Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1691 - Kabanata 1700

3080 Kabanata

Kabanata 1691

Mabilis na umalis ang kotse ni Joshua. Sa sobrang galit ni Charles ay hindi niya mapigilan na hampasin ang dibdib niya sa galit habang pinapanood niyang umalis ang itim na Masevati. Sa huli, kasing lupit pala ni Joshua Lynch ang pumanaw niyang lola. Si Luna ang babaeng minahal ni Joshua ng maraming tao at binigyan pa siya nito ng apat na anak, kahit na namatay ang isa pagkatapos ipanganak. Sa katotohanan, bilang pamilya ni Luna, aamin sila na hindi nila kilala si Luna na tulad ng pagkakakilala ni Joshua, ngunit sa puntong ito, hindi lang tumanggi si Joshua na linisin ang pangalan ni Luna, nagbanta pa si Joshua na hahahayaan niyang manatili si Luna sa kulungan dahil sa pagiging CEO ni Luna! “Tatay.” Agad na lumapit si Jim para himasin ang likod ni Charles. “‘Wag po kayong magalit, pwede po tayong mag isip ng ibang plano.” Tumingin si Charles sa langit at sumagot siya, “Hating gabi na, at may ilang oras na lang bago dumating ang umaga.” “Ang taong namatay ay isang empleyado
Magbasa pa

Kabanata 1692

Uminom ng tsaa si Granny Quinn, nanunuya siya. “Sinabi ko na nga, walang kwenta kayong dalawa!” Suminghal siya at nagpatuloy siya, “Mabuti na lang, matagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito, at kung umasa ako sa inyong dalawa, matagal na sanang nalugi ang pamilya Quinn!” Nalugi na ang pamilya Quinn pagkatapos atakihin ng Lynch Group ang supply chain nila, ngunit sa huli, nilagay ni Granny Quinn ang lahat ng personal savings niya sa pondo ng Quinn Group at nagtagumpay siya sa pagligtas ng Quinn Group mula sa pagkalugi. Huminga ng malalim si Granny Quinn at hinagis niya ang isang piraso ng papel sa harap nila Malcolm at Heather. “Pirmahan nyo ito.” Kinuha ni Malcolm ang isang piraso ng papel habang nanginginig. Halos mahimatay na siya sa isang tingin pa lang sa papel na ito. Ang papel na ito ay isang kontrata na dapat na siyang magresign sa posisyon niya bilang CEO ng Quinn Group at umalis na siya ng pamilya Quinn kasama ang asawa at anak niya! “Granny…” Kinagat ni Malc
Magbasa pa

Kabanata 1693

Kinaumagahan, nagmaneho si Lucas papunta sa bayan ni Cheryl para dalhin ang mga magulang nito sa Merchant City. Sabik ang dalawang matanda at sinundo sila ng personal assistant ni Joshua Lynch, ang CEO ng Lynch Group. “Assistant Lucas, noong nakaraang mga araw, sinabi sa amin ni Sherry na mas naging malapit na sila ni President Lynch… totoo ba ito?” “Busy ka rin siguro, nagtatrabaho bilang assistant ni President Lynch, hindi ba? Si Sherry ba ang unang tao na pinadalhan ni President Lynch ng assistant para sunduin ang pamilya niya? “Ano ang ginagawa niya ngayon? Bakit hindi niya sinasagot ang phone niya? “Bakit ka pinadala ni President Lynch para dalhin kami sa Merchant City? Anong nangyayari?”…Sunod sunod ang pagtatanong ng mga magulang ni Cheryl kay Lucas. Hindi kayang sabihin ni Lucas ang masamang balita sa dalawang matanda na ipinagmamalaki ang anak nila. Walang magawa si Lucas kundi sumagot ng malabo habang umapak siya sa pedal ng gas. Hindi nagtagal, dumating ang
Magbasa pa

