"Excuse me mister, kailangan na namin umalis dahil hinihintay kami ng kapatid ko."Seryosong saad ni beshie, Nako, Baka maputol ang pisi nito ni beshie at patulan ‘tong mayabang na kaharap naming. "Ah ganoon ‘ba?" parang walang pakealam na sabi nito. Sabay tingin ulit sa’kin. "Eizel pwede ko ba hingin number mo?" Napataas ako ng kilay, Nilalandi talaga ako ng lalaking ‘to. "Bakit mo hihingiin number ko? Pag hiningi mo number ko, Ano ng gagamitin ko? Wala kabang pera para makabili ng sa’yo? Mukha ka namang mayaman, magkano lang naman ang simcard ‘a! hihingiin mo pa ‘yung sa’kin!" Pang-babara ko sa kanya, Natawa naman ng mahina si Beshie, Naku, tumawa pa si Beshie pinipigilan ko ngang hindi tumawa ‘e, Ano ka ngayon? Mga da-moves mo bulok. Napakamot naman ito sa ulo, Tsk, may kuto pa ata ‘to. Yucks! "I mean pwede ko ba malaman ang cellphone number mo? "
Last Updated : 2021-09-04 Read more