Home / Romance / Her, Inside My Arms / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Her, Inside My Arms: Chapter 21 - Chapter 30

82 Chapters

Chapter 20

Chapter 20Crisanta AlvaroDays goes fast at alam niyang kahit papaano ay may nagbabago na sa kanya. Oo at hindi pa ri siya nalalapitan o nahahawakn man lang ng pinsan pero ang pakikipag-usap nito sa kanya ay napapadalas na.Masaya siya sa mga pagbabagong nararamdaman niya kahit kakaunti lang ‘yon. Hindi na niya ramdam na nag-iisa siya dahil naroon lagi ang pinsan para kausapin ssiya bukod kay Daniel.Medyo nalungkot siya dahil hindi na madalas bumisita si Daniel sa condo ng pinsan. Gusto niyang magtanong pero inuunahan siya ng kaba dahil baka kung ano ang isipin nito.Nasa balkonahe siya ng condo ni Leo ng maalala niya ang mga sulat na ginawa niya. Nakatago ang mga iyon sa pinakaibabang drawer. Humingi siya ng maraming bondpaper at mga ballpen para naman may magawa siya sa loob bukod sa pakikipag-usap sa pinsan.Ngayon ang pangdalawampu’t isang araw na nagsusulat siya. Bumalik siya sa sariling kwarto pero napatigil siya  da
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

Chapter 21

 Binuksan niya ang drawer kung saan niya iniwan ang sulat. Tuwang-tuwa siya ng makita na naroon pa rin ang sulat. Agad niyang kinuha iyon at inisa-isa ang mga papel pero kumunot ang noo niya ng mapansin na kulang iyon.Binilang niya ulit pero wala talaga. Napalunok siya at natulala.“I’m sure he saw this,” bulong niya na halos walang ilabas na tunog ang pagsasalita. Muli niyang tinignan isa-isa ang mga papel bago niya napagpasiyahan na punitin ng pino ang tatlong papel at walang buhay na itinapon iyon sa basurahan.“Nakakahiya” Lumabas siya ng kwarto at ang kaninang busangot na mukha ay nawala. Naging maaliwalas ang pakiramdam niya at mula sa labas ng kanyang kwarto ay pinagmasdan niya ang pagkaka-set up ni Daniel sa sala.Tinahak ng paa niya ang banyo na malapit sa kusina. Pagbukas niya roon ay kumunot ang noo niya. Dati ay wala iyong mga pinto pero ngayon ay mayroon na. Binuksan niya ang unang pinto na malapit
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more

Chapter 22

 Hindi niya alam kung paano muling palalabasin si Cris sa kwarto nito. Dahil sa takot niya na muling maisipan nito na saktan ang sarili ay patago siyang naglagay ng CCTV camera sa daan papuntang kusina.Isang linggo na itong naglalagi roon at nagsisimula na siyang mag-alala. Bumalik ito sa Cris na una niyang nakilala. Laging nakakulong at ayaw man lang lumabas. Matapos ang araw na iniwan siya nito sa sala, bumalik siya sa kompanya at kahit kalagitnaan na ng gabi ay tinapos niyang pirmahan lahat ng papeles na iniwan niya.Pinilit lang niya ang sarili na tapusin ang mga iyon para makakuha ng leave sa trabaho. He may be the boss but he still respects his employees. Siya ang may-ari at nagpapatakbo ng kompanya pero siya rin ang tinutularan ng mga ito kaya kailangan niyang simulan iyon sa sarili niya.After signing all the papers, naglagay siya ng note sa ibabaw ng mesa ng sekretarya niya at isinarado ang kwarto. Dalawa ang opisina niya roon. Ang isa ay
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more

