Home / Romance / Choose me! Princess / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Choose me! Princess: Chapter 21 - Chapter 30

60 Chapters

Kabanata 20 “Day Before D-Day”

  Umaga ng linggo ay makikita si Mil sa likuran ng boarding house. Inaayos niya mga maruruming damit na plano niyang labhan. Ngunit may malaki siyang problema – sira ang washing machine.   Halos dalawang oras na siyang walang hinto sa paglalaba ng manu-mano. Pero hanggang ngayon nagkukusot parin siya ng mga damit.    “Nakakapagod,” singhap niya matapos ilagay ang nilalabhan sa malaking batsang may bula.    Dumating si Kim at nakita siya nitong nakaupo’t pawisan. Kaya lumapit siya rito taglay ang pag-aalala. “Sira nga pala ‘yung washing machine ‘no?”   Noong nakaraan lamang ay hindi siya pinapansin ni Kim. Kung kaya’t sa gulat ay agad na napalingon si Mil at tumayo. “O-Oo Kim,” utal ng dalaga. Nagtataka siya sa p
Read more

Kabanata 21 “D-Day”

Mil’s POV   Kung hanggang ngayon ay nagsusulat pa ako sa diary, baka itala ko ang araw na ito sa pinaka nakakawindang na panahon ng aking buhay.    “Nahihiya parin ako hanggang ngayon kay Vince,” aking bulong sa sarili habang nakatanaw sa sumisikat na araw.    Pagkagising sa umaga ay pumunta ako ng garden para magpahangin. Alas-onse pa ang pasok ko kaya marami pa kong time para magbulay-bulay. Maaga rin kasi akong nagigising kahit pa late na kong matulog. Itong eyebags ko tuloy, hindi na nag-absent.    “Pero wala naman kaming ginawa ni Orij sa kwarto niya kaya hindi ako dapat ma-guilty,” pagpapalubag loob ko. “Tama! Pumasok lang ako para ihatid siya sa kwarto.” Panandalian akong natameme. Pagkatapo
Read more

Kabanata 22 “After Shock”

Muling nangyari ang isang himala – magkakasama sa iisang mesa ang limang lalaking sa hapag kainan ngayong umaga.    “Nakakatuwa naman na after decades, kakain tayo ng umagahan ng sama-sama. I am so touched,” may pagka-eksaheradang sambit ni Soju. Niyakap niya pa ang sariling katawan para makumpleto ang paglalandi sa kapwa lalaki.     “Yieeee,” masayang tugon ni Orij na niyakap rin ang sariling katawan para suportahan si Soju.      “Minsan talaga, tignan ko lang kayo, nahihiya na ko,” naaawang komento ni Kim na marahang napayuko at minasahe ang sumasakit na ulo.      “Isang Orij nga lang, masakit na sa ulo. Ngayon nadagdagan pa ng isang g*go,”pabulong na sabi ni Vince. He is crossing his arms as he diverted his eyes to Greypi. “Pero wala paring
Read more

Kabanata 23 “Experiments”

Mil’s POV   Ang sabi ni Shane, makakatulong ang experiment para malaman ko ang tamang sagot sa sitwasyon. Ito ay sa pamamagitan ng pagtingin sa lima bilang lalaki sa romantikong paraan. Kaya naman nang makita ko si Orij na kumakaway sa akin mula sa malayo, na-realize ko na magsisimula na ang experiment mula sa gabing ito.    “Mil! Bakit ngayon ka lang? Na-miss kita kaya sinundo na kita. Di ko namang akalaing magkakasalubong pala tayo sa daan,” ang bati ni Orij matapos patakbong lumapit sa akin.    Ito na. I’ll start my experiment. Sisimulan ko ito sa pag-appreciate kung gaano siya kagwapo. Clean cut ang dark blue niyang buhok noon pero dahil maliban siyang magpagupit, medyo humaba ito kaya’t naka-side bangs siya. Natatakpan tuloy ang makapal at straight niyang kilay. Nasa ilalim kam
Read more

Kabanata 24 “That Night of Three Persons Repeated”

Third Person's POv   Naglalakad si Soju sa paligid ng campus habang may bitbit na box ng sandwich at starbucks coffee. Lumilinga-linga na parang may hinahanap ay naaninag niya sila Mil at Vince na kasalukuyang kumakain doon sa mini park na malapit ng irennovate. Kaya naman napatigil siya sa paglalakad at tumawa nang naiinis.   "Kapag kasama niya si Mil sa bahay, napakahinhin. Pero kapag sila lang pala, ahas siya,” nanggigigil na reklamo ni Soju. Humakbang siya, may planong guluhin ang moment ng dalawa subalit tumunog at nag-vibrate ang cellphone niya na nasa loob ng bulsa. Huminto siya saglit upang tignan ito. “Unknown number? Matagal na kong tumigil sa pambababae ah,” he uttered, then answered it. “Sino to?”   [Soju.]   Nanlaki ang mata niya nang marinig kung sino ang may ari ng boses sa kabilang linya.   “Hoy. Paano m
Read more

