=AZRAEL's POV= "Hopia, mani, popcorn, turon, basahan, sigarilyo, kendi kayo diyan mga suki!" sigaw ko habang iwinawagayway ang mga paninda sa gitna ng kalsada. Nasa crossing ako ngayon at kasalukuyang pula ang traffic light nitong puwesto. "Az, isa nga'ng mani!" sigaw ng isang dyipney drayber sa tapat ko na agad kong nilapitan. Kilala na kasi ako dito sa pwesto na ito dahil dito ako madalas naka-pwesto. "Isa lang ba? tatluhin mo na para limang peso at may isa ka pa'ng libre na kendi," sabi ko saka inabot ang tatlong balot ng mani at isang kendi. "Napaka-negosyante mo talaga, oh siya salamat sa libre," sabi niya. Sumaludo pa ako sa kanya bago umalis para suyurin ang mga kasunod na sasakyan. "Hopia, mani, popcorn, turon, basahan, sigarilyo, kendi kayo diyan!" muli kong sigaw habang naglalakad sa gitna ng sikat ng araw. Azrael Russel nga pala at your service. 24 years old at sabi nila kah
Last Updated : 2021-08-05 Read more