Chapter 23

 Wala sa wisyong tumayo si Daniel mula sa kanyang higaan dahil sa nangyari kinagabihan. Matapos kasi nitong umiyak sa tapat ng moon lamp niya ay naglakad pa ito papunta sa tapat ng pintuan. Binuksan nito ang pinto at akmang hahawakan na niya ang kumot nang umupo ito at yumuko sa magkadikit na binti.Pinigilan niyang lumikha ng malakas na buntonghininga  dahil sa ginawa ng dalaga. Nakapamulsa siyang tumalikod nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.“Daniel?” Tumigil siya sa paglalakad at bahagyang nilingon ito. “K-Kanina ka pa dyan?”Umiling siya at hinarap na ito ng tuluyan. “Hindi kabababa ko lang. Akyat ka na rin kapag okay ka na.”Binigyan niya ito ng malamlam na ngiti bago tumalikod at tuluyan ng naglakad papunta sa kwarto niya. Ginawa niya iyon para maiwasan ang sarili na gumawa ng kahit ano pero dahil hindi siya mapakali ay tinignan niya ang CCTV footages.Saktong pagbukas ni
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter 24

 Crisanta AlvaroNang maalimpungatan siya ay agad siyang napatayo at nagtaka kung bakit may unan at dalawa na ang kumot na nakabalot sa kanya.Inilibot niya ang tingin at natigil iyon sa lalaking natutulog sa dalawang single sofa na ipinagdikit para mahigaan. Walang unan at kumot na gamit ito, tanging braso lang ang inuunanan nito.Kinuha niya ang kumot na bago sa paningin niya at hinarap iyon sa binata para ilagay iyon sa kanya ng matigilan siya.Kinuha niya ang pagkakataon na ‘yon para matitigan ang binata. Mula sa mapupula nitong labi, matangos na ilong, halos parisukat na mukha, saktong haba ng pilik mata, at maangas na suklay ng buhok.Suot nito ang sa tingin niya ay paboritong white t-shirt at malapit na sa kulay itim na short. Napangiti at nag-e-enjoy siya sa bawat parte ng katawan nito na nadaraanan ng mata niya. Isang beses pa muli niyang tinignan ang buong katawan nito ng mapansin ang nasa kalagitanaan ng katawan nito.
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter 25

Chapter 25Daniel LeeHindi maramdaman ni Daniel ang pagod at antok sa loob ng isang linggo at sa loob ng isang linggo ay sanay na ang katawan niya sa mga gawain niya sa loob ng condo.Tapos na ang isang linggo na bakasyon niya kaya balik na siya sa pagtatrabaho pero ang pinagkaiba lang ay hindi na siya napunta sa kompanya nila at ipinapadala na lang niya sa sekretarya ang mga dokumento na kailangan review-hin at pirmahan.Walang tanda kung anong oras siya magtatrabaho pero oras na matapos ang mga iyon ay nakalaan na ang oras niya hanggang gabi kay Cris.Magmula noong araw na iyon ay hindi na siya umalis pa sa tabi ng dalaga. Maraming nagbago mula noong araw na iyon at hindi niya masabi kung maganda o pangit ba ang epekto na iyon sa kanya.Pangit man o hindi, wala na siyang pakialam doon dahil ang mahalaga ay umayos ang lagay ni Cris. Malinaw pa sa memorya niya kung ano ang nadatnan niya sa sala.Nakaharap siya sa salamin habang hawak
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter 26

Chapter 26Crisanta AlvaroHirap niyang iminulat ang mata, ramdam na agad ang kawalan ng gana at masakit ang ulo niya. Umupo siya sa kama at inalala ang nangyari kagabi.She made a mess and she doesn’t know how to face Daniel after what she had done. Ibinalot niya ng ayos ang sarili sa kumot nang tumulo ang isang patak ng luha niya.Ang mga salita na nabasa niya sa sulat na iyon, nagkataon lang ba na siya ang nakabasa at si Daniel talaga dapat ang makakabasa noon? O sinadya?Hindi niya alam ang dapat isipin sa mga nangyari, nawala siya sa sarili at nakagulo siya. Nakakahiya ang ginawa niya.Mariin niyang ipinikit ang mata at nag-reflect sa mga ginawa. Nasa isip niya na hindi dapat siyang manatili na ganoon ang lagay, takot mahawakan at takot malapitan ng lalaki. Napairap siya nang ma-realized na lalaki rin ang kasama niya sa loob ng condo at nakasama na rin niya ang pinsang lalaki.“Iba siya,” bulong niya.  &ldq
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more