Kabanata 25 “Real Hangover”

Nakatitig ng masama ang mga magulang ni Mil sa apat na mga lalaking katabi ni Mil sa sofa - Kay Orij, Kim, Vince at Greypi na minsan nilang inakalang boyfriend ni Orij, a.k.a Orange.  "P-Pasensiya na po," paumanhin ni Orij sa mga ito. Hindi siya makatingin ng diretso, ni makaupo ng maayos dahil alam niyang may ginawa silang mali at natatakot rin siya sa maaaring maging resulta ng mga pangyayari. Nakayuko lamang siya; magkabilang kamay ay nakapatong sa hita. Pero walang wala ang reaksyon niya kay Kim na ngayo'y nakaluhod ang mga tuhod sa carpet at sa harapan ng magulang ni Mil.  "P-Patawarin niyo po kami. Hindi naman intensyon na lokohin kayo," paumanhin ni Kim na pilit itinatayo ni Mil mula sa pagkakaluhod pero ayaw nitong tuminag.  "All this time, kayong apat na mga lalaki ang k
Read more

Kabanata 26 “I like…Who?”

 Umalingawngaw ang malakas na tawa ng matalik na kaibigan ni Mil sa loob ng kaniyang kwarto. "Sabi ko kasi sayo, sabihin mo na kay tito at tita hangga't maaga. Tignan mo ngayon, mas lumala ang nangyari. Pasalamat ka nalang na hindi titira si kuya Segi rito." Humiga siya sa kama patagilid at ginawang unan ang sariling braso.  Sa halip na makitawa ay huminga si Mil ng malalim. Kinamot-kamot niya ang batok bago malungkot na inaming, "Kasalanan ko 'to."  Umangat si Shane, na ngayo'y kulay berde ang buhok, at hinaplos ang kaibigan sa likuran. "Okay lang 'yan dude. At least nawala ang isa sa mga kinababahala mo. May tiwala parin naman sayo ang mga magulang mo kasi hindi ka nila pinaalis sa university." "Kahit naman magdesisyon sila na paalisin ako, hindi nila magagawa dahil masyadong late para lumipat ng school. I'm col
Read more

Kabanata 27 “The Drama Starts”

Kim's POV   Malapit na ang school festivals. Kaliwa't kanan ang paghahanda ng mga guro't estudyante sa kabila ng okupadong talakdaan. Dahil ang club namin ang naatasan na mag organisa ng paligsahan sa dulo ng festival, ay nandito ako sa teachers office bilang representative.    Tahimik akong nakaupo sa gilid habang hinihintay ko si sir Darwin. 'Bakit kaya ang tagal ni sir? Malapit na magsimula ang susunod kong klase,' reklamo ko na panay sulyap sa relo.    "Mil Senikon."  Tumingin ako sa direksyon kung saan nagmula ang narinig na pagtawag. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang makitang narito rin pala sa teacher's
Read more

Kabanata 28 “Foolishness or Pride?”

Orij’s POV   “Peeeeeep!” matinis na busina ang umalingawngaw sa paligid. Nang tumingin ako sa gilid kung saan nanggaling ang busina ay nakita ko ang malaking truck na kumakaripas ng takbo papunta sa akin.    Siyempre, niligtas ko ang sarili; Mabilis akong umiwas at pumuwesto sa  gilid ng daan. Bigla ko tuloy naalala ‘yong mga bida sa telenobela na nakuha pang tumulala sa truck na bubunggo sa kanila bago dumating ang knight in shining armor.    Anyway, nang makatabi ako ay narinig ko ang sigaw ng driver. “Magpapakamatay ka ba?!”    Tinitigan ko ng masama ang likod ng truck at inambahan ng suntok. “Sira ulo! Nasa pedestrian lane ako!” I complained. Tumawid naman ako sa tamang tawiran eh. S
Read more

Kabanata 29 “100%”

  Mil's POV   Kasalukuyan akong naggo-grocery sa supermarket ng maraming chocolate: KitKat, Cadbury, Tobleron and Hany choconut. Nang bigla akong nakarinig ng matinis na tunog. Para akong nilampaso sa kama matapos idilat ang mga mata.   "Chocolate," I murmured. Ilang segundo rin akong natulala bago pumasok sa katotohanan.   'Kung alam ko lang na panaginip ang lahat, sana kinain ko na ang mga chocolate na binili ko. Argh~'   Matamlay kong tinitigan ang cellphone na siyang pinagmumulan ng tunog. Then I wondered inwardly, 'Madilim pa ah. Sino bang tumatawag ng ganitong oras? Mumurahin ko talaga 'to.'   Kinuha ko ang cellphone saka tinignan ku
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status