Hindi ako tinigilan ni Caleb sa mga sumunod na araw. Araw-araw pa rin siyang nagpupunta sa ospital kahit na-discharge na ang kapatid niyang si Maddison. I kept myself preoccupied with work to avoid bumping into him. Madalas ay tinatapos ko ang shift ko hanggang madaling araw o kaya'y hatinggabi kaya wala siyang choice kundi umuwi nang maaga dahil bawal siyang manatili sa labas ng visiting hours ng ospital lalo na't wala naman talaga siyang binibisita rito. "Gella, nandito na naman 'yong sundalo mo," pabulong na sabi sa akin ni Tati. Napabuntong-hininga ako at pinanatili na lang ang tingin sa hawak na application form para sa field of specialization. "Hayaan mo siya, mapapagod din 'yan," matabang na sabi ko. Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin. "Are you sure you're okay with this?" Lumipat agad sa kanya ang tingin ko. "With what?" Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "With Caleb's presence... Ginagambala na naman niya ang bu
Read more