Lakad takbo ang ginawa ko, sobrang pawis na ng aking noo, hindi sapat ang aking pera kaya tinipid ko nalang. Napa tingin ako sa aking relo sa kanang kamay ko, it's already 4:55am malapit ng mag 5:00 am. Dahil sa pagmamadali hindi ko namalayan ang isang babae na dumaan sa harapan ko, nabuhosan ng kape ang aking suot. "Sorry, sorry, " paumanhin nito, inabutan niya rin ako ng tissue. "It's fine, " maikli kong sagot . Walang dapat sisihin sa amin dahil siguro nag mamadali din ito. Pinunasan ko agad ang aking damit na may mantsa ng kape. Wala na akong oras mag ayos o mag palit ng damit man lang, hindi ko nalang pinansin ang marumi kong damit. "Good morning ma'am, " Bati ni manong guard.
Last Updated : 2021-08-06 Read more