Home / Other / Colder than Ice / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Colder than Ice : Chapter 11 - Chapter 20

32 Chapters

Chapter 10

Mari’s POV  Halos hilahin ko na ang kamay ng orasan at ang pagsikat ng araw para mapadali ang araw sa birthday ni Quizhiah. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya at excitement sa parating na birthday ni Quizhiah. Sino ba naman ang hindi mae-excite e, ang pinakasikat at pinagkakagulohan sa buong campus ang tumulong sa pagplano sa surprise birthday niya. Hindi ko lubos maisip na makakuntsaba ko sila dahil nga sa sikat sila at sino lang naman ba ako para matulongan nila para sa kaibigan ko.Nandito kami ngayon sa paborito naming spot, sa canteen. Halos dalawang oras na kaming nandito, nagplano kami sa mga dapat gagawin para maisakatuparan ang birthday surprise ni Quizhiah sa paparating na Sabado.“Louise, are you sure na gagana ang plano natin?” tanong ni Rhein. Bahagya itong lumingon kay Zi na ngayon ay tahimik lang sa gilid. Si Louise kasi ang nagplano sa surprise birthday para kay Quizhiah pero nag-alinlangan si Rh
Read more

Chapter 11

Zi Shien’s POV I was preparing for school when a book caught my eyes, agad kong naisip si Quizhiah. Isa itong libro na tiyak makakatulong sa kanyang sitwasyon. Alam kong paunti-unti ay makaka-recover din siya sa Alexithymia. Sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya at lalong – lalo na sa kanyang sarili. Iniisip ko pa lang na magiging okay na si Quizhiah ay napapangiti na ako. Naisip kong tawagan si Quizhiah para sunduin sa kanyang bahay. “Zhiah, are you still in your house?” tanong ko kay Quizhiah. Hindi ito kaagad sumagot at mukhang bagong gising lang ito. Naghintay ako ng isang minuto bago ito sumagot ng matipid. “Yes.” “Good! Wait for me, I’ll pick you up.” Napapangiti pa ako habang sinasabi ang mga linyang ito. Para akong lumulipad sa kalawakan habang iniisip ang idea na isang araw ko na namang makikita at makakasama siya kahit na hindi ito nagsasalita. “No need,” matipid na sagot nito. Napasimangot ako nang marinig ko ang sagot niya. S
Read more

Chapter 12

Zi Shien’s POV   Nandito kami ngayon sa campus, sa nakasanayang tambayan naming magbarkada, nagpapahinga dahil sa stress na dulot ng surprise quiz ng aming professor at unang subject pa namin. Maliban kay Zhiah na halos lahat ng nasagutan lahat ng sagot, lahat kami napanganga at natutulala na lang  sa bawat binibitaw na tanong ng professor namin, kaya heto kami’t parang mga lantang gulay na naka-display sa merkado. Nakahilata sa sofa na parang nasa bahay lang. Sino ba naman kasi ang hindi ma-brain drain sa surprise quiz at take not one of our major subject pa ‘yon kaya mapapatulala ka na lang at mapapasabi sa sarili na ‘bawi na lang next semester ‘. Napapiyak pa nga ‘yong iba kasi maaanghang na mga salita ang natatanggap nila kapalit sa pagiging tulala nila during quiz. Surprise oral quiz kasi ‘yon kaya mapapahiya ka talaga pag wala kang maisagot sa bawat tanong, good for us kasi kahit hindi lahat nasagutan namin at least nakasagot kami pero brain drain pa
Read more

