Azthrea's Pov. Napabalingkwas ako dahil sa kumakatok mula sa labas ng aking kwarto. "Baby wakeup you're gonna be late kung hindi ka pa babangon," si Mom pala. "Yes Mom gising na po ako, magbibihis na po," tugon ko sa kanya. Ramdam ko naman ang kalabog ng mga paa niya pababa sa hagdan. Si Mom ang taga gising ko kapag late akong gumigising, haha. Tinignan ko ang orasan ko at 6:30 pa lamang ng umaga pero sabi ni Mommy malelate na ako, hmm. Ano naman kaya ang pakulo ni Mommy? Wait! Nakaisip ako ng kalokohan para sa kuya kong tulog mantika. For sure hindi pa 'yon bumabangon. Pumunta ako sa kanyang silid para tignan kung tulog pa ba siya at hindi ako nabigong makapasok dahil hindi ito nakalock, siguro nakalimutan ulit niyang ilock ang pinto niya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan niya. 1, 2,3... May sunog, sun
Last Updated : 2021-08-13 Read more