Chapter 27

 Daniel Lee“Alam mo ba noong bata ako, pangarap ko maging pintor?” natatawang sabi ni Cris. Nakatingin ito sa telebisyon kaya naman malaya siyang tignan ito. Kita niya kung gaano kasaya ang mata nito habang nagkekwento ito ng nakaraan.“Bakit? Hindi ka ba naging pintor? Ang alam ko ay nakasali ka sa mga kompetisyon, ‘di ba?” Tumango ito, ang tingin ay naroon pa rin.“Nakasali ako. Nakalaban ako pero ang bilis naman,” sinabayan pa nito ng mahinang tawa. “Nagsisimula pa lang ako pero binawi agad. Kailangan ko bang ikasaya ‘yon?”Naumid ang dila niya sa mga sinabi nito. Ramdam niya ang pait sa boses nito. Nilingon siya nito at kita niya sa mga mata ang kalungkutan na meron ito.“Pwede mo naman ituloy ‘yan ‘di ba?” suhestyon niya. Nanatili ang tingin nito sa kanya at maya-maya lang ay ngumiti at umiwas ng tingin. “I can support you.”&ld
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Chapter 28

Chapter 28Maaga siyang nagising at panay ang hilamos niya para lang mabawasan ang pamamaga ng mata niya dahil sa pag-iyak kagabi. Hindi naman na bago sa kanilang dalawa ang ganito niyang itsura pero ngayon ay parang nahihiya siya.Ngayon ang araw ng pagbisita nila sa doctor niya at kinakabahan siya. Bihira lang siya lumabas ng condo at hindi niya alam kung maayos ba ang magiging lakad nila na kasama siya.Nagsuot lang siya ng itim na legging at oversized shirt. Naglagay ng mask at itinali ang mahabang buhok. Napatingin siya sa paa dahil wala siyang suot na kung ano.“Wala pala akong sapatos o sandal?” patanong na sabi niya. Madalas ay tsinelas na mukhang mamahalin lang ang suot niya. Tatawagan na sana niya si Daniel para magtanong nang unahan siya nito.Nag-ring ang telecom niya na agad naman niyang sinagot. “Open your door.”Iyon lang ang sinabi nito at agad naman niyang sinunod iyon. Pagbukas niya ng pinto ay bumun
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Chapter 29

Daniel Lee Hindi maalis alis sa mukha ni Daniel ang ngiti habang pinapanood si Cris na namimili ng mga gusto nitong gamit. Isang cart na ang dala nito at mukhang kailangan pa niyang kumuha ng isa dahil mapupuno na iyon. Ngayon ay mas nadadagdagan ang nalalaman niya na hilig ng dalaga dahil sa mga binibili nito. Muntik pa nga silang magtalo dahil ayaw nito na gumastos siya ng pera pero kalaunan ay napilit niya rin.Laman ng cart nito ang iba’t ibang klase ng papel katulad ng bond paper at colored paper. Marami rin ang  pangdisenyo at kung ano pa na ginagamit ng craft artist. Habang nakatayo siya sa isang gilid ay tumingin sa gawi niya ito at lumapit, tumigil ng ilang metro.Nakayuko ito at kinakalikot ang daliri na parang nahihiya. “What is it?”Tumingin ito sa kanya. “I need printer?” patanong na sagot nito. Kita niya ang pagkagat nito sa labi at halos hindi na niya maalis ang tingin do
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status