All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1641 - Chapter 1650

3080 Chapters

Kabanata 1641

Hinatid ni Jim si Luna pauwi. Sa kanilang biyahe, inilarawan ni Jim ang lahat ng nangyari pagkatapos siyang kidnapin at binigay niya ang phone ni Luna na nawala kasama na ang lokasyon ng hospital ni Caleb. Kinuha ni Luna ang phone niya mula kay Jim at nagsend siya ng text kay Caleb at kinamusta niya ito at sinabi niya na bibisitahin niya ito mamayang hapon. Kahit na kakakilala niya pa lang kay Caleb kagabi, parang matagal na silang magkaibigan. Bukod pa dito, kinidnap at nasaktan si Caleb dahil sa kanya. Akala ni Caleb na siya ang humila kay Luna sa gulong ito, ngunit baliktad ito. Ibinaba ni Luna ang phone niya at magpapatuloy na siya sa pakikipag usap kay Jim nang mapansin niya na ang kotse ay nakarating na sa bahay niya. Ang nakarapark sa labas ng gate ay isang magandang Ferrare. Kilala nila Luna at Jim ang kotse na ito. Ito ang kotse na niregalo nila Charles at Rosalyn para sa ika-20 na kaarawan ni Heather, at ginagamit ito ni Heather tuwing may mahalaga siyang pu
Read more

Kabanata 1642

Lumingon si Heather at tumitig siya kay Luna, na siyang nakatayo sa likod ni Jim. “Nandito ako para humingi ng tawad.” Dahil sa dalawang ngipin na nahulog, tila malabo ang boses ni Heather habang nagsasalita niya. “Luna, alam ko na mali ang ginawa ko kahapon, at sana ay patawarin mo ako.” Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. “Nandito ka para humingi ng tawad?” Kailan pa naging mulat sa sarili si Heather para humingi ng tawad sa harap ni Luna ng boluntaryo? Kumunot din ang noo ni Jim at yumuko siya para tumitig sa babaeng nakaluhod. “Bihira ito, humihingi ka ng tawad kay Luna?” Kinagat ni Heather ang labi niya at yumuko ulit siya, sinubukan niyang iwasan ang mga tingin nila Jim at Luna. “Oo, nandito ako para humingi ng tawad. Luna, kasalanan ko ang lahat ng nangyari kagabi.” “Hindi ko dapat hinayaan si tatay na maghanda ng blind date para sayo, at hindi ko dapat binigay kay Harris ang impormasyon noong alam ko na puntirya niya si Caleb Crawford. Pati…” Kinagat ni
Read more

Kabanata 1643

Nang mabanggit niya ang nakaraan nila Luna at Malcolm, sumingkit ang mga mata ni Luna. Sa katotohanan, mula sa oras na natuklasan niya an si Malcolm ang sumira sa hitsura niya, balak na gamitin siya para sa personal na interes, may nasa isip ni Luna… Lumapit siya sa tabi ni Heather. “Sagutin mo muna ang tanong ko.” Nang makita na naging relax na ang pag uugali ni Luna, tumango ng naiinis si Heather. “Kahit ano. Sasabihin ko ang lahat ng alam ko!” Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Matagal ko nang gustong malaman. Niligtas ba ako ni Malcolm dahil nagkataon lang, o plano niya na ito sa simula pa lang?” Dati, dahil sa sobrang pagtitiwala ni Luna kay Malcolm ay wala siyang pagdududa sa mga intensyon nito. Akala niya ay naglalayag si Malcolm sa gitna ng bagyo at niligtas siya nito pagkatapos makita sa dagat ng aksidente lang. Dati, sinabi niya pa sa mga anak niya na si Malcolm ang pinakamabait na lalaki sa mundo at tinuruan niya ang mga ito na matuto kay Malcolm. Ngunit, nang ma
Read more

