NAKALUHOD ako sa harap ng imahe ng holy family na wallpaper ko sa laptop. Idinowload ko ito no‘ng araw na pinagbantaan ako ni Shaun. Simula noon, routine ko na ang taimtim na manalangin at humingi ng guidance sa may kapal. Kung makapagbanta kasi ‘to si Shaun, akala mo kung sino! Hindi tuloy ako makatulog ng maayos. Sinimulan ko na ang pagdarasal.“Jesus, Mama Mary, Papa Joseph, nawa'y gabayan niyo po ako sa paglabas ko ng bahay. Ilayo niyo po ako sa mga masasamang elemento lalo na sa taong nagngangalang Shaun. Nawa‘y matisod, mabagok at magka-amnesia siya, para makalimutan niya pangalan ko. Amen—ay, may pahabol pa po pala ako. Sana maraming pudding sa canteen ngayon. Amen ulit.” nag sign of the cross ako at tumayo na mula sa pagkakaluhod. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko, para ma
Last Updated : 2021-09-23 Read more