IANNE’S POINT OF VIEW, Pagkauwi ko ng bahay ay problema agad ang sumalubong sa akin. Naabutan kong nag-aaway sina Mama at Papa, nagsisigawan sila na halos dinig na rinig na sa labas ang mga boses nila.“Ryan naman! Saan mo dinala ang ganoon kalaking halaga ng pera?! For Pete’s sake! Kalahating milyon ang nawawala sa bank account natin! Nalugi na nang nalugi ang business natin hanggang sa binenta mo ng walang paalam tapos kinuha mo pa ‘yong kalahating milyon na napagbentahan?!” naghe-histerical na sigaw ni Mama pagkapasok ko ng bahay.“M-Mama, P-Papa?” gulat kong tanong sa kanilang dalawa. Dahan-dahang lumingon sa akin si Mama na halatang galing sa pag-iyak, mugto ang kaniyang mga mata at namumula ang ilong.“I-Ianne,” tanging naiusal ni Papa.“N-Nag-aaway po ba kayo? Tama po ba ang narinig ko mula kay Mama? Anong nangyayari Mama, Papa?” tila nanghihina kong tanong sa kanila.&nb
Last Updated : 2021-08-30 Read more