Kabanata 1644

Sa huli… Masyado siyang tanga. Paano magagawa ng isang lalaki na gagawin ang kahit ano para makuha ang gusto nito, na ipakita ang kabaitan sa kanya at sa mga anak niya. Nang matapos na si Heather sa pagsasalita, kumunot ang noo ni Jim at tinanong niya, “Dahil gustong gamitin ni Malcolm si Luna sa simula pa lang, bakit niya pa tinulungan si Luna na manganak at tinulungan niya pa na alagaan mga bata?” “Dahil ang tatlong mga bata…” “Ang tatay nila ay si Joshua Lynch, ang tagapagmana ng pamilya Lynch, at ang nanay nila si Luna, ang tagapagmana ng pamilya Landry. “Alam ni Malcolm na kapag kontrolado niya ang mga bata, balang araw ay makokontrol niya pareho ang pamilya Lynch at pamilya Landry.” Tila lumamig ang dugo ni Luna nang marinig niya ito. Ang lalaking ito… ay plinano ang lahat ng ito sa simula pa lang. “Luna.” Kinagat ni Heather ang labi niya pagkatapos sagutin ang mga tanong nila Luna at Jim. “Sinabi ko na ang lahat ng gusto niyong malaman. Pwede bang…” Ngumisi s
Read more

Kabanata 1645

Tumalikod si Luna at tumitig siya ng gulat kay Heather. “Alam mo ba kung nasaan ang katawan ng anak ko?” Nang makita ang pag uugali ni Luna, naramdaman ni Heather na para bang nabawasan ang bigat sa kanyang mga balikat. Basta’t interesado si Luna sa kinaroroonan ng katawan ng anak niya, pwede itong gamitin ni Heather laban sa kanya! Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Heather at mabilis siyang tumango. “Hindi lang sa alam ko kung nasaan siya, alam ko pa kung sino ang kumuha.” “Hindi ba’t sinabi ng katulong mo na si Vivian na buhay pa ang anak mo bago siya mamatay? Kung mahahanap mo ang bangkay ng bata, pwede mong magawa ang DNA test, pagkatapos, malalaman mo na ang bangkay ay ang anak mo talaga at kung buhay pa siya o hindi.” Huminga ng malalim si Heather at tumitig siya kay Luna. “Kapag nangako ka na hindi ka tatawag ng pulis tungkol sa nangyari kagabi at hinayaan mo akong matuloy sa kasal, sasabihin ko ang lahat ng gusto mong malaman.” Ngumisi si Jim nang marinig ni
Read more

Kabanata 1646

“Anong kalokohan!” Nang sabihin niya ito, bumalik si Heather sa kotse niya na para bang nakakita siya ng multo at umalis na siya. Sumandal si Jim sa kotse, nakatitig sa direksyon kung saan umalis si Heather, at ngumisi siya. Habang nakatingin sa rearview mirror, nakikita ni Heather ang bawat emosyon sa mukha ni Jim. Kinagat niya ang labi niya at sumingkit ang mga mata niya. May natuklasan siguro si Jim tungkol sa kanila! Kahapon, sa loob ng ward ni Charles, sadya niyang binanggit ang pagdala kay Riley sa DNA test, at sa mga sandaling ito, pabiro siyang nagmungkahi ng pag checkup kung nanganak na si Heather o hindi pa. Ang lintik na ‘yun! Magbabayad si Jim! Pagkatapos umuwi, kumatok si Luna sa pinto ng kwarto ni Gwen para mangamusta, pagkatapos ay pumunta siya sa kwarto ni Rosalyn para bisitahin ito. Pagkatapos ng dalawang araw ng maingat na pag aalaga, ang likod ni Rosalyn na nabubulok noon, ay gumagaling na. Nireport ng bagong katulong ang bawat detalye kay Luna, m
Read more

Kabanata 1647

Tumaas ang mga kilay ni Luna. Isang bisita, at hindi kilala? Ang lahat ng kilala niya sa Merchant City ay pumunta na sa bahay niya, kaya’t kilala ito ng mga katulong. Sino naman kaya ito? Lumabas si Luna sa labas ng kwarto, puno ng mga tanong ang isip niya. Tama ang katulong, estranghero sa kanila ang bisita na ito. Ang lalaki ay may suot na puting shirt at army green pants, na may backpack sa katawan nito. Nakatayo siya sa gitna ng courtyard habang nakatalikod siya kay Luna, nakatitig sa pine tree sa gitna ng yard. Matangkad at payat siya, at ang mahabang buhok na nakatali ng ponytail sa likod ng ulo nito. Elegante at parang artistic ang taong ito. Nang marinig niya ang tunog ng mga yapak sa likod nya, tumalikod ang lalaki at sinabi nito ng may maliit na ngiti sa kanyang mga labi, “Long time no see, Luna.” Ilang sandali na hindi makapaniwala ang mga mata ni Luna. Tumitig siya sa lalaking nasa harap niya. “Theo… Theo Allen?” Nang makita na gulat ang itsura ni Luna. Ngum
Read more

