Share

The Girl Whose Name is Olive (TagLish)
The Girl Whose Name is Olive (TagLish)
Author: soleiluna

Prologue

Author: soleiluna
last update Last Updated: 2021-09-07 13:26:51

9 year old Iv... 

"Wala ka talagang kwentang bata ka!" napatalon ako sa sigaw ni Lola dahil kakarating ko lang sa bahay ay iyon agad ang bungad niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Niyuko ko naman ang ulo ko at tumahimik.

"Palamunin ka na nga lang dito, wala ka pang naitutulong!" bulyaw niya ulit sabay hatak sa buhok ko. "La, huwag naman po." naiiyak na ako kasi ang sakit nang anit ko at alam ko kung ano na naman ang gagawin niya.

"Halika dito nang maturuan kita ng leksyon, punyeta ka!" nilabas niya ang isang bagong kandila at sinindihan. Nilapit niya iyon sa aking kamay at pinatakan.

"Lola, arayyyyyy! Tama na po!" sigaw ako nang sigaw pero patuloy niya parin akong pinatakan ng kandila. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang iyak pero hindi parin siya tumitigil.

"Kapag nalaman laman kong pumunta ka na naman sa kung saan saan, malilintikan ka talaga sakin!" bulyaw niya ulit bago niya patayin ang kandila. Pasinghot singhot akong tumango sa kanya. Tiningnan niya lang ang mga kamay ko at tumalikod na. Tumalikod na din ako at pumunta sa balcon para umupo.

Tiningnan ko ang mga natuyong kandila sa kamay ko at inalis ang mga iyon, as usual namumula sila. Pinahid ko ang mga luha ko ang tumingin sa mga punong nag-sasayawan. Nasa probinsiya ako nakatira kaya naman hindi malangsa ang hangin na nilalanghap ko. Unti unti ay parang lumuwag ang damdamin ko, ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang simoy ng hangin. Parang magic, nawala iyong sakit  kaya naman minulat ko ang aking mga mata at tinuon ang tingin sa mga ka edaran ko na naglalaro di kalayuan.

Napangiti ako ng mapait dahil nakakainggit. Minsan hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung nararanasan kaya nila ang nararanasan ko? Kung pinapatakan kaya sila ng kandila kapag nalamang lumabas sila at naglaro? Oh di kaya naman hinahataw nang walis tingting at tambo kapag papagalitan? Bumuntong hininga ako at akmang tatayo na ng may narinig akong nagtanong sa akin. 

"Bata, gusto mo ba maglaro?" tiningnan ko ang batang bigla nalang sumulpot sa kawalan. Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong dahil nahihiya ako magsalita.

"Ako nga pala si Finnick. Kakalipat lang namin diyan nila mama at papa." sabi niya sabay turo sa bandang likodan ng bahay namin. Ah oo, naalala ko may pinapaupahan diyan si Aling Mirasol na bahay. Umalis na kasi diyan ang tumitira, pumuntang Manila. Kaya naman imbis na mabulok, pinaupahan nalang.

"Gusto mo bang maglaro tayo?" patuloy niya paring tanong sa akin kahit hindi ko siya sinasagot. Tiningnan ko ang mga batang naglalaro sa di kalayuan at binalik ko naman ang tingin ko sa loob ng bahay. Kung aalis ako, tiyak na pag uwi ko kandila na naman o sinturon ang katapat ko. Kaya naman tinignan ko ang bata tsaka tumango. Napangiti naman siya at agad nilahad ang kamay. Sa di malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti siya, ang cute niya ngumiti, pati mata niya kasi ngumiti din.

Tatanggapin ko na sana ang nakalahad niyang kamay nang biglang magtanong na naman ulit siya, "Anong nangyari diyan? Bakit namumula?" inosente niyang tanong sabay tingin sa bahagi nang kamay kong pinatakan ng kandila. "Patak ng kandila iyan." sa wakas ay sinagot ko siya.

Umupo ako sa sementong nasa pagitan namin at tumingin sa kanya. "Bakit? Ikaw ba? Hindi ka ba kinakandila kapag galit ang magulang mo sayo?" tanong ko.

