"Bakit kaya hindi na lang tayo mauna? Kanina pa tayo rito pero hanggang ngayon wala pa rin 'yong hinihintay natin," iritadong sabi ni Kenneth, nasa malayo ang tingin niya ngunit nakakunot ang noo senyales na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa namin dito. Nakita ko pa ang palihim na pag-irap ni Claris dahil sa sinabing iyon ni Kenneth."Hindi puwede, iisa lang naman tayo ng school mas maganda nang sabay-sabay tayo," sagot ko."Kanina pa kasi tayo rito," katwiran niya.Pinagkrus ko na lang ang dalawang braso ko at hindi na siya sinagot. Napakamainipin niya, e, hindi pa nga kami lumalampas ng sampung minuto rito. Plus nakaupo kami at hindi naaarawan. Nasa tapat kami ng building nila Ali. Ngayon ang Anniversary ng parents ko, I invited him. Nahihiya pa nga siya no'ng una pero noong sinabi kong sabay kaming uuwi sa bahay ay pumayag na siya. Kilala naman niya sila Claris pero nabanggit niya sa akin na medyo hindi siya comfortable
Huling Na-update : 2022-03-07 Magbasa pa