Kung hindi niya pala gusto ang baby ko, bakit excited pa siyang namili ng mga gamit para dito? Kung ayaw niya sa baby, bakit inaalagaan niya pa rin ako ngayon? Mga tanong sa utak ko habang pinagmamasdan ko si Rafael na inihahanda ang agahan ko. Breakfast in bed dahil inabisuhan kami ng doctor na maselan daw ang pagdadalang tao ko, kailangan ay bedridden muna ako pansamantala. "Here eat up, Baby." Aniya saka inilapag ang tray ng pagkain sa harap ko. Inipon niya ang buhok ko at hinayaan akong kumain habang hawak niya ang buhok ko upang hindi humalo sa pagkain ko. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Napaka mapagpanggap. Wala akong panahon para sayangin ang natitira kong lakas para kontrahin pa siya. Kahit masama ang loob at halo-halo pa rin ang emosyon, dinampot ko ang kutsara at kumain pa rin. Kailangan ko. Isa pa, nakasisiguro naman akong walang lason sa pagkain ko dahil sa lakas
Read more