"Hindi. Kasi bad iyon." sagot naman niya. Umupo na din siya sa tabi ko. "Upo ako ha?" napangiti ako kasi nag-paalam pa siya e naka-upo na din siya. Ngumiti din siya pabalik sa akin. Yan na naman ang ngiti niya  kaya naman iniwas ko ang tingin ko at niyuko nalang ang ulo ko.

"Sabi ni mama ko, dapat di daw saktan ang mga bata kasi bawal iyon."

"Bawal? Bakit naman?"

"Eh kasi nasa batas iyon."

"Bakit ka ba sinasaktan ng lola mo?" bakit nga ba? Hindi ko alam. Minsan kapag bago akong uwi galing bahay ng kaibigan ko, minsan naman kapag pinagbibintangan niya akong ninakaw ko ang pera niya. O di kaya kapag wala na siyang pera, sinasaktan ako ni Lola kahit nasa tabi lang ako. Magugulat nalang ako bigla niyang hahablutin ang buhok ko at hatawin ng tingting ang mga hita ko. Wala naman akong magawa dahil sa mata ko tama siya dahil siya ang mas nakakatanda.

Napabalik ako sa reyalidad ng maramdaman kong hinahaplos ni Nick ang kamay ko. Hinablot ko iyon sa kanya at umiling.

"S-sorry."

"Puwede bang dito nalang tayo maglaro? Papagalitan na naman kasi ako kapag lumabas ako." tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at naglabas ng stickers. Nagliwanag naman ang mukha ko at kinuha ko ang isang pack sa kanya. 

"Alam mo ba kung paano laruin iyan?" 

"Oo naman!" 

"Turuan mo ko." inalis ko ang tingin ko sa sticker at kinunutan siya ng noo. 

"Huh? Eh bat ka may stickers, di ka naman pala marunong mag stick." 

"Eh kasi binili lang naman iyan ni mama sa palengke.  Ito daw nilalaro ng mga kaedaran ko." nginitian ko lang siya tsaka pumasok sa loob ng bahay. Kinuha ko doon ang isang supot ng stickers na nalikom ko mula sa mga dinaya ko. Dejok lang. Nasa pintuan na ako nang harangan ako ni lola.

" Sino iyong batang nasa labas? " 

" Ah eh si Nick po. Anak ng umuupa sa bahay nila Aling Mirasol." 

"Sige, maglaro lang kayo diyan. Pupunta muna ako sa bayan, bibili ako ng lulutuin ko." hinaplos niya ang buhok ko at tumango naman ako. Excited akong lumabas at pinakita kay Nick ang supot ko. 

Nanlaki naman ang mga mata niya at agad itong binuksan. 

"Woah, ang dami naman neto." nginisihan ko siya. Syempre naman, beterano na ako pagdating sa larong to. 

"Turuan mo ako!" tingala niya sa akin sabay ngiti. Iniwas ko naman ang tingin ko at kinuha ang dalawang stick. 

Pinaliwanag ko sa kanya ang dapat gawin at mabilis naman niyang naintindihan kaya agad kaming naglaro. Di namin namalayan ay pahapon na, kung di pa ako sinabihan na lola na magdidilim na ay di pa kami titigil kakalaro. 

"Maduga ka! Baguhan ka palang pero naubos mo na halos kalahati ng supot ko!" naiinis ako, ano ba yan. Naubos niya halos stickers ko. Ano ba yan nakakainis naman e! Nilingon ko naman si Nick at pinanliitan ng mata. 

"Nandaya ka no?" taas kilay kong tanong sa kanya. Natawa naman siya at binaba ang kilay ko gamit ang hintuturo niya.

"Beginner's luck tawag doon, atsaka wag mong tinataas ang kilay mo aabot yan ng Mt. Fuji." sinimangutan ko naman siya at inirapan. Sa di malamang dahilan ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob kahit kanina ko pa lamang siya nakilala.

"Pano ba yan, alis na ako. Bukas ulit." ngumiti ako sa kanya at tumango. Aalis na sana siya ng bigla siyang tumalikod, "Ay nga pala, kanina pa tayo naglalaro pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Anong name mo?" 

"Olive, pero Iv nalang ang itawag mo sa akin." 

