna sa pinto ng may blankong ekspresyon, puno ng katanungan ang isip niya. Hindi ba’t tatanungin ni Jim si Christopher kung may alam ito tungkol kay Quentin? Bakit siya… “Masama ang loob niya dahil sa isang bagay.” Bilang isang lalaki, alam ni Joshua kung ano ang nangyari base lang sa pag uugali at kilos ni Jim. Kumunot ang noo niya at sinabi niya, “Bakit hindi mo tanungin si Bonnie kung sino ang kasama niya kagabi?” Tumigil ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay may napagtanto siya. “Si Bonnie pala ang sumagot ng
Magbasa pa

Kabanata 1743

Nilunok ni Luna ang mga salita na gusto niyang sabihin nang marinig niya ito. Humigpit ang hawak niya sa phone sa gulat at tinanong niya, “Paano naman nangyari ‘yun?” Kahit na lasing siya kagabi, naaalala niya pa rin na galit si Mr. Hanson sa kanya. Bukod pa dito, isa siyang bisita na hindi imbitado sa party, at si Joshua ay isang VIP, kaya’t base dito, mas papayag si Mr. Hanson na magkaroon ng kasunduan kay Joshua. Biglang sinasabi ni Charlotte na… hindi lang pumayag si Mr. Hanson na magkaroon ng kasunduan sa kanila, pipirma pa sila ng kontrata nitong hapon? Kinagat ni Luna ang labi niya at humigpit ang hawak niya sa phone. “Paano naman… pumayag si Mr. Hanson dito?” “Syempre, hindi naman sa walang rason.” Tumawa si Charlotte at sinabi niya, “Alam mo ba, pinaghirapan ko ito kagabi. Sasabihin ko sayo ang tungkol dito kapag tapos ka nang pumirma sa kontrata.” “Ang punto ay, ikaw ang rason kung bakit nangyari ito, at pagkatapos pirmahan ang kontrata, rerespetuhin ka lalo ng
Magbasa pa

Kabanata 1744

“Oo.” Tumingin si Jim kay Luna. “Marami siyang pinagdaanan sa buhay, at naaawa ako sa kanya dahil dito.” Kumirot ang puso ni Luna nang marinig niya ang malambing na tono ni Jim. Mukhang mahal talaga ni Jim ang nanay ni Shelly. Sinabi nila Charles at Rosalyn na isang simple at tapat na tao si Jim pagdating sa mga relasyon, ngunit hindi ito ang tingin ni Luna. Si Charlotte, ang nanay ni Harvey, ang nanay ni Shelly, at si Bonnie… May kilala na siyang apat na babae na nakasama ni Jim, kaya’t paano masasabi ng kahit sino na tapat sa relasyon si Jim? Kinagat ni Luna ang labi niya at tinanong niya ng mababang boses, “Sino ang mas gusto mo, si Bonnie o ang nanay ni Shelly.” Tumawa si Jim. “Syempre gusto ko…” Bago pa siya matapos sa pagsasalita, tumigil siya at tumingin siya kay Luna. Natuwa si Jim nang makita niya ng ekspresyon ni Luna. Bigla niyang napagtanto na tila mali ang pagkakaunawa ni Luna, ngunit hindi niya pwedeng sabihin ang katotohanan ngayon, kaya’t tumawa siya
Magbasa pa

Kabanata 1745

Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ito, na para bang tinamaan siya ng kidlat. Paanong nangyari na… Nang makita na naghihinala si Luna, mabilis na pinindot ni Theo ang ‘play’ sa isang recording ng phone call kay Gwen. “Pakiusap, tulungan mo ako!” Tumunog ang mahinang boses ni Gwen mula sa kabilang linya ng phone sa sandali na pinindot niya ang ‘play’. “Theo, pakiusap, iligtas mo ako… Baka mamatay na ako…” “Alam ni Luke na hindi maganda ang pakiramdam ko kahapon, at kahit na makita niya na akong dinudugo, hindi siya tumigil at sa halip ay umalis na siya pagkatapos akong bigyan ng dalawang tablet na nagpapatigil ng pagdurugo…” “Wala akong paraan para tawagan ang mga tao sa labas. Natawagan lang kita pagkatapos akong kaawaan ng chef at pinahiram niya ang phone niya sa akin ng ilang minuto…” “Malapit na akong mamatay… Sinabi ng mga guard na kung walang utos ni Luke, hindi nila ako pwedeng palabasin, kahit na malapit na akong mamatay, at ngayon ay hindi nila ma
Magbasa pa

Kabanata 1746

Kinagat ni Luna ang labi niya, at pagkatapos ng ilang sandali, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Dati, si Joshua ang kasintahan niya, ang tatay ng mga anak niya. Hindi niya kailangan ng rason para humingi ng tulong kay Joshua, at hindi niya rin kailangan sumagot sa “Bakit ko naman gagawin ‘yun?” Sa huli, ang relasyon nila ay hindi tulad ng dati. Si Joshua ang mortal na kaaway ng pamilya Landry, at si Luna ang tagapagmana ng pamilya Landry. Si Joshua ang CEO ng Lynch Group, at si Luna ang CEO ng Landry Group. Naging miyembro sila ng magkasalungat na magkalaban; magkaribal sila. Isang himala na nga hindi sila nag aaway sa tuwing magkikita sila, ngunit sa mga sandaling ito, humihingi ng tulong si Luna mula kay Joshua. Bakit ito gagawin ni Joshua? Bakit niya tutulungan ang mortal na kaaway niya? Isa siyang negosyante, at hindi siya gagawa ng kahit ano kung hindi ito para sa ikabubuti niya. Gayunpaman, para iligtas si Gwen, kailangan nila magmadali. Kinagat
Magbasa pa

