Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 581 - Kabanata 590

1942 Kabanata

Kabanata 581

Maaring taglay ni Claire ang hitsura ng isang diyosa, katawan ng isang demonyo at ang boses ng isang ruwisenyor.Gayunpaman, alam na alam ni Alex na baliw talaga ito na natatakpan ng balat ng tao. Kakagatin ka na nga niya kaagad nang walang dahilan, lalo na siguro pag nasira ang kanyang makeup sa pamamagitan ng pagsaboy sa kanya ng balde ng tubig.Sumigaw siya sa galit at inangat ang kanyang braso, hinahampas ang kanyang kamay patungo sa mukha ni Emma.Iba talaga umatake ang malditang baliw.Nang hinampas ni Claire ang kanyang kamay, bahagyang nabaluktot ang kanyang mga daliri.Rawr!Tatlong madugong hiwa ang inabot ng mukha ni Emma.Binitawan ni Emma ang balde at hinawakan ang kanyang mukha at nakitang may dugo ang kanyang kamay.Maya-maya lang, natigilan siya at nagsimulang sumigaw at humiyaw na parang baliw. “Gag* ka! Kapal ng mukha mong kamutin ang mukha ko? Mamatay ka na!”Sinugod ni Emma si Claire, dahilan para mag-aalala sina Dorothy at Beatrice. Nang pipigilan na sana nila ang
Magbasa pa

Kabanata 582

Gayunpaman, nang muli nilang tingnan ang grupo, nagulat sila.‘Ilang tao ang nariyan?’Napakarami nila kaya hindi sila mapasok lahat sa bulwagan.Nataranta ang mga bisita.“Saan nanggaling ang mga bisitang ito? Napakarami nila! Baka galing sila sa malaking pamilya?”“Mukhang mas mataas ang kinatatayuan ng pamilyang Assex kaysa sa inaakala natin!”Sa pakikinig sa gayong papuri, tuwang-tuwa si Emma.Gayunpaman, namutla ang mukha ni Benny nang makita ang grupo ng mga tao.Ang pinuno ng grupo ay taong lubos niyang kilala, sobra talaga. Halos araw-araw silang nagkikita.Siya ang kanyang assistant sa kumpanya, na namamahala sa mga lakarin ng kumpanya.“Jeremy, anong ginagawa mo?”“Bakit napakaraming tao ang isinama mo? Hindi ninyo ba kailangan magtrabaho?” Sumugod si Benny at pinagalitan sila.Nataranta ang lahat sa sandaling iyon.Ang grupong ng mga taong ito ay mga empleyado ng Assex Constructions, daan-daan sila. Nagsisiksikan sila sa bulwagan kaya wala na silang makita sa labas ng pasuka
Magbasa pa

Kabanata 583

“Ate, sino sila? Nandito sila para gumawa ng eksena, tama ba? Napakapula ng mga kasuotan nilang damit!” Napaatras ng ilang hakbang si Beatrice habang tinitingnan ang mga taong nakasuot ng pulang damit at may kakaibang hairstyle.Bumulong si Dorothy. “Tiyak na problema sila.”Malamig na tumawa si Claire. “Napakasungit dati ng matandang iyon, kaya malamang maraming tao siyang nasaktan noong nabubuhay pa siya. Ipagpapalagay kong ito ang kanyang karma–-lahat ay narito upang maghiganti sa sandaling namatay na siya.”Sa hindi inaasahang pagkakataon, tama si Claire sa sandaling ito.Ang mga lalaking ito na nakapula ay pumasok na may matitinding ekspresyon sa kanilang mga mukha, pilit na tinutulak ang sinumang humahadlang sa kanila.Nawalan pa nga ng balanse ang ilan at bumagsak sa sahig.Gayunpaman, sa pagtingin sa kanilang mga hitsura, wala ni isa sa kanila ang nangahas na ipahayag ang kanilang galit. Ang mga bisita ay maaari lamang bumangon pabalik sa kanilang mga paa at panoorin ang sitwas
Magbasa pa