Kabanata 1694

Pumunta si Jim sa lobby at sumimangot siya, tumingin siya sa hallow habang pinirmahan niya ang mga visitation form para bisitahin si Luna. “Bakit sila umiiyak ng ganito kaaga?” Nagbuntong hininga ang pulis at sumagot siya ng may mababang boses, “Sila po ang mga miyembro ng pamilya ng biktima kung saan may kinalaman ang kapatid niyo, at kakarating lang po nila ngayong umaga. “Nabalitaan ko po na nag iisang anak po siya at ipinagmamalaki po siya ng pamilya niya. Matanda na po ang mga magulang niya at hindi po maganda ang kalusugan nila. Sino po ang mag aakala na…” Muling nagbuntong hininga ang pulis. “Sayang naman.” Tumigas ang kamay ni Jim na nakahawak sa pen nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga siya at nagpatuloy na siya sa pagsulat sa form. Nang matapos na siya, tumigil na sa pag iyak ang mga magulang ni Cheryl. Nang lumabas si Jim ng silid, nakasalubong niya si Joshua, dala ang mga magulang ni Cheryl para makipagkita sa hepe na may hawa
Magbasa pa

Kabanata 1695

Nang makita na nawala ang kinang sa mga mata ni Luna, nagbuntong hininga si Jim, nilabas niya ang isang kontrata sa bulsa niya, at nilagay niya ito sa harap ni Luna. “Hindi ako nakatulog kagabi. Pagkatapos ayusin ang lahat dito, bumalik ako sa Landry Group para maging pamilyar sa lahat ng nangyari at ang sitwasyon ng kumpanya ngayon.” Lumingon siya at tumitig siya kay Luna. “Mas komplikado pa ang sitwasyon kaysa sa inaasahan ko.” “Isang malaking tanga si Heather. Sa impluwensya ni Malcolm, tinali niya ang lahat ng supply chain ng Landry Group sa Quinn Group para dumoble ang kita nila, pero ang ibig sabihin nito ay kapag isa sa atin ang nalugi, sasama ang isa sa kanila.” “Naaalala mo pa siguro ang nangyari sa Quinn Group kagabi.” Tinulak ni Jim ang kontrata kay Luna at sinabi niya, “Dahil dito, malapit na ring malugi ang Landry Group. Kailangan ko munang tulungan ang parehong Landry at Quinn Group bago ko pwedeng paghiwalayin ang dalawang kumpanya.” “Kaya naman, kailangan ko n
Magbasa pa

Kabanata 1696

Ngumiti si Joshua. “Nagbago ang isip mo.” Sa nakalipas na taon, tuwing nagkikita sina Joshua at Luna, maging sa Tea Cottage o sa kasalukuyan na tirahan ni Luna, si Joshua ang unang lumalapit. Gayunpaman, dahil nasa kulungan si Luna, si Luna ang unang gustong makipagkita sa kanilang dalawa. “Hindi nagbago ang isip ko.” Tumingin si Jim sa dalawang matanda sa likod ni Joshua. “Natural lang na gusto kang makita ni Luna, ngayon at ikaw ang nagkumbinsi sa mga magulang ni Cheryl para sisihin si Luna sa pagpatay kay Cheryl.” Sadyang hininaan ni Jim ang boses niya nang sabihin niya ito, ngunit sa ikinagulat niya, narinig ito pareho ng mga magulang ni Cheryl. Lumaki ang mga mata ni Mrs. Martin sa gulat nang marinig niya ito. Agad siyang lumapit kay Jim, hila niya si Mr. Martin sa likod, sinigaw niya, “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Ang lakas ng loob mo para sabihin na sinisisi lang si Luna?” Tumuro siya sa surveillance footage sa screen ng pulis at sinabi niya habang umiiyak, “N
Magbasa pa

Kabanata 1697

Hindi inaasahan ni Joshua na ibato ni Jim ang tanong sa kanya. Sumingkit ang mga mata niya at sinabi niya, “Naniniwala lang ako sa mga resulta ng imbestigasyon ng mga pulis.” Ngumisi si Jim at pinunasan niya ang dugo na tumulo sa sulok ng labi niya. “Alam ko rin ‘yun, pero tinatanong kita bilang ex-husband ni Luna, ang tatay ng apat na anak ni Luna, ikaw ba, Joshua Lynch, sa tingin mo ba ay kayang patayin ni Luna si Cheryl, ang babaeng walang laban sa kanya maging sa relasyon o sa karera?” “Anong ibig mong sabihin, wala siyang laban sa relasyon o sa karera ni Luna?” Hindi naniniwala ang mga magulang ni Cheryl. Sinubukan ni Mrs. Martin na tumakas sa hawak ni Joshua habang nakatingin siya ng masama kay Jim. “Klaro na pinatay ni Luna si Cheryl dahil naisip niya na wala siyang laban kay Cheryl habang nakikipaglaban para sa puso ni President Lynch! Ang lakas ng loob mo para sabihin na wala siyang laban kay Luna! Kalokohan!” Nang makita na makakatakas na si Mrs. Martin mula sa hawa
Magbasa pa

