Matapos ang araw na iyon mabilis na lumipas ang mga araw nang hindi namamalayan ng lahat. Habang ako’y nagmumuni-muni sa aking puwesto rito sa aming tahanan bigla na lamang akong di makahinga ng hindi ko namamalayan ay unti-unting naglaho ang lahat. Hindi ko alam kung bakit muli kong naramdaman,nagulat na lamang akong narito si Wynalyn sa aking tabi at tila pawis na pawis na para bang kinakabahan. “Ate? Okay ka lang ba?”Agad na tanong nito na mababakas rin naman ang pangangamba sa kaniyang muntihing mukha na mala mo anghel. “Okay lang ang ate,huwag mong alalahanin ang ate baka napagd lang ang ate sa pag-iisip.”Agad kong pagsisinungaling sa kaniya upang hindi ito mag-alala. “Ate alam kong hindi,ilang beses ko na kayo napapansin ni kuya Christian hindi lang ako nagtatanong ng ganito kasi inaantay kita.” Nag-aalala parin nitong pag-uusisa. “Wynalyn huwag p
Read more