First kiss
Matapos ang gabing 'yon ay hindi ko na nakita ang lalaki. Hindi na din ako nagtanong kay olivia kung anong nangyari roon sa lalaki. Baka sabihin niya pang masyado akong interesado roon.
Nagsimula na rin ang first day of class namin. Sabay kaming pumasok ni olivia at nagulat pa nga ako dahil naroon rin sila haedi at aia..Ang kaibahan nga lang ay iba-iba ang kursong kinuha namin.
I'm 1st year college now and taking bachelor's degree in accounting. Isa rin ako sa dean lister rito. Malawak ang university na ito at halos lahat ng estudyante ay mayaman..except ako at ang mga kaibigan ko. Swerte lang kami dahil dean lister kami.
Ngayon ang unang araw ng klase namin. Bago kami maghiwa-hiwalay nila olivia kanina ay nagpaalam muna kami sa isa't isa. Nasa kabilang building siya at ganoon rin sila haedi at aia. Matagal na kaming magkakaibigan... pagkatapos ng klase namin ngayon ay magkikita-kita kami mamaya sa cafeteria at sabay kakain.
Napatingin ako ngayon sa adviser namin na kanina pa nagdi-discuss. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nabored sa buong buhay ko. Halos kanina pa siya riyan sa harap at ni isa sa sinasabi niya ay wala akong maintindihan.
"Miss Torres, are you listening?" Tanong ng adviser namin.
Tumango nalang ako at tipid na ngumiti kahit na ang totoo ay wala akong naiintindihan. Buti nalang at hindi na ito nagtanong muli kaya bumalik ito sa boring na pagdi-discuss.
Nang marinig kong mag ring ang bell hudyat na ito na tapos na ang first subject at sunod na agad ang second subject. Ganoon rin ang nangyari kanina. Pagpapakilala at discussion lang ang nangyari.
Matapos ang dalawang subject ko ay agad akong dumiretso sa cafeteria. May mga nadaanan pa akong grupo ng mga jejemon..hindi ko nalang sila pinansin at inirapan nalang...nang mapansin kong nasa corridor na ako ay binagalan ko na ang paglalakad.
Luminga-linga pa ako at tinignan ang kabuoan ng eskwelahan...Dahil sa kalampahan ko ay hindi ko na napansin na natalisod ako at muntik na akong madapa. Napasinghap nalang ako nang makita ang isang lalaking hinapit ang beywang ko para alalayan ako.
Tila tumigil ang paligid at nag slow mo ang lahat ng estudyante. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa lalaki ngayon... lalo na nong dumampi ang labi nito sa labi ko. Halos manlaki ang mata ko nang marealize na nasa ibabaw na ako nito.
Narinig ko ang hiyawan ng mga estudyante dahil sa nangyari. Agad akong tumayo at tinulak ang lalaki.. Napansin ko ang mukha nito at masasabi kong guwapo siya pero hindi ibig sabihin non ay hahalikan ko siya!
"Nice one, bro." saad ng isang lalaki na kasama niya at tinulungan itong makatayo mula sa pagkakahiga kanina.
May katangkaran ang lalaki at mapapansin mong mas matanda sila sa akin. Luminga ako sa paligid at nakita ko kung na saang building ako. Engineering department?! Tinignan ko ang lalaking nahalikan ko kanina. Tinignan ko ang lace ng Id nito at napansin kong magkaiba kami dahil 4th year college na siya!
"Iba ka na ethan." saad ng lalaking pangit.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Sorry miss. May tumulak kasi sa 'kin." saad ng lalaking ethan ang pangalan.
Agad na namula ang pisngi ko nang maalala ang pagdampi ng labi nito sa akin...Tumakbo na ako at hindi na pinansin ang sinasabi nong lalaki.
'Yong first kiss ko!
Nakarating ako sa cafeteria na walang iniisip kung hindi ang first kiss ko. Anong gagawin ko? Ibig bang sabihin non ay siya na ang para sa akin?! Pero hindi ko siya gusto! Oo na at guwapo siya pero wala akong naramdaman na spark nong hinalikan niya ako!
