Yaena POV. Maaga akong gumising kahit sobrang sakit ng katawan ko. Pinilit ko talagang bumangon para ipaghanda siya. It's Saturday, May 31, my husband's birthday. At dahil sabado, of course wala siyang pasok. Anyway, kahit di naman siya pumasok okay lang naman. Siya din kasi ang nagmamay-ari ng kompanya kaya ewan ko ba kung bakit napaka- workaholic niyang tao. Mas madalas pa siyang magbabad sa office niya kaysa uwian ako. Sabagay, mas pipiliin talaga niyang manatili roon kaysa makasama at makita ako. Kulang na nga lang magdala siya ng mga damit nya at doon na tumira. Naghahanda na ako nang lulutuin ng marinig ko ang yabag ng mga paa nya sa hagdan. Di pa man ako nakakapagsalita ay inunahan na niya ako. “Anong ginagawa mo? Bakit andami mong lulutuin?” malamig at walang gana niyang tanong. Ngumiti lang ako kahit na medyo kinakabahan. Hindi ba niya naalala na birthday nya ngayon? “Happy
Last Updated : 2021-09-02 Read more