GETTING WHAT’S OURS BACK ASHY’S P.O.V Mula nang mag- walk out si Cyruz Keith kanina ay hindi ko pa siya nakikita ulit. Nakapag- usap na ang magkapatid na sina TJ at Tyrrah. Si Tyrone naman, sumunod yata kay Cyruz Keith. Hindi ko alam. Sina Jashler at Jamie? Nasa kitchen. Sila na raw ang magluluto ng dinner naming pito. Awtomatikong lumipad ang paningin ko sa center table nang biglang umilaw at mag- vibrate ang cell phone ko na nakapatong doon. Incoming call... Mommy... Kinuha ko iyon agad at ini- swipe papunta sa green button. Kanina pa nga pala ako hindi nakakapag- update sa kanila. Ni- tawag o text ay wala akong ginawa kaya sigurado ako na nag- aalala na sila sa akin maging sa mga kaibigan ko. “Hello, Mom—“ “Goodness, gracious, anak! Bakit ngayon ka lang sumagot?! Nasaan ba kayo, ha?! Bakit hindi ka pa umuuwi—“ Imbis ma sumagot ay hindi ko na napigilan na mata
Последнее обновление : 2021-09-20 Читайте больше