Bumaling ang atensyon ko kay haedi ngayon nang magsalita ito.
"Hoy pre! Ayos ka lang?" Tanong ni haedi habang tinatapik-tapik ang mukha ko.
Napasinghap ako sa tanong nito.
"Pre! Wala na 'yong first kiss ko!" pagsusumbong ko.
"Ha?!" napasigaw si haedi sa binalita ko.
I glared at her.
"Gagi! Sino?!" Tanong nito.
"'Yong sa Engineering Department. Fourth year beh! Tangina shet ang pogi." sambit ko.
"Edi ang saya mo na niyan?" pang aasar nito.
Kumunot ang noo ko bago sumagot. Masaya naman ako dahil sa guwapo ko naibigay ang first kiss ko kaya okay lang at worth it naman siguro?
"Malamang gaga! Ang pogi kaya." I giggled and we just laughed.
Dumating sila Aia at Olivia na dala ang mga pagkain namin. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari sa'min kanina. At naikwento ko rin sa kanila ang nangyari sa akin kanina sa building ng engineering department. Halos mamula na ako sa kakaasar nila sa akin kanina..Buti nalang at nagring na ang bell hudyat na tapos na ang break time.
Dumiretso na ako sa department ko at ganoon rin sila. Napadaan ako sa building ng engineering department dahil madadaanan ko ito bago ang building namin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaki kanina...'yong nakakuha ng first kiss ko.
"Hey miss. I'm sorry. Tinulak lang ako." pagpapaliwanag nito.
Tumalikod nalang ako at hindi ito pinansin pero nagulat nalang ako nang hawakan nito ang braso ko.
"I'm sorry. It's not your first kiss, right?" Ethan asked.
Halos sumabog na ako dahil sa kahihiyan. Lupa kainin mo na ako!
I sighed.
"O-kay l-ang po." bulong ko.
"Again, I'm sorry." he said.
"Ethan tara na..hanap na tayo ni coach." saad ng lalaking pangit at lumapit sa amin.
"What's your name?"
Napatingin ako ngayon kay ethan sa tanong nito.
"U-hm z-z-zandra po."
"Ano daw?" saad ni pangit.
"Zandra? I'm ethan." He leaned his right hand to me.
Naguguluhan pa ako at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang kamay nito o hindi...Kaya tinanggap ko nalang ang kamay nito.
"Zandra." I said.
He smiled at me.
"Hi, ako nga pala si Jeremy." saad ng lalaking pangit.
Napatingin ako sa kanya nang iabot rin nito ang kamay niya. Ngumiwi ako dahil itsura nito. Hindi siya pogi.
Narinig kong tumawa si ethan sa reaksiyon ko kaya hinila niya agad 'yong kaibigan niyang pangit na jeremy ang pangalan.
"See you later, zandra. Nice meeting you." saad ni ethan at tumakbo na habang hila hila ang kaibigan niyang pangit.
Napahinga naman ako nang maluwag dahil umalis na sila. Dumiretso na ako sa department ko at nakinig sa klase. Habang nagso-solve ako ng problem sa calculus ay biglang pumasok sa isip ko ang lalaking katrabaho ni olivia sa 7/11.
Kumusta na kaya siya? Nag aaral pa kaya siya?