"Sige, Iv. Uwi na ako, bukas ulit." ngumiti siya sa akin bago siya tumalon sa balkon at naglakad. Pinanood ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Wala sa sariling ngumiti ako at pumasok na sa loob ng bahay. Sana kaya kong higitin ang oras para bukas na. 

_____________________________________________

Lumipas ang ilang buwan at taon ay mas lalo kaming naging malapit ni Nick. Madalas na din akong payagan ni Lola kapag magpapaalam ako sa kanya na lalabas ako. Masaya ako kapag kasama ko si Nick. Pinakilala ko rin siya sa mga kaibigan ko kaya naman mula noon ay sabay sabay na kaming nag-lalaro at kapag uwian naman ay sabay kami ni Nick umuwi. 

Kung may isang bagay mang hindi nagbabago iyon ay ang pananakit sa akin ng Lola ko. Isinawalang bahala ko na iyon dahil kapag kasama ko ang mga kaibigan ko ay napapawi ito. Minsan nga ay naabutan ni Nick na pinapalo ako ni Lola ng walis paypay. Nang makita ni Lola si Nick ay agad siyang tumigil at pumasok sa bahay. Tinignan ko naman si Nick at nginitian. 

"Okay lang." walang tinig kong sambit sa kanya. Nilapitan niya naman ako at pinahid ang luha ko. Niyakap niya ako at  dahil doon ay bumuhos ang luha ko. Di ko alam pero mukhang may mahika ata ang yakap ni Nick at bumuhos ang lahat ng luha ko. Hindi ko alam na mas marami pa pala ang maiiiyak ko. Niyakap ko siya pabalik at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ang bango niya. Di kalaunan ay natigil na din ako sa pag-iyak at tiningala ko siya ng nakayakap pa rin.

"Sorry ha? Nabasa ko na iyong t-shirt mo." natatawa kong sabi sabay bitaw sa yakap. Bigla akong nahiya. Niyuko ko ang ulo ko at katulad ng palagi niyang ginagawa ay tinataas niya ang baba ko. Sa pag-taas ko ng tingin ko ay nasalubong ko ang mga mata niya. Bigla niyang binitawan ang baba ko at lumayo sa akin.

Nakita kong namula ang tenga niya. Napangiti ako dahil senyales iyon na nahihiya siya. Pero bakit naman siya mahihiya? Mag-tatanong pa sana ako pero hinatak na niya ako palabas. Sabay kaming pumunta sa bahay nila Alison para mag laro.

At katulad ng dati ay masaya akong umuuwi sa bahay. Noong araw din na iyon ay napagtanto ko kung bakit palagi akong masaya kapag umuuwi nang bahay, at kung bakit palaging mabilis ang tibok ng puso ko kapag ngumingiti si Nick. Crush ko siya. Pero ang bata ko pa. Posible ba yon? Siguro. Si Alison nga e, sabi niya sa akin lima crush niya. Ako pa kaya na si Nick lang ang crush? 

_____________________________________________

3 years later... 

Nandito kami ngayon ni Nick sa ilalim ng puno ng mangga. Inaya ko siyang pumunta dito dahil balak kong umamin kay Nick atsaka may sasabihin din daw siya sa akin, baka sasabihin niyang gusto niya ako, kung ganoon ay papaunahin ko nalang siyang magsalita, dahil sa isipan ding iyon ay bigla akong napa-bungisngis. Twelve years old na ako kaya naman baka puwede na akong umamin na crush ko siya. 

Umupo kaming pareho sa lilim ng puno at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Kahit kinakakabahan ako ay ibinuka ko ang bibig ko. 

"Ano nga pala ang sasabihin mo? Ikaw na mauna." naramdaman ko naman ang pag hinga niya ng malalim. Mukhang seryoso ah? 

"Iv, aalis kami." kumunot naman ang nuo ko at inalis ang pagkakahilig ng ulo ko sa balikat niya. 

"Saan punta?" 

"Manila." nalaglag ang balikat ko at bumuka ang bibig ko pero walang salita ang lumabas doon.  Manila? Babalik na ba sila sa Manila? 

"Nadestino na ulit doon si Papa." pag-patuloy niya. Ako naman ay di pa rin makapagsalita. 

