CHAPTER ELEVEN HINDI ko alam kung paano ako nakauwi sa dorm ko. Basta ang alam ko'y nakaupo ako sa bintana kong nakabukas habang nakatitig sa kaliwanagan ng bilog na buwan, sa steady-ing ilaw ng mga gusali't establisyemento, sa gumagalaw na mga sasakyan. Ang hangin ay malayang tumatama sa aking mukha kaya't patuloy sa pagsayaw sa saliw ang aking buhok. Tanging pajama-ng puti at sando lamang ang suot ko. Ang kanang binti ko'y nakabitin sa labas habang ang kaliwa ay nakahilata sa amba ng bintana. Magulo ang isipan ko. Punong-puno iyon ng katanungan, ng galit. Ang dibdib ko'y pinupuno ng kalungkutan. Kumikirot iyon. Hindi ko na alam kung anong ginawa nya, kung umalis ba sya, kung umuwi o may pinuntahang iba, buhat noong iniwanan ko sya matapos nya akong sagipin sa kamuntikan ko ng pagkakabunggo. Ang akala ko'y matatapos na ang lahat kung makikipagk
Last Updated : 2021-09-19 Read more