Hindi nya man lang ako hinalikan sa pisngi, tinalikuran nya lang ako at pumikit na. Agad kung pinahiran ang luhang patuloy lang sa pagtulo. Kung nakakasama nya lang si Daren o nakakausap, iisipin ko talagang sya ang may pakana nito, kung bakit nasasabi ni Elizabeth 'to sakin ngayon. Pero sobrang sama ko yata kung lagi nalang si Daren ang pinagbibintangan ko tapos mali pala ako. Ilang minuto ang lumipas ay nakatitig lang ako sa anak ko. Napaka inosente talaga ng mukha nya...pero ang pag iisip hindi, may childish at matured na side ang anak ko. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko, pagtingin ko don ay lowbat kaya nag charge nalang muna ako at pag open ko ay sobrang dami ng missed calls. Galing kay Mindy, Mrs. Ferrer at Daren, may mga messages pa na galing sakanila. From Daren: Good morning! Paki sabi kay Elizabeth :)From Daren: Good af
Read more