GroceryNatapos ang first day namin nang maayos. Hindi na namin kasabay sila haedi sa pag-uwi dahil iba ang inuuwian nila. Bago kami umuwi ay dumiretso muna kami ni olivia sa isang mall para mag grocery. Natanggap na rin kasi namin ang suweldo namin no'ng nakaraan. Hati kami sa bilihin at ganoon rin sa pagbabayad ng apartment namin."Anong gusto mong ulam?" tanong ni olivia habang tulak-tulak ko ang cart."Kahit ano na lang." sagot ko habang tumitingin sa mga presyo na binili namin."Walang ulam na kahit ano na lang. lol. So, ano nga?" naiiritang tanong ni olivia.Nasa meat department kami kaya agad akong kumuha ng isang kilong manok. Tinignan ko ang presyo nito at nanlaki ang mga mata ko dahil sa mahal ng presyo nito. 200 pesos? Umirap nalang ako at saka binalik ang manok sa lagayan. Napatingin naman ako ngayon kay olivia na naglalakad na palayo sa akin. Halos umusok ang ilong k
Revenge"Hoy, olivia! Bangon na." pangangalabit ko kay olivia na hanggang ngayon ay tulog pa.Kanina ko pa siya ginigising kaso ayaw dumilat ng gaga. Hindi naman siya nagpuyat kagabi ha. Ako nga ang huling natulog sa amin tapos siya pa 'tong matagal gumising.Bumuntong hininga nalang ako at saka bumangon sa pagkakahiga para maligo. May pasok pa kami ngayon at kailangan naming maagang gumising dahil mahirap ang sakayan sa bayan. Ilang minutes pa bago kami makarating sa school kaya dapat ay maaga kami.Nang tuluyan na akong matapos maligo ay saka ko narinig ang malakas na pagmumura ni olivia habang nililigpit ang higaan namin.Lumabas na ako ng banyo at saka nag umpisa ng isuot ang uniform ko. Bale magkaiba kami ng uniform ni olivia dahil iba ang course niya sa akin. Napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ang oras. Halos manlaki ang mata ko nang makitang alas siete na.&nb
NumberNang matapos ang klase namin ay dumiretso na ako sa locker ko para ilagay ang mga bago kong libro. Ito na ang huling klase ko kaya uuwi na rin siguro ako. Didiretso muna ako sa department ni olivia.Habang tinatahak ko ang corridor patungo sa department ni olivia ay nakita ko ang grupo nila ethan na nag aabang sa gilid. Tila may hinihintay ang mga ito.Nang makadaan ako sa gilid nila ay saka ko naramdaman ang paghawak ng isang lalaki sa palapulsuhan ko. Agad ko itong tinanggal at saka lumingon sa kanila."Hi, zandra!" saad ng pangit na kaibigan ni ethan.I raised my brows."Jeremy nga pala." saad nito.Tumango nalang ako at saka ito tinalikuran pero bago 'yon ay may humarang na sa akin. Isa rin sa mga kaibigan ni ethan."Ang sungit mo naman, miss. Akala mo virgin pa." saad nito na ikinatawa ng iba pa niyang kas
CaughtMakalipas ang ilang araw ay ganoon pa rin ang routine namin. Lagi kaming nasa school dahil sa tambak na mga activities namin. At ngayong araw lang kami makakapag-enjoy!Ngayon ang araw ng acquaintance party namin. At halos buong gabi akong naghanap ng isusuot ko kagabi. Mamayang gabi na rin kasi ang party kaya dapat maganda ako!Minsan ay nakikita ko rin si saturn sa school... kasama niya ang bandmates niyang sila ting. Hindi ko alam na marunong pala kumanta si saturn. Minsan ko na siyang marinig kumanta pero isang beses lang 'yon at bitin pa! Tinawag kasi ako ni olivia non kaya hindi ko na napatapos ang kanta niya....sayang naman.Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang maramdaman ko ang marahang paghalik ni ethan sa balikat ko."Hey, miss. Puwedeng pakiss?" ethan whispered while licking my earlobe."E-than.. b-aka m-ay m-akakita sa'tin." I murmurre
Handkerchief"Hoy, zandra. Kanina ka pa hindi mapakali. Ano bang nangyayari sa'yo?" bulong ni olivia.Nandito na kami ngayon sa school at halos nasa kalahati na rin ng estudyante ang nandito ngayon. Maymga lumapit pa sa'ming mga lalaki para alukin kami ng maiinom pero tinanggihan namin ito.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero kanina pa talaga ako kinakabahan! Halos pabalik balik ako sa tindahan para uminom ng tubig. Wala pa kasing mga nakahandang pagkain at inumin kaya sa labas muna ako bumibili."Zandra Veronica!" sigaw ni olivia."Ano?!" asik ko."Kanina pa kita tinatanong, hindi ka man lang sumagot! Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong muli nito."Wala." tipid kong sagot."Bahala ka nga diyan, hahanapin ko nalang sila aia at haedi." aniya at saka tuluyan na akong iniwan dito.
TomatoeHanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasa akin pa rin ang panyo ni saturn. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin mabalik sa kanya ang panyo nito. Pinapangunahan ako ng takot at hiya, dahil nga sa sinabi niya sa'kin na malandi ako.Matapos ang party ay hindi ko na rin ito nakita at halos iwasan niya rin ako sa school. Minsan ay nakikita ko rin itong kasama ni ethan. Hindi kaya may sinabi si ethan kay saturn para iwasan niya ako!?Bumuntong hininga nalang ako at saka namili ng gulay para sa ilulutong sinigang ni mama. Umuwi na rin kasi ako ngayon sa amin dahil birthday ni mama. Bukas pa ang birthday nito pero umuwi na ako ngayon. May outing rin kasi kami bukas at ayoko ring magtampo si mama kung hindi ako sasama. Balak ko nga sanang isama si olivia kaso ayaw nito."Ganda, bili ka na dito oh. Sampung piso nalang.""Pst ganda."
ResortNang makauwi ako ay agad kong binigay kay mama ang pinamili ko para sa sinigang na iluluto niya ngayon."Natagalan ka ha." puna ng ate ko na nakaupo ngayon sa sofa habang nanonood ng tv."Walang tricycle, e." pagsisinungaling ko.Tumango naman si ate at saka hindi na ako pinansin.Dumiretso na ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang nangyari kanina. Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Sa dami ng mahahawakan ko bakit kamay niya pa? At least kamaylang hindi penis!Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa sariling naisip. Ano ba naman 'yan, zandra!Nang matapos ang araw na 'yon ay nag ayos na kami ng mga dadalhin namin para sa outing. Madaling araw na nang marinig kong nagsesermon si mama dahil sa binili kong isang kilo ng kamatis.&n
Pulled"D-ito na."Agad na bumaling ang tingin sa akin ni saturn nang marinig niya akong magsalita."Dito na? You sure?" tanong pa nito at saka sumilip sa loob ng cottage."Oo." tipid kong sagot.Tumango ito at saka muling tumingin sa akin.I sighed."Thank you sa paghatid. Bumalik ka na sa cottage niyo." saad ko at saka ngumiti.He just nodded and left me here.Tinanaw ko ang papalayong bulto ni saturn sa malayo. Hindi ito lumingon sa akin kaya hindi na rin ako umasa. Nang makapasok ako sa cottage ay narinig ko na agad ang sigawan ng mga kaibigan ni ate.Nakita ako si ate na pinapaikot ang isang bote ng tubig na wala ng laman.Agad na nangunot ang noo ko at saka masamang tinignan si ate."Ate.""