"Hey, babalik ako. Babalikan kita." kinulong niya ang pisngi ko gamit ang mga kamay niya. Tinignan ko siya at maya maya ay naramdaman ko ang ilang luha na pumatak sa aking pisngi. Hindi  naman ako sinasaktan ni Lola pero para akong tanga. Hindi, mas masakit to. Sa di malamang dahilan ay parang pinipiga ang puso ko. Ang sakit!

Hinawakan ko ang kamay niya at nakayuko kong pinikit ang mga mata ko at sinabi ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. 

"Gusto kita." 

Matagal na katahimikan ang lumipas at wala pa rin akong narinig mula sa kanya. Kaya naman dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko at dinilat ang mga mata ko. Nakatingin lang siya sa akin, hihigitin ko na sana ang mukha ko paalis sa kanyang pagkakahawak pero bago pa iyon mangyare ay hinigit niya ako palapit sa kanya at inilapat ang kanyang labi sa aking labi. 

Nanlaki ang aking mga mata at bumilis ang tibok ng aking puso. Nakapikit ang mga mata ni Nick na siya namang kabaliktaran ng akin. Sa mga oras na iyon ay parang huminto ang oras, nagsihuni ang mga ibon at ang mga dahon ay nagsayaw sa saliw ng hangin. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang labi ni Nick sa labi ko. 

Ito ang una at siguro ang panghuling alala na magkakaroon ako tungkol sa kanya. 

1...

2... 

3...

4...

5...

Lumipas ang limang segundo at naramdaman kong humiwalay ang labi niya sa labi ko. Tumingin kami sa isa't isa at sabay tumawa. 

Matapos non ay buong araw kaming nag-saya sa lilim ng puno ng mangga. Naglaro kami hanggang sa mapagod kami at paminsan minsan ay ninanakawan niya ako ng halik sa pisnge. 

"Ano ba, Nick!" natatawa kong sigaw sa kanya dahil matapos niya aking nakawan ng halik ay tumakbo siya. Naghabulan kaming pareho hanggang sa hingalin kami. This feels so surreal. Parang gusto ko na lamang itigil ang oras at manatili dito.Masaya at hindi iniisip ang maaaring datnan ko sa bahay at sa mga susunod na araw. Kapiling niya. Kapiling ni Nick.

Sa sobrang aliw namin ay di namin namalayan ang oras at papahapon na naman. Bago matapos ang araw ay inukit naming dalawa ang mga pangalan namin sa puno ng mangga. 

Nick at Iv. 

Dinama ko ang mga naka-ukit naming pangalan at ngumiti. Tinabihan ko si Nick  sa kanyang kinauupuan at tinignan ang papalubog na araw.

"Ang ganda." wala sa sarili kong sambit. Nagtagpo ang aming mga mata at nakita ko ang isang emosyon doon na sa tanang buhay ko ay hindi ko nakilala. Nangungusap ang mga mata ni Nick at nakangiti ang kanyang mapupulang labi. Napangiti ako, ang suwerte ko naman masyado. Hindi naman ako kabaitan pero biniyayaan ako ng ganitong blessing.

"Balik tayo dito balang araw, Iv." sambit niya sabay abot ng kanyang hinliliit sa akin. Nagtatanong ko siyang tinignan dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon. Sa huli ay inabot niya ang kanang kamay ko at pinaghugpong ang hinliliit ko at hinliliit niya. Habang tinitignan ko ang magkadugtong naming mga hinliliit ay inangat niya iyon at tumingin sa akin.

"Pangako?" 

"Pangako." 

Sa ilalim ng punong mangga, sa papailalim na sikat ng araw, nangako kaming dalawa. Pangakong sana'y hindi mapako.

Magka hawak kamay kaming umalis ni Nick sa lugar na iyon at pinapangako ko na balang araw ay magkahawak kamay din kaming babalik dito. 

