Caleb... "I'M glad Mr. Simonne na tinuloy-tuloy mo ang therapy kahit pa nga naalala mo na ang lahat." "Well Doc kayo na rin ang nagsabi na lacunar ang case ko, kahit na akala ko magaling ako hindi natin masasabi." Ngumiti ako. "Kaya nga may good news ako, sa mga recent tests na sinagawa namin lahat ay naging maayos ang kinalabasang resulta. I can finally say that you have completely recovered." "Thank you Doc." "GOOD news?" Huminga ako ng malalim at kunwari ay malungkot na umupo sa sofa, lumapit si Tracy sa akin at yumakap, "Okay lang naman, pwede mo pa namang ituloy yung therapy, gagaling ka rin, maniwala ka lang."
Last Updated : 2021-09-27 Read more