Saturn and Zandra's story has now reached the epilogue. Thank you for reading this story! I hope that you all learn a lot of lesson. And sorry for the typos and errors."Success is nothing without someone you love to share it with."- Billy Dee WilliamsHatredI hate her.That's a fact.Ayoko sa kan'ya. Hindi dahil sa hindi siya maganda siya, kung hindi dahil sa reputasyon niya sa school. Lagi ko nalang naririnig sa ibang estudyante na marami siyang lalaki. Well, I hate her because of that. I hate flirty people and zandra includes there..They are just the same."Pre, una na 'ko. May date pa 'ko." ani ni ethan habang inaayos ang mga gamit niya.I just nodded at him. Ethan is one of my friend here. Hindi naman kami gano'n ka-close pero naging magkaibigan na rin kami dahil kila ting. Classmate ko sila sa isang minor subject. I'm taking
Bachelorette Party"Mommy, daddy!" masiglang bati ni uranus nang makapasok kami ng condo. Dumapo ang tingin ko sa sofa, naroon si varione at lily na nakaupo.Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ni saturn ay naging maayos na rin kami. Hindi kami bumangon hangga't hindi nasasagot lahat ng katanungan namin. Siya pala ang kasama ko buong gabi. Nakakahiya 'yong ginawa ko kagabi!Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang ginawa ko kay saturn. Talaga bang ginawa ko 'yon sa kan'ya? I feel so blessed naman kasi hindi pinutok sa bunganga ko. Gusto ko sanang tanungin si saturn kung maganda ba ang performance ko kagabi kaso kinakabahan ako! Baka mamaya asarin pa 'ko nito."Hey, baby." bati ni saturn sa anak sabay buhat dito.Hinalikan naman ni uranus ang ama nito saka humarap sa 'kin sabay ngiti. "Good afternoon, mommy! I'm okay lang po dito, ba't po kayo umuwi?" bakas s
Handcuffs"Zandra, tama na 'yan. Lasing ka na." rinig kong boses ni olivia habang pilit na kinukuha sa kamay ko ang vodka.We are now here in club haze. Celebrating deus birthday and of course ang pag uwi ng aming kaibigan, si haedi. Nauna na kami ni olivia dito, iniwan ko naman si uranus sa condo kasama ang pinsan ko.Pagkatapos nang usapan namin ni saturn kanina ay dumiretso na agad ako sa condo. Sinabi ko kay lily na bantayan muna si uranus dahil may birthday akong pupuntahan. Well, totoo naman, sa bar nga lang ang reception. Halos lamunin ko ang lahat ng alak na inaabot sa 'kin ng mga lalaki dito. Nakipagmomol na ako sa iba, pero hindi pa rin matanggal sa isip ko ang sagutan namin ni saturn."Iniwan mo 'ko dahil 'yon ang sabi ng kapatid ko sa 'yo, 'di ba? Hindi ka man lang ba nagdalawang isip na huwag siyang sundin at manatili nalang sa 'kin kasama 'ko?""Iniwan m
StillMatapos ang paghatid nila sa 'kin ay umalis na rin ang mag ama. Tuwang tuwa pa si uranus nang makapasok ito sa building kung saan ako nagtatrabaho. Alam kaya ni saturn na kompanya 'to ng kapatid niya? Naalala ko noon na may kapatid pala ito sa ama. Akala ko silang dalawa ni varione pero may dalawa pa pala. Kumusta na kaya si varione? Bakit hindi siya kasama ni saturn?"Ang tahimik mo yata, zandra." ani ng isang katrabaho ko. Bumaba ako saglit ng opisina para dito nalang magmeryenda kasama ang iba."Marami bang pinapagawa si sir clivonn sa'yo?" tanong ni criselda. Sa lahat ng katrabaho ko dito sa Real Estate, si criselda lang ang kilala ko. Siya 'yong babaeng nag approach sa akin noong first day ko."Wala naman masyadong pinapagawa si sir. Inaayos ko lang 'yong mga schedule niya tapos nagre-reprint rin ng mga papeles na kailangan niya." mahabang sagot ko.Tumango
Father"How old is she?" bungad na tanong ni saturn nang tuluyan ng makapasoksa kuwarto si lily at ang anak ko.I gulped. Anong sasabihin ko? Dapat ko na bang sabihin sa kanya na anak niya si uranus? Nag angat ako ng tingin para tingnan siya at laking gulat ko nang lumapit ito sa 'kin."Zandra, answer me!" mariing saad nito.I stiffened."She's s-six years old." I murmurred."Is she my child? Akin ba, zandra?" bakas sa boses nito ang sakit.Hindi na ako makatingin ng diretso dito dahil sa nagbabadyang luha sa mata ko. Hindi.. hindi ko sasabihin. Maayos na ang buhay namin ng anak ko, at hindi ko siya kailangan sa buhay namin!"Hindi. Hindi mo siya anak." matapang kong sagot."So you're saying that while we're both in a relationship, you h-ave a-nother man?" His voice broke.