Related chapters

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 1 : Finnick

    Pula"Pre, kilala mo ba yung Calla Asturias na nasa Grade 10?" tanong ng kaibigan kong si Paulo sabay ngisi. "Bakit? Type mo? Alam ko na yang ngisi mong yan chong 'oy!" natatawa kong saad sabay batok sa kanya."Pero oo pre, kilala ko. Natambakan nga iyan sa friend requests ko e," medyo natatawa kong sabi sa kanya. Nandito na naman kami ngayon sa hallway ng junior high, tumatambay nagbabakasakaling makakita ng chix. Ala una y media na pero wala pa rin naman ang teacher namin kaya lumabas na lang muna kami saglit para mag-pahangin.Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinipa ang pangalang Calla Asturias. Ilang segundo lang ang lumipas ay agad nang may resulta."Heto oh, katiba-- speaking of the devil." siniko ko si Paulo nang namataan kong paparating si Calla at dito sa amin papunta. Salitan kong tinignan ang profile picture ni Calla at ang masasabi ko lang ay gand

    Last Updated : 2021-09-07
  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 2 : Finnick

    OliveAraw ang lumipas simula noong huli kong nakita si Pula at matapos yun ay hindi na ito nasundan pa. Mag-mula din noon ay isinawalang bahala ko na siya at nag-focus na lang ako kung paano ko sasabihin kina Mama at Papa na gusto ko na lang umalis sa eskwelahan at tumulong sa kanila."Hey Nick!," nilingon ko ang tumawag sa akin na si Paulo at tinignan siya ng nagtatanong. "Punta tayo sa building nang Juniors ," ano na namang gagawin namin 'don e 30 minutes na lang mag- uumpisa na ang klase namin?Magtatanong pa sana ako pero inunahan niya na ako, "Titingin lang ako kay Calla my labs ko," nakangisi niyang sabi sabay talikod na. Kita mo 'tong mokong 'to, 'di manlang ako binigyan ng pagkakataon na mag-desisyon kung sasama ba ako o hindi. Psh, dyahe na nga may 30 minutes pa naman e. 'Tsaka baka masilayan ko din doon si Pula. Ta*na saan galing yun? Sisilay? Ako? Kay Pula? Sa isipang iyon

    Last Updated : 2021-09-07
  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 3 : Olive

    First Encounter"Neng, bangon na," nakaramdam ako ng mahinang kudlit sa aking likod at nadama ko naman ang balahibo ni Chuchi sa aking paanan, "Bumangon ka na diyaan at may pasok ka, Apo." papungas pungas akong tumayo at niligpit ang aking higaan. Antok pa ako, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi. Bahala na, babawi na lang ako ng tulog mamaya sa classroom.Agad akong naligo at nagbihis, binuhat ko na din ang lola ko para pakainin at habang kumakain naman siya ay nag ayos ako ng bag ko at sarili ko. Araw-araw ito ang routine ko, magising ng maaga at pagkatapos pakainin si lola tsaka lalarga na papuntang skwelahan. Matapos kumain ng lola ko ay binuhat ko na siya pabalik sa kanyang higaan at itinabi sa knya ang arinola."La, pasok na ako. Kapag napuno iyang ihian mo, sigaw ka lang," paalam ko sa Lola ko at bumaba na ng bahay.Pumunta naman ako sa ka

    Last Updated : 2021-09-07
  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 4 : Olive

    Chpter 4 : Olive "Turuan mo rin akong mag english, Pula." This guy again? Tinignan ko siya nang masakit at tumalikod na. Bago pa ako makarating sa upuan ko ay hinawakan niya kaliwang kamay at hinila ako paharap sa kanya. Sisigawan ko na sana siya pero halos walang salitang namutawi sa aking bibig dahil ang lapit lapit ng mga mukha namin. T*ngina hindi ba uso ang pores sa mukha ng lalaking to? Kahit blackheads wala e. Bumuka ng bahagya ang bibig ko at nakita kong napatingin siya sa mga labi ko. "Why are you staring at my lips?" Magsasalita pa sana siya pero inirapan ko na siya at tinulak palayo. Pinagkrus ko ang mga kamay ko at tinaasan siya ng kilay. Nahimasmasan na yata siya sa ginawa kong pagtulak kaya bumalik na naman ulit ang mapaglaro niyang ngisi. "You look astig kanina habang nagsasalita kaya I wanna learn English."