Chapter 13

Zi Shien’s POV  “Zi, seryoso ka ba talaga sa pinaplano mo?” tanong ni Rhein sa akin habang nag-aalmusal kami.“Wala ka bang tiwala sa akin?” pabirong sagot ko sa kanya.“Hindi sa wala akong tiwala, pero bro baka mapano ka diyan sa ginagawa mo,” pag-alalang sagot nito.“Don’t worry Rhein, kaya ko ang sarili ko. Gustong-gusto ko lang talagang tulongan si Zhiah,”usal ko habang ipinapahid ang strawberry jam sa slice bread bago ko ito isinubo.Tumigil ito sa pag-nguya ng kinakaing niyang fried rice, may pagtutol sa kanyang mukha pero siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa akin.“Well, buhay mo naman ‘yan saka sino ba naman ako ‘no para tumutol sa pusong nagmamahal,” usal nito na may halong panunudyo. Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago muling sumubo ng fried rice.“Loko ka talaga!” pailing-iling kong usal. “Magpatuloy na nga
Read more

Chapter 14

Mari’s POV  Araw ng linggo ngayon, at napakahalaga ng araw na ito,lalong-lalo na para kay Qhuizhia. Nakahanda na ang lahat para sa birthday surprise para sa kanya. Handang-handa na rin ang mga boys sa gagawin nilang pakulo maliban na lang kay Zi na kanina pa balisang-balisa at nag-aalala sa gagawin nila Rhein at Joshua. Ang siste kasi, pupunta sila Rhein, Louise at Joshua sa bahay ni Qhuizhia na naka bonnet mask para hindi makilala ni Qhuizhia at magkunwaring kidnappers, lalagyan ng piring ang mga mata niya habang nasa biyahe at pag-dating sa venue, mag-papaputok ng fireworks para sa kanya. Ang venue ay ang garden namin na may mga mayayabong na bulaklak at mga nagbi-birdehang halaman. Gusto sana ni Zi na sa bahay nila gaganapin ang surprise para kay Qhuizhia kaso nagpumilit akong dito sa garden namin dahil alam kong magugustohan ni Qhuizhia ang view dito. Sa tuwing hapon kasi ay matatanaw mo ang paglubog ng gintong araw na sinasabayan ng mga maliliit na huni ng mga ibon
Read more

Chapter 15

Zi Shien’s POV Kinausap ko si Zhiah, nangamba kasi ako nang makita kong may luha ang mga mata niya kanina. Ito ang unanbg pagkakataong nakakita ako ng pagkatakot sa mga mata ni Quizhiah. I’ve known her as a strong, independent person kaya nangamba talaga ako nang makita siyang umiiyak kanina. Sa isip-isip ko’y baka may malalim na dahilan sa nakikita kong takot kanina, baka tulad ko ay may trauma rin siya sa blindfolds. Pero iwinaksi ko na lamang ang mga ito dahil okay naman daw siya, hindi niya lang daw alam bakit siya umiiyak.Naging panatag ako sa sinabi niya kaya nawala ang pangamba ko. Enjoy na enjoy kami habang kumakain, habang si Qhuizhia ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Nag-ku-kwento kasi si Mari about sa buhay niya, mga kalokohang nagagawa niya noong bata pa siya, kaya naman aliw na aliw kaming nakikinig sa kanya. Hanggang sa umabot kami sa singing contest na sinalihan niya na hindi raw siya makapaniwalang nanalo siya, kami namang nakikinig tawa lang tawa. “Loko-loko ka
Read more

Chapter 16

Qhuizhiah’s POV Ilang linggo na rin ang nakalipas pero heto pa rin ako’t pilit iniintindi ang estrangherong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ‘to nagsimula, nagmistula itong isa magandang bulaklak na misteryosong tumubo na lang bigla sa isang hardin at dahan-dahang namumukadkad, sa kabila ng kagandahan nito isa pa rin itong misteryoso para sa hardinero, maraming tanong ang naglalaro sa isispan niya, anong klaseng bulaklak ito? Saan ito nanggaling, ano ang pangalan nito at kung paano ito alagaan? At sa kadahilanang bago ito para sa kanya walang siyang kaalam-alam kung ano ang dapat na gawin at hindi dapat gawin upang ma-protektahan niya ito o kung ito ba’y nakakalasong halaman na delikadong patuloy na tumubo sa kanyang hardin at maging sanhi pa upang hindi niya mapapanatili ang pag-alaga sa iba pa niyang mga bulaklak. Ngunit kahit misteryoso ito para sa hardinero itinago niya pa rin ito at inalagaan, alam naman niyang posibleng magiging isa itong banta para sa kanyang hardin
Read more

