CHAPTER FIFTY-SIX Ziah's POV "Mama, kamusta ka diyan?" tanong ko habang inaalis ang mga dahon na nalaglag sa puntod nito. "Kasama ko nga pala ang mag-ama ko, si Braxien at si Zhen. Sorry Ma, dahil ngayon ko lang sila naipakilala sa'yo." Inalalayan akong tumayo muli ni Braxien at saka inakbayan. Habang si Zhen naman ay nakangiti habang nakatingin sa'kin. Hindi ko maiwasang maluha habang nakangiti. Ngayon, kahit papaano ay unti-unti ko ng natatanggap ang mga nangyari. Unti-unti rin na naghihilom na ang sugat sa puso ko. Ang nakaraan ay nakaraan, kailangan ko ng mag move forward, dahil may pamilya na rin ako. "Lola, Hello po!" pagbati nito. "Hello, Ma," kumakamot sa batok na sambit ni Braxien sabay tingin sa'kin. "Umiiyak nanaman po ang anak niyo, pero hindi po ako ang dahilan niyan, ah!" pag protesta nito dahilan para matawa ako.
Read more