Narita International AirportDash POVNasa airport ako ngayon para sunduin sila Jarvis. Nakatanggap ako ng mensahe na parating siya ngayon para makipagbalikan kay Selena. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya pero siguro ito na ang panahon para malaman ni Jarvis ang katotohanan tungkol sa aming dalawa ni Selena kahit ang kapalit ay aming pagkakaibigan."Dash!"Ngumiti ako na makita ko sila. "Kumusta?""Inaantok pa ako, Pare!" napapailing na wika niya."Tara na para makapagpahinga na kayo," yaya ko sa kanilang lahat."Wait! Nasaan si Selena?" tanong ni Jarvis."Ang alam ko nagpapahinga na siya ngayon, Jarvis. Bukas na lang natin siya puntahan dahil gabi na at para makapagpahinga kayong lahat," mahabang pahayag ko.Tinignan ko si Jarvis at kitang-kita ko ang malaking panghihinayang niya."Pare, may bukas pa," natatawang tapik ko sa kanya."Kung alam mo lang Dash ay hindi mapaka
Huling Na-update : 2022-01-13 Magbasa pa