Kabanata 1698

“Pero, wala kayong karapatan para makialam sa kalayaan ko.” Pagkatapos, lumapit siya sa pinakamalapit na pulis at sinabi niya, “Bigyan mo ako ng visitation form.” Nagkatinginan sina Mr. at Mrs. Martin, may bahid ng sama ng loob sa mga mata nila. Namatay ang anak nila dahil dumalo ang anak nila sa kasal ni Joshua Lynch. Gayunpaman, walang intensyon ang lalaking ito na dalhin ang responsibilidad na ito at pinigilan niya pa sila sa pagbugbog sa isang miyembro ng pamilya ng pumatay sa anak nila! Gayunpaman, alam nila na wala silang karapatan o kakayahan na labanan si Joshua dahil dito.Kaya naman, walang magawa ang dalawang matanda maliban sa panoorin ng tahimik habang pumunta si Joshua sa visiting room pagkatapos mag fill up ng form. “Sir, Madam.” Ang isa sa mga pulis ay lumapit sa kanila, nakangiti. “Para sa patay na katawan, kapag nasigurado ninyong sa anak niyo ito, kailangan niyong dalhin agad ang katawan para sa cremation. Ngayon at sasapit na ang tag init, hindi ito pwede
Magbasa pa

Kabanata 1699

Kasing lamig ng boses ni Joshua ang tono niya. Kumunot ang noo ni Luna habang nakatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Bigla niyang napagtanto na hindi niya naiintindihan ang lalaking ito tulad ng inaakala niya. Akala niya dati ay mahal siya at mahalaga siya para kay Joshua. Kahit na sabihin ni Jim sa kanya ang sinabi ni Joshua, akala niya pa rin ay sobra ang sinasabi ni Jim at alam naman siguro ni Joshua kung gaano kasama ang mabuhay sa loob ng kulungan. Kung mahalaga si Luna para kay Joshua, hindi ito ipaparanas ni Joshua sa kanya. Ngunit, ang sinabi ni Joshua ay parang isang sampal sa mukha ni Luna. Sinabi ni Joshua na mas pipiliin niya na makulong si Luna kaysa labanan siya nito. Kinagat ni Luna ang labi niya at lumingon siya para tumitig kay Joshua, hindi niya alam kung tatawa o iiyak siya dahil dito. “Joshua, sa tingin mo ba ay mas mahalaga ang paghihiganti sa pamilya Landry kaysa sa akin?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumitig siya kay Luna, nakangiti.
Magbasa pa

Kabanata 1700

Pagkatapos, elegante na sumandal si Joshua sa upuan at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala, hindi magiging masama ang oras mo sa kulungan.” “Hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari sa mental hospital sa Banyan City; sinabi ko na kay Luke na humanap ng ilang babaeng security guard. Ngayong araw at bukas, dadalhin sila sa kulungan sa magkaibang kaso at poprotektahan ka nila ng bawat segundo ng araw.” Hindi mapigilan ni Luna na maramdaman na parang sinasakal nang marinig niya ito. Una sa lahat, dinala siya ng lalaking ito sa kulungan sa kaso ng first-degree murder. Pangalawa, naghanda ng dalawang babaeng preso ang lalaking ito sa kulungan para protektahan si Luna. Anong pagkakaiba nito sa pagkakakulong? Ang pinagkaiba lang nito ay legal ang ginagawa ni Joshua. Nang maisip ito ni Luna, ngumisi siya at tumitig siya ng malamig sa mukha ni Joshua. “Iniisip ko na tuloy na nagpadala ka ng tao para patayin si Cheryl para pwede mo akong dalhin sa kulungan.” Tumahimik ang buong kwar
Magbasa pa
PREV
1
...
168169170171172
...
308
DMCA.com Protection Status