Kabanata 1648

Nang sabihin niya ito, tumingin ang doctor kay Theo. “Nang makita ang dedikasyon niya para sayo, nangako ako sa kanya na sasama ako sa kanya at titingnan ko.” Pagkatapos, lumingon siya sa paligid ng yard at tumuro siya sa direksyon ng kwarto ni Rosalyn. “Nandoon ba ang pasyente?” Tumigil ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya at pinangunahan niya ang daan. Sumunod sina Theo at Dr. Rachel sa likod niya, at habang naglalakad siya, nagtanong si Theo habang nakasimangot, “Dr. Liddell, paano niyo nalaman na dito ang kwarto ng pasyente?” Tumawa si Dr. Rachel at suamgot siya, “Hindi ba’t sinabi mo sa akin na mabait at mahal ng kaibigan mo ang nanay niya? Hindi konektado ang kwartong ito sa gusali, kaya’t mas tahimik ito at mas marami itong sinag ng araw kapag may araw. Ito ay isang perpektong kwarto sa bahay para sa isang tao na parang gulay ang kalagayan para gumaling sila.” “Dahil isang mabuting anak ang kaibigan mo, natural lang na isipin ko na dyan niya papatirahin
Read more

Kabanata 1649

Nang marinig ito ni Luna, sa sobrang tuwa niya ay halos mapatalon siya sa ere! Pinagdikit niya ang mga kamay niya at sinabi niya, “Gaano katagal bago gumising ang nanay ko kapag sinunod natin ang plano niyo, Dr. Liddell?” Kapag gumising si Rosalyn, bubuti na rin ang kondisyon ni Charles. Kapag gumising na siya, mabubunyag na nila Luna at si Jim ang mga krimen nila Malcolm at Heather para hindi na sila lokohin ng dalawang ito, tulad ng panloloko sa kanya dati. Kumunot ang noo ni Dr. Rachel, tumitig siya sa mga sugat sa likod ni Rosalyn. “Hindi kita mabibigyan ng eksaktong petsa, pero hindi ito lalagpas sa dalawang buwan. Kapag malakas ang kalooban niya, baka gumising siya pagkatapos ng isang linggo.” Pagkatapos, tumuro siya sa likod ni Rosalyn at tinanong niya, “Anong nangyari dito?” Tumahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay pinaliwanag niya kung paano sinaktan si Rosalyn. Tumawa si Dr. Rachel at sumagot siya, “Mukhang hindi kasing ligtas ang lugar na ito ang tulad
Read more

Kabanata 1650

Sa loob ng yard, pinaupo ni Theo si Dr. Rachel sa isang upuan, hawak niya ang braso nito habang pinaliwanag niya ang sitwasyon ni Luna. Nang marinig niya ang mga yapak ni Luna, tumingin si Dr. Rachel ng malamig kay Theo, ngunit hindi siya nagsalita. “Dr. Liddell.” Huminga ng malalim si Luna at mabagal siyang lumapit kay Dr. Rachel. “Pakiusap, bigyan niyo ako ng dalawang oras para pag isipan ito. Kailangan kong kausapin ang pamilya ko tungkol dito.” Tumingin si Dr. Rachel kay Luna at sumagot siya, “Dahil si Theo ang nagdala sa ating dalawa, bibigyan kita ng dalawang oras.” Pagkatapos, tumingin siya kay Theo at idinagdag niya, “Tandaan mo na may pangako ka sa akin na dalawang painting.” Tumango si Theo ng nakangiti. “Oo, tutuparin ko ang pangako ko.” Pagkatapos, lumingon siya para tumingin kay Luna. “Hindi ba’t sinabi mo na gusto mo itong pag usapan ng pamilya niyo? Sige na.” Tumango si Luna. Pagkatapos tawagin si Gwen para alagaan ang dalawang bisita, tumakbo siya palabas
Read more
PREV
1
...
163164165166167
...
308
DMCA.com Protection Status