Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Inayos ko pa muna ang sarili ko bago tumayo. Sinigurado ko munang walang bahid na luha sa mukha ko. Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin ang mag-ina. Agad akong napangiti sa kanilang dalawa. Pinapasok ko naman sila. Nakita ko sa mukha ni Mrs. Apostol ang pagsisisi at nanghihingi ng paumanhin sa akin.“Sorry ma’am kung nagalit sa inyo si Sir Kyle,” sambit niya pero agad akong umiling sa kanya.“Okay lang po iyon, like what I’ve said, aakuin ko ito kasi sagot ko kayo,” sabay kindat pa sa kaniya. Napangiti naman siya sa ginawa ko. Napabaling ako sa bata na nakatingala lang sa akin at hindi umiimik. Bumaba naman ako para magpantay kaming dalawa.“Nag-enjoy k aba kanina?” tanong ko sa bata.“Opo, sobrang saya ko po, thank you ate Kiarah kasi pinasaya mo ang birthday ko ngayon.” Napayakap siya sa akin kaya niyakap ko na din siya. Ang sweet, aka
Terakhir Diperbarui : 2021-11-16 Baca selengkapnya