Kabanata 584

Maya-maya lang ay nagsalita na ang lahat ng empleyado. “Nandito kami para hingiin ang aming suweldo, hindi para makipag-away.”Pakiramdam ni Benny ay parang susuka na naman siya ng dugo.Biglang itinuro ni Emma ang direksyon ni Dorothy. “Lahat ng pera ng Assex Constructions ay nasa kanila. Kung gusto ninyo ng pera, kunin ninyo sa kanila! Ang babaeng iyon ay si Dorothy, isa rin siyang Assex.”Naging malamig ang ekspresyon ni Dorothy. “Walanghiya.”Kakasabi lang ng babaeng ito na ang pamilya ni Dorothy ay hindi na bahagi ng kanilang pamilya kani-kanina lang, ngunit ngayon ay tinuturing niya ito bilang kapamilya dahil lang kailangan niya ng scapegoat.Nang makita niya si Dorothy at ang iba pa, kumislap ang mga mata ng pinuno.‘Ang gaganda!’‘Napakagandang mga babae!’Masasabi niyang sinusubukan ni Emma na maghanap ng scapegoat, ngunit pambihirang pagkakataon ito para sa kanya na makilala ang gayong mga kagandahan. Kaya naman, nagpasya siyang lapitan sila gamit ang mainam na dahilan.‘Maaa
Magbasa pa

Kabanata 585

“Ano? 60% ng shares ng aming kumpanya? Mangarap ka!” sigaw ni Emma bago pa makapagsalita si Benny.“Bakit naman napaka-walang puso mo, Rockefeller?“Nagloko ka pa nga at ninakaw mo ang aming subsidiary sa City South dati! Tapos pinalitan ninyo ang pangalan sa ano, Dorothy-Alex Constructions? Nakakadiri talaga! Walanghiya! At ngayon gusto mo ng 60% ng aming shares? Nangangahulugan lang iyon na gusto mong kunin ang Assex Constructions! Sa tingin mo ba, karapat-dapat talaga sa’yo ‘yon?“Baka nanaginip ka lang. Sa tingin mo ba ibebenta namin sa’yo ang higit sa kalahati ng Assex Constructions sa halagang apatnapung milyon?”Hindi nagatungan si Alex sa alinman sa mga tanong at pang-iinsulto ni Emma.Mahinahon niyang sinabi, “Nag-aalok lang ako, ngayon bahala na kayo kung kukunin ninyo o hindi. Pero nabalitaan kong kinuha mo ang perang ito sa mga loan shark. Kung hindi mo ‘yan babayaran ngayon, ang mga interes ay patuloy na tataas sa paglipas ng panahon. Hindi ba’t nakakahinayang iyon? Kung m
Magbasa pa

Kabanata 586

Sa huli, malungkot na tumango si Benny habang tinatanggap niya ang alok ni Alex.Alam niya kung gaano kalubha ang sitwasyon ng Assex Constructions ngayon. Naka-hold pa rin ang mga utang sa bangko, kaya hindi nila mabayaran ang sinuman sa kanilang mga empleyado. Bukod dito, ang ilan sa kanilang mahahalagang proyekto ay nahaharap sa iba’t-ibang problema.Hindi na sila aabot ng isang buwan kung magpapatuloy ito. Mababangkarote sila.Gayunpaman, kung ililipat kay Dorothy ang kumpanya, ang malalaking proyektong hinahawakan niya ngayon ay malamang na makakatulong sa kanilang kumpanya na malampasan ito.Ang 30% ng shares na hahawakan ng mga Assex ay ang pinakamainam na mapagkakakitaang opsyon na meron sila ngayon.Hinila ni Dorothy si Alex, bumubulong. “Hubby, saan tayo makakahanap ng walampung milyon na maibabayad sa kanila? Ang lahat ng mga proyekto natin ngayon ay nangangailangan ng pera para magpatuloy. Dalawampung milyon na lang ang matitira sa’tin kung sakali.”Ngumiti si Alex at sumand
Magbasa pa

Kabanata 587

Bumagsak sa sahig ang kanyang kampon, hinihimas ang pisngi nito gamit ang isang kamay at halatang galit.‘May nasabi ba akong mali?‘Pero hindi naman ako mali ah!‘Walampung milyon ang pinag-uusapan natin dito! Apatnapung milyon din ang budget, bakit tumatanggi si Boss na bawiin ‘yon?’Ayaw nang panoorin pa ni Alex ang kanilang alitan. Tumango siya at sinabing, “Ayos na ang lahat!”Tumalikod siya at umalis, naglalaho sa madla.Bigo at nalilito ang mga kampon. Gumapang ang nasampal at nagtanong, “Boss, bakit ayaw mo ng walampung milyon? Kung ayaw mo, sana ibinigay mo na lang sa amin!”Pak!Muli siyang sinampal ng pinuno at sinipa rin sa tiyan.“Gugustuhin? Bakit natin gugustuhin ang perang iyon? Gusto mo pa bang mabuhay o ano? Alam mo ba kung sino siya?“Kung hindi dahil sa akin, malamang patay na tayong lahat ngayon!”Nagtanong ang isa pang kampon, “Boss, sino siya?”Napalunok ang pinuno. “Narinig na ninyo ang nangyari sa Valtameri Tower kahapon, tama ba? Siya ang mamamatay-tao na pumu
Magbasa pa