    Last Updated : 2021-10-04
  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 5 : Finnick

    Iv"Ipagpatuloy mo pa iyan, sige ka mapuputol yan."Biglang sumigid ang sakit sa ulo ko at may nakita akong batang babae. Malabo ang mukha niya, lahat ng nasa paligid ay malabo. Nakita ko siyang tumatakbo habang tumatawa. That voice, that sweet laugh. It all sounds familiar.Pinilit kong mukhaan ang bata pero mas lalong sumasakit ang ulo ko. Kahit ayaw ko man ay kinalma ko ang sarili ko para tumigil na ang sakit. Ilang minuto lang ay medyo hindi na masakit kaya naman tumingin ako sa paligid kung andyaan pa si Olive.Wala na.Habang umuuwi ako ay panaka-nakang sumasakit ang ulo ko kaya naman nakailang inhale exhale ako kasi baka mamaya niyan matumba nalang ako, halos wala pa namang tao dito.I was 14 years when I got into an accident. Natamaan ng softball ang gilid ng ulo ko. Buti nalang kamo hindi ako napuruhan dahil tiyak na wasak na sana ang bun

    Last Updated : 2021-10-05
  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 6 : Finnick

    Delikado "What's your favorite color?" "Kamatayan." "Mahilig ka ba sa movies?" "False." "What subject do you like?" "Totropahin." "Are you a vegetarian?" "Samgyup is life." "Do you like girls? " Yes. " Napamaang ako. She likes girls? Napahampas ako ng noo, kakaoo niya lang diba, Fin? Bobo ka ba? "So tomboy ka?" "So bobo ka nga?" pabalik niyang tanong. Binuksan ko ang bibig ko pero walang salita ang namutawi mula rito. "Then, what are you?" "Tao. Hindi ba obvious?" "Hindi." bara ko. Tinignan niya lang ako ng masama. Ha! See? Ano ka ngayon, pula?

    Last Updated : 2021-10-06
  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 7 : Olive

    Pinanlisikan ko ng mata ang walang hiyang lalake na kanina pa bumubuntot sa akin. Nakakainis na ah. Una sa pag punta at uwi ko sa school tas ngayon eto na naman siya at sunod ng sunod sa akin sa campus."Madami kang freetime, bhie?"Nginitian niya lang ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil ang pangit niya pati mata niya nadadamay sa pag-ngiti niya."Itigil mo yan. Hindi ka nakakatuwa." irap ko sabay hagilap sa susunod na folder na ibibigay ko."Colton Cruton." natawa ako sa pangalan. Nasa senior high building to panigurado. Kaso tinatamad ako pumunta sa building ng mga seniors, napakalayo kasi tapos ang init pa, wala pa man din akong dalang payong.Tinignan ko ang taong bumubuntot sa akin para ipadala nalang sana sa kanya ang folder pero wala akong tiwala dito. Sa mukha palang e.Sa huli ay bumuntong hininga nalang ako at nagsimula ng maglakad papuntang building

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 8 : Olive

    Finnick Mabagsik added you as a friend.Confirm DeleteNapaarko ang perpekto kong kilay. Ano bang gusto ng lalaking to? Sa lahat nalang ba sinusundan niya ako? Pati sa social media nakaabot. Paano niya natunton ang FB ko? Ay oo nga pala, naka one name lang ako. Pero madaming Olive ah? Tas hindi ko naman sarili ang profile pic ko. Ay ewan, bahala na.At mabagsik? The hell is with his surname?Ano bang kailangan ng lalaking 'yon? Sunod ng sunod amp*ta. Makita kita ko lang talaga yan mamaya."SO AS I WAS SAYING..." nabigla ako ng sumigaw si Mam sa harapan. Tinignan ko ito at nakita kong tumitingin siya sa akin at sa selpon ko. Pabalik balik. Ngumuso ako at ibinalik nalang ang selpon ko.Ke aga aga e, ayaw kong mapagalitan, lunes pa man din ngayon. Tsaka na mamayang hapon.