CardSinundan namin ni ethan ang kotse ni saturn ngayon. Kanina pa ako hindi mapakali dito dahil sa sobrang kaba. Baka kung anong gawin niya sa anak ko! Hindi naman niya siguro napansin na kamukha niya si uranus, 'di ba? Shit, I can't think straight anymore!Nang makarating kami sa hospital kung saan dinala ni saturn ang anak ko ay dali dali akong bumaba ng kotse at sumunod sa kanya. Narinig ko ang pagtawa ni ethan sa gilid at tila nang aasar pa. Hindi ko nalang 'yon pinansin bagkus dumiretso na ako sa loob.Halos hindi na ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakapasok na si saturn ngayon sa loob ng room ni uranus, samantalang ako naman ay nandito sa labas at hindi mapakali. Kanina pa ako pabalik balik ng lakad, natigil lang 'yon nang lumabas si saturn kasama ang isang babae na sapalagay ko ay doctor."Kayo po ba ang magulang ng bata?" tanong ni dra.
Carry"Sis, bilhin niyo na. Mine Bulldog for only 50 pesos." ani ko habang hawak ang isang pajama na may mukha ng asong bulldog.Kakauwi ko lang galing eskwelahan at napagpasiyahan kong mag live muna para makabenta ng mga bagong pajama na binili ko noong nakaraan. Dagdag na rin 'to para sa mga gastusin namin dito sa apartment."Bilhin niyo na po mga shish." ani ng anak ko habang nakaharap sa cellphone.Si uranus ang tumutulong sa 'kin tuwing mag-la-live ako. Gusto niya raw tumulong para hindi na ako mahirapan. Siya na rin ang nagbabasa ng mga nag-co-comment ng mine."Mine, bulldog." basa niya sa isang comment."Yours na po shish ashana." dagdag pa nito saka ngumiti sa camera.Umiling na lamang ako saka naghanap muli ng puwedeng ibenta. Ilang minutes lang kaming naglive at natapos rin. Naubos ang mga pajama at shirts na benta ko.&n
Family Day"Mommy, wake up po!"Nagising nalang ako nang maramdaman ko ang kamay ni uranus na nasa pisngi ko at pilit na ginigising. Today is Monday. Bagong Umaga, Bagong Biyaya!Agad akong nagmulat ng mata at tinignan ngayon si uranus na nakabihis na. Ang aga namang gumising ng batang 'to. Ako ba talaga ina nito?"Mommy, may family day po kami today. You said last night that you won't be late kasi sasama ka sa 'kin sa school." mahabang litanya ng anak ko.Yeah, she's right. May family day nga sila ngayon at muntik ko ng makalimutan 'yon! Hindi ko alam na pumayag pala ako kagabi. Akala ko nagbibiro lang ang anak ko nang sabihin niyang may family day sila, totoo pala 'yon.Kinusot ko ang mata ko at saka tamad na bumangon. Narinig ko ang pagtawa ni uranus sa likuran ko kaya tiningnan ko ito. Hawak nito ang cellphone ko at saka nag-se-selfie do'n.
UranusMatapos ang gabing 'yon ay tinawagan ko si ethan para mag pasundo. Hinatid ako nito sa apartment namin ni olivia. Nagtaka pa ito nang makita akong iyak nang iyak, pero hindi ko nalang sinabi sa kanya ang nangyari. Ayokong pati sa problema ko ay madamay siya.Si olivia naman ay nasa hospital pa rin at nagpapahinga. Si aia naman ay hindi ko na nakausap, marami akong problema at ayokong madamay sila do'n. Kung gusto kong sarilihin lahat, gagawin ko. Kaya ko.. Kakayanin ko!Matapos kong makapag-impake ay nagulat nalang ako nang biglang mag ring ang phone ko. Ayoko munang makatanggap ng tawag ngayon sa kahit na sino, kahit kay saturn pa. Nang umalis ako sa bahay nila, doon na rin natapos ang relasiyon naming dalawa.Saturn's calling......Tila naestatwa ako sa nakita. Bakit siya tumatawag? Gising na ba siya? Agad na nanghina ang mga tuhod ko nang sunod-sunod na mag pop up