Chapter 105 "Tay, heto at may mga nakuha pa akong puwedeng gamitin na pangkahoy!" sigaw ng batang lalaki na si Kiko. Masaya nitong pinulot at pinagsama sama ang mga kahoy na nakuha. "Sige lang, ipunin mo lang diyan. Ako na ang kukuha para magbuhat," sambit naman ng lalaki na si Severo. Nang matapos silang mangahoy ay nagtungo na ito sa kubong kanilang tinitirahan. Kung tutuusin ay matatawag talaga itong kubo dahil sa liit at sa materyales na ginamit ay ang dahon ng mga sasa o dahon ng puno ng niyog. Ngunit tama lang iyon para sa kanilang tatlong miyembro ng pamilya. Lumabas ang isang babaeng nakabestida, nakaiipit ang buhok at may kaunting pagkagulo iyon. Morena ito at may katangkaran at hindi makakailang maganda rin. "Oh, nariyan na pala kayo," nakangiting salubong ni Margie kay Severo at sa anak niyang si Kiko. Kaagad niyang inabot ang towel sa mga ito. Ngunit siya na mismo ang nagpunas sa pawis ni Severo sa noo. Hindi niya kilala ang taong ito ngun
Magbasa pa