    Last Updated : 2021-10-11

Latest chapter

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 10 : Finnick

    "When I was a kid, I use to wonder why I don't have a mom... and I dont see her as often as my friends does" panimula ni Olive, habang nakatingin parin sa kawalan."Akala ko wala akong mama, turns out meron naman. She's just away, working for us. Yun ang palaging kuwento sa akin ng lola ko.""I was four when I first heard her voice, I was ecstatic of course, because finally, I got to hear what she sounds like," patuloy niya sabay tawa ng tipid.Tinitigan ko lang siya. Nakikinig sa sinasabi at sasabihin palang niya. Kanina, nang makita at makompirma kong siya ang nakaupo ay naisip ko agad na patawanin siya. Pero mukhang di eto ang oras para paganahin ang pagkag*go ko.So I sit still. Listening. And just staring at her."Graduation ko sa kinder ng una kong nakita si Mama, umuwi siya at for the first time in my life nakapunta ako sa city kasi ipinasyal

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 9 : Finnick

    MalungkotFor the past few days, Olive avoided me. Hindi ko na siya matyempohan sa pagpasok at uwi kaya naman hindi na din ako nakaksabay sa kanya.Masama ba talaga iyong tinanonh ko? I... I just want to know if she's related to Iv. And sinabi niya naman na di niya ito kilala, so bakit iniiwasan niya ako?"Damn." usal ko sa sarili sabay hilot sa aking ulo dahil sumakit ito.Eversince that day, I never got to see her again. And... and its kind of lonely. Kamiss siyang kulitin.Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko oh ano pero... Hindi naman kasi kasing haba ng flag pole ang pasensiya ko para antayin bumalik ang mga alaala ko. I atleast want to remember Iv.Nasa guts ko talaga na napaka importante niya and I cant just let that slide.What should I do? Dapat ko ba siyang puntahan sa room nila?

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 8 : Olive

    Finnick Mabagsik added you as a friend.Confirm DeleteNapaarko ang perpekto kong kilay. Ano bang gusto ng lalaking to? Sa lahat nalang ba sinusundan niya ako? Pati sa social media nakaabot. Paano niya natunton ang FB ko? Ay oo nga pala, naka one name lang ako. Pero madaming Olive ah? Tas hindi ko naman sarili ang profile pic ko. Ay ewan, bahala na.At mabagsik? The hell is with his surname?Ano bang kailangan ng lalaking 'yon? Sunod ng sunod amp*ta. Makita kita ko lang talaga yan mamaya."SO AS I WAS SAYING..." nabigla ako ng sumigaw si Mam sa harapan. Tinignan ko ito at nakita kong tumitingin siya sa akin at sa selpon ko. Pabalik balik. Ngumuso ako at ibinalik nalang ang selpon ko.Ke aga aga e, ayaw kong mapagalitan, lunes pa man din ngayon. Tsaka na mamayang hapon.

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 7 : Olive

    Pinanlisikan ko ng mata ang walang hiyang lalake na kanina pa bumubuntot sa akin. Nakakainis na ah. Una sa pag punta at uwi ko sa school tas ngayon eto na naman siya at sunod ng sunod sa akin sa campus."Madami kang freetime, bhie?"Nginitian niya lang ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil ang pangit niya pati mata niya nadadamay sa pag-ngiti niya."Itigil mo yan. Hindi ka nakakatuwa." irap ko sabay hagilap sa susunod na folder na ibibigay ko."Colton Cruton." natawa ako sa pangalan. Nasa senior high building to panigurado. Kaso tinatamad ako pumunta sa building ng mga seniors, napakalayo kasi tapos ang init pa, wala pa man din akong dalang payong.Tinignan ko ang taong bumubuntot sa akin para ipadala nalang sana sa kanya ang folder pero wala akong tiwala dito. Sa mukha palang e.Sa huli ay bumuntong hininga nalang ako at nagsimula ng maglakad papuntang building

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 6 : Finnick

    Delikado "What's your favorite color?" "Kamatayan." "Mahilig ka ba sa movies?" "False." "What subject do you like?" "Totropahin." "Are you a vegetarian?" "Samgyup is life." "Do you like girls? " Yes. " Napamaang ako. She likes girls? Napahampas ako ng noo, kakaoo niya lang diba, Fin? Bobo ka ba? "So tomboy ka?" "So bobo ka nga?" pabalik niyang tanong. Binuksan ko ang bibig ko pero walang salita ang namutawi mula rito. "Then, what are you?" "Tao. Hindi ba obvious?" "Hindi." bara ko. Tinignan niya lang ako ng masama. Ha! See? Ano ka ngayon, pula?

