Bella’s POV“Nakakaalala? Ano bang pinagsasabi mo?” natatawang saad ko. Oh shit! Sana ay hindi niya nahalata ang tensiyon ko.“Bella…” seryosong tawag noya sa pangalan ko.“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Taki,” napapailing na wika ko.Nang tumingin ako sa kanyang mukha ay kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.Napabuntong hininga ako. “Kailan mo pa nalaman?”“Nung engagement party ni Pamela,” kaswal niyang sabi.Nagulat ako na malaman ko iyon mula sa kanya. “Ang tagal mo nang alam pero bakit ngayon mo lang ako tinanong?” “Dahil naging busy ako,” sabi niya. Napaisip ako sa sinabi niya. “Galit ka ba sa paglilihim ko?” marahan na wika ko.Umiling siya. “Hindi ako galit pero nagtatampo, oo. Hindi ko akalain na sa tagal na pinagsamahan natin ay magagawa mong maglihim sa akin, Bella.”“Patawarin mo ako, Taki,” mahinang usal ko.“No need to apologize, Bella. Nang marealize ko na nakakaalala kana ay inisip ko nang mabuti kung bakit ka naglihim sa akin. Dahil ba kay Dos?" Napatit
Magbasa pa