Handkerchief "Hoy, zandra. Kanina ka pa hindi mapakali. Ano bang nangyayari sa'yo?" bulong ni olivia. Nandito na kami ngayon sa school at halos nasa kalahati na rin ng estudyante ang nandito ngayon. Maymga lumapit pa sa'ming mga lalaki para alukin kami ng maiinom pero tinanggihan namin ito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero kanina pa talaga ako kinakabahan! Halos pabalik balik ako sa tindahan para uminom ng tubig. Wala pa kasing mga nakahandang pagkain at inumin kaya sa labas muna ako bumibili. "Zandra Veronica!" sigaw ni olivia. "Ano?!" asik ko. "Kanina pa kita tinatanong, hindi ka man lang sumagot! Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong muli nito. "Wala." tipid kong sagot. "Bahala ka nga diyan, hahanapin ko nalang sila aia at haedi." aniya at saka tuluyan na akong iniwan dito.
Huling Na-update : 2021-10-24 Magbasa pa