First Encounter "Neng, bangon na," nakaramdam ako ng mahinang kudlit sa aking likod at nadama ko naman ang balahibo ni Chuchi sa aking paanan, "Bumangon ka na diyaan at may pasok ka, Apo." papungas pungas akong tumayo at niligpit ang aking higaan. Antok pa ako, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi. Bahala na, babawi na lang ako ng tulog mamaya sa classroom. Agad akong naligo at nagbihis, binuhat ko na din ang lola ko para pakainin at habang kumakain naman siya ay nag ayos ako ng bag ko at sarili ko. Araw-araw ito ang routine ko, magising ng maaga at pagkatapos pakainin si lola tsaka lalarga na papuntang skwelahan. Matapos kumain ng lola ko ay binuhat ko na siya pabalik sa kanyang higaan at itinabi sa knya ang arinola. "La, pasok na ako. Kapag napuno iyang ihian mo, sigaw ka lang," paalam ko sa Lola ko at bumaba na ng bahay. Pumunta naman ako sa ka
Last Updated : 2021-09-07 Read more