Kabanata 1747

“Sige, tatanungin ko siya kung paano.” Pagkatapos, ibinaba na ni Joshua ang phone. Tumingin siya ng malamig sa tatlong tulalang mga taong nasa harap niya bago siya ngumisi. Pinadala niya na si Lucas para iligtas si Gwen habang pinapakinggan niya ang recording ni Theo para kay Luna. Pamilyar si Lucas sa mga hideout ni Luke sa Merchant City. Sinabi lang ni Joshua na kailangan niya ng kapalit mula kay Luna para biruin ito, ngunit hindi niya inaasahan na gagamitin ni Luna ang katawan niya para makipagkasundo kay Joshua. Ano ang tingin ni Luna sa sarili niya? Anong klaseng tao ba ang tingin nito sa kanya? “Hahanapin ko si Dr. Liddell.” Si Jim ang unang bumalik sa sarili. Huminga siya ng malalim at umalis na siya. Tumitig si Luna sa lalaking nakatayo sa harap niya. Hindi niya inaasahan na si Joshua ay… magpapadala ng mga tauhan para iligtas si Gwen bago pa man humingi ng tulong si Luna sa kanya. Ibig sabihin ba ay… kanina pa pinapakinggan ni Joshua ang usapan nila?
Magbasa pa

Kabanata 1748

“Walang nangyari?” Tila naalala ni Luna na may tao sa dinner party na nagsabi na kailangan niyang makipagtalik sa isang tao para malabanan ang epekto ng gamot. Kung hindi sumiping sa kanya si Joshua, bakit pala gising siya? Hindi lang ‘yun, ngunit paano malalaman ni Theo na walang nangyari sa pagitan ni Joshua at Luna? Lumunok si Theo nang makita niya ang pagkalito sa mga mata ni Luna. Kung sabagay, ito ang babaeng minahal niya dati, kaya’t mahirap para sa kanya na ibunyag si Luna ng ganito. Kung sabagay, sinabi ni Luna na sumiping si Joshua sa kanya at ginamit niya pa ito para gumawa ng kasunduan kay Joshua, ngunit sa mga sandaling ito, kailangan sabihin ni Theo na mali si Luna sa harap nito. Gayunpaman… Hindi pwedeng baguhin ang katotohanan. Huminga ng malalim si Theo at nagpaliwanag siya, “Nakatira ako sa bahay ni Joshua simula nang umalis ako ng bahay mo.” “Dahil dito, nandoon ako noong dinala ka ni Joshua sa bahay niya, at nasaksihan ko ang lahat ng nangyari.”
Magbasa pa

Kabanata 1749

Kahit na alam niya na niligtas siya ni Gwen, nag aalala sina Luna at Theo tungkol sa kanya. Ang kondisyon ni Gwen at ang pagpirma ng kontrata kay Mr. Hanson ay ang mga rason kung bakit babalik na si Luna sa Merchant City ng madaling panahon. Kaya naman, wala siyang magawa kundi sabihin ito kay Jim. Bago pa umalis, pumunta silang dalawa sa kwarto ni Rosalyn para tumingin ulit. Hawak pa rin ni Charles ang kamay ni Rosalyn, pareho pa rin ang binubulong niya tulad ng dati. Hindi tumigil si Charles, kahit isang minuto. Kahit na may namumuo nang mga bula sa bibig niya, walang tigil pa rin siya sa pagsasabi ng mga salitang ito. May isa sa mga assistant na nagbigay ng base ng tubig, ngunit tinapon niya ito ng hindi man lang nakakainom, inakusahan niya ang assistant na gusto nitong lunurin si Rosalyn. Nang makita ito, walang magawa si Jim kundi utusan si Dr. Rachel na alagaan ng maingat ang mga magulang nila habang wala sila. “‘Wag kayong mag alala.” Ngumiti si Dr. Rachel. “Ka
Magbasa pa

Kabanata 1750

Gayunpaman, sinabi ni Joshua na hindi niya kayang bitawan si Luna… Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga si Caleb. “Salamat sa Diyos at hindi ako interesado sa mga babae.” Ngumisi si Joshua at elegante niyang ibinaba ang baso niya. “Isipin mo na lang na isa akong makulit na tao.” “Ang kailangan mo lang gawin para tulungan ako ay imbestigahan mo ang taong si Quentin Simms.” Bakit sasabihin ng lalaking ito na kapatid siya ni Rosalyn? Paano siya naging isang inaanak ni Granny Quinn? Kahit na ginamit niya ang lahat ng koneksyon niya, ang tanging bagay na nahanap niya tungkol sa lalaking ito ay, tulad ni Rosalyn, dati siyang mula sa Lincoln City. Kaya naman, baka mas maging malinaw ang mga nangyari kapag natuklasan niya ang tungkol sa dating buhay nito. “Sige, tutulungan kita.”… Nang makarating sina Luna, Jim, at Theo sa Merchant City, tanghali na. Paulit ulit ang pagtawag ni Charlotte habang nasa kotse si Luna, at dahil kasama ni Luna si Jim, hindi sinagot ni
Magbasa pa
PREV
1
...
173174175176177
...
308
DMCA.com Protection Status