Chapter 17

Quizhiah's POVWe we’re on our way sa isang resort na pagmamay-ari nila Rhein. Napagdesisyonan kasi nilang mag-outing, ayaw ko sanang sumama kaso ilang araw na akong kinukulit ni Mari prior to this day.Pagmamay-ari ni Rhein ang van ginagamit namin ngayon. Nakapwesto ako ngayon malapit sa bintana habang naka-earphones at nakikinig ng kantang ‘weak’. Nasa-tabi ko din si Louise na payapang umiidlip, habang ako nakasandal sa bintana at ini-enjoy ang bawat view na nakikita sa daan.Ini-enjoy ko lang ang view at walang paki sa mga kasama ko nang marinig ko si Rhein na nagsalita. “Lou, pwede bang magpalit kayo ng pwesto ni Zi?” Naphinto ako sa pags-sight viewing dahil sa narinig ko at agad na-focus ang atensyon ko sa mga kasama sa sasakyan. Naririnig ko ang usapan nila kahit naka-earphones ako dahil naka-low volume lamang ito. Napadilat ng kanyang mga mata si Louise at nakasimangot na kinukusot ang mga mata, “Ako ang unang naka-upo dito e,” saad nito at umidlip ulit.“Sige na please, save
Read more

Chapter 18

Third Person's POVMag a-alas dose na ng gabi pero nand’on pa rin si Zi sa pwesto kung saan siya iniwan ni Qhuizhiah, naghihintay na dalawin ng antok, iniisip ang bawat katagang binitawan ni Qhuizhiah kanina sa pag-uusap nila. Pakiwari niya’y malalim ang mga kahulugan nito, ibig niya itong maintindihan ngunit nagmistula itong mystery item sa kanya katulad ng nararamdaman niya para kay Qhuizhiah. Aware siya na may kakaibang nangyayari sa kanya sa tuwing ramdam niya ang presensya ni Qhuizhiah, nagdudulot ito ng kakaibang tension sa kalooban niya, napapatanong din siya sa sarili niya kung hanggang saan ang kakayahan niyang magtago ng kanyang nararamdaman para sa babae.Sa kabilang banda naman, nakahiga na si Qhuizhiah sa kama pinipilit na ipikit ang mga mata ngunit kusa itong bumubuka. Lumabas siya ng kwartong tinutuloyan nilang magbarkada, gusto niyang mahimasmasan ang sarili at ang waring naglalakbay na isipan sa ibang parte ng mundo. Hindi niya malaman-laman kung saan siya dadalhin ng
Read more

Chapter 19

Zi Shien's POVPara pa rin akong nananaginip ngayon, hindi ako makapaniwalang close na naman kami ulit dalawa ni Qhuizhiah. Pangalawang araw na naming dito sa resort at masasabi kong sobrang nag-enjoy kami, lalong-lalo na ako. Ang ganda naman kasi ng view dito sa resort at ang refreshing pa ng tubig sa dagat kaya naman ang saya-saya ko, lalo pa’t nakikita ko si Qhuizhiah na sobrang nag-enjoy, hindi man klaro sa kanya pero alam kong masaya siya. Napa-isip tuloy ako kung darating ba ang araw na ako naman ang dahilan ng kanyang kasayahan. Napapangiti akong pinagmamasdan si Zhiah na naglalaro sa tubig at hindi ko na namamalayan ang papalapit na si Rhein.“Hindi halatang sobrang saya natin Zi ah,” pangiti-ngiting usal nito. Makahulugan ang mga tingin nito sa akin at may panunukso sa boses nito. “Syempre, nandito tayo para mag-enjoy. Ano pa bang purpose ng bonding na’to kung hindi rin lang naman tayo mag-enjoy,” sagot ko. Muli na naman siyang ngumiti ng may halong kahulugan at tumingin sa g
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status