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 5 : Finnick

    Iv"Ipagpatuloy mo pa iyan, sige ka mapuputol yan."Biglang sumigid ang sakit sa ulo ko at may nakita akong batang babae. Malabo ang mukha niya, lahat ng nasa paligid ay malabo. Nakita ko siyang tumatakbo habang tumatawa. That voice, that sweet laugh. It all sounds familiar.Pinilit kong mukhaan ang bata pero mas lalong sumasakit ang ulo ko. Kahit ayaw ko man ay kinalma ko ang sarili ko para tumigil na ang sakit. Ilang minuto lang ay medyo hindi na masakit kaya naman tumingin ako sa paligid kung andyaan pa si Olive.Wala na.Habang umuuwi ako ay panaka-nakang sumasakit ang ulo ko kaya naman nakailang inhale exhale ako kasi baka mamaya niyan matumba nalang ako, halos wala pa namang tao dito.I was 14 years when I got into an accident. Natamaan ng softball ang gilid ng ulo ko. Buti nalang kamo hindi ako napuruhan dahil tiyak na wasak na sana ang bun

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 4 : Olive

    Chpter 4 : Olive "Turuan mo rin akong mag english, Pula." This guy again? Tinignan ko siya nang masakit at tumalikod na. Bago pa ako makarating sa upuan ko ay hinawakan niya kaliwang kamay at hinila ako paharap sa kanya. Sisigawan ko na sana siya pero halos walang salitang namutawi sa aking bibig dahil ang lapit lapit ng mga mukha namin. T*ngina hindi ba uso ang pores sa mukha ng lalaking to? Kahit blackheads wala e. Bumuka ng bahagya ang bibig ko at nakita kong napatingin siya sa mga labi ko. "Why are you staring at my lips?" Magsasalita pa sana siya pero inirapan ko na siya at tinulak palayo. Pinagkrus ko ang mga kamay ko at tinaasan siya ng kilay. Nahimasmasan na yata siya sa ginawa kong pagtulak kaya bumalik na naman ulit ang mapaglaro niyang ngisi. "You look astig kanina habang nagsasalita kaya I wanna learn English."

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 3 : Olive

    First Encounter"Neng, bangon na," nakaramdam ako ng mahinang kudlit sa aking likod at nadama ko naman ang balahibo ni Chuchi sa aking paanan, "Bumangon ka na diyaan at may pasok ka, Apo." papungas pungas akong tumayo at niligpit ang aking higaan. Antok pa ako, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi. Bahala na, babawi na lang ako ng tulog mamaya sa classroom.Agad akong naligo at nagbihis, binuhat ko na din ang lola ko para pakainin at habang kumakain naman siya ay nag ayos ako ng bag ko at sarili ko. Araw-araw ito ang routine ko, magising ng maaga at pagkatapos pakainin si lola tsaka lalarga na papuntang skwelahan. Matapos kumain ng lola ko ay binuhat ko na siya pabalik sa kanyang higaan at itinabi sa knya ang arinola."La, pasok na ako. Kapag napuno iyang ihian mo, sigaw ka lang," paalam ko sa Lola ko at bumaba na ng bahay.Pumunta naman ako sa ka

  • The Girl Whose Name is Olive (TagLish)    Chapter 2 : Finnick

    OliveAraw ang lumipas simula noong huli kong nakita si Pula at matapos yun ay hindi na ito nasundan pa. Mag-mula din noon ay isinawalang bahala ko na siya at nag-focus na lang ako kung paano ko sasabihin kina Mama at Papa na gusto ko na lang umalis sa eskwelahan at tumulong sa kanila."Hey Nick!," nilingon ko ang tumawag sa akin na si Paulo at tinignan siya ng nagtatanong. "Punta tayo sa building nang Juniors ," ano na namang gagawin namin 'don e 30 minutes na lang mag- uumpisa na ang klase namin?Magtatanong pa sana ako pero inunahan niya na ako, "Titingin lang ako kay Calla my labs ko," nakangisi niyang sabi sabay talikod na. Kita mo 'tong mokong 'to, 'di manlang ako binigyan ng pagkakataon na mag-desisyon kung sasama ba ako o hindi. Psh, dyahe na nga may 30 minutes pa naman e. 'Tsaka baka masilayan ko din doon si Pula. Ta*na saan galing yun? Sisilay? Ako? Kay Pula? Sa isipang iyon

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status