Kabanata 588

Pagdating niya sa bahay, sinimulan ni Alex ang paggawa ng higit pang mga tabletas gamit ang kalan. Nang dumating si Michelle, agad siyang tumulong para maibalik ang core nito at inalalayan ito... At saka, kinailangan din niyang tulungan si Nathan na baguhin ang Golden Crushing Punch.Sa huli, sobrang napagod siya, nakatulog siya kaagad pagsapit ng gabi.Pinuntahan ulit siya ni Waltz, habang nakahiga si Alex sa kama.Walang lakas si Alex para paalisin siya sa pagkakataong ito, kaya tumalikod na lang siya at niyakap ito, mahimbing na nakatulog.Kinabukasan, pinag-aaralan ni Alex ang Stake of Exorcism, gusto niyang baguhin ito bilang kanyang lihim na sandata.Gayunpaman, nakatanggap siya ng tawag mula kay Zendaya ng alas tres ng hapon.“Alex, nakakuha na ng ilang shots ang filming team ko para sa patalastas ng Lush Cosmetics. Pwede ka bang pumunta at suriin ang mga ito ngayon?” kinakabahang tanong ni Zendaya.Umaasa si Zendaya na makita si Alex muli, ngunit nag-aalala siyang baka mawalan
Magbasa pa

Kabanata 589

Likas na maganda talaga si Zendaya.Habang nakasuot ng tradisyunal na pananamit at makeup, mas maganda pa siya kumpara noong konsiyerto sa stadium. Mukha siyang diyosa ng langit.Lahat ng lalaki ay namamanghang nakatingin sa kanya.Ang guwardiyang kanina pa pinagtatawanan si Alex, ay ngayon naglalaway na nang makita si Zendaya.Para naman sa tinawag ni Zendaya…Hindi iyon mahalaga sa kanila.Higit sa lahat, perpekto ang boses niya gaya ng dati.Pakiramdam niya ay nakikipag-usap siya sa kanila sa pinakakaibig-ibig na posibleng boses.Ito ay dahil hindi sinasadyang nailabas ni Zendaya ang kanyang mental power.Nagmamadaling lumapit si Ellington sa kanya, bitbit ang bouquet ng rosas, ang kanyang mga mata ay puno ng pagsamba. “Zendaya, sa wakas nandito ka na! Alam kong kaarawan mo ngayon, nanggaling pa ako sa Alaska para batiin ka ng maligayang kaarawan. Oh at, dahil ito ay isang espesyal na araw…”Napaluhod siya, naglalabas ng isang singsing na diyamante. “Zendaya, mahal kita. At patuloy
Magbasa pa

Kabanata 590

Napagtantuang si Alex ay nagpupumigil at tumatangging gumalaw ng isang pulgada, kinuyom ni Zendaya ang kanyang mga ngipin at tumingkayad. Mariin at mapusok niyang hinalikan si Alex.‘Diyos ko.’Higit sa lahat, naramdaman ni Alex na parang inaalala niya ang kanyang nakaraang buhay sa mismong sandaling iyon, na para bang si Zendaya ang nakaraang nobyang matagal niya nang hinahanap.Sa sandaling iyon, ang tanging natitira sa kanyang isipan ay kaligayahan at pananabik.Ang lahat ng kanyang katuwiran ay naglaho sa manipis na hangin habang niyayakap niya si Zendaya nang mahigpit, hinahalikan ito pabalik nang may labis na pagnanasa.Nagsimulang maghalikan ang dalawa sa harap ng lahat.“Diyos ko!” Sigaw ni Elena, pero halatang tuwang-tuwa siya.Parang namatayan ng ina sa mismong harapan niya ang hitsura ni Ellington.Lumapit sa kanya si Elena at hinawakan ang kamay niya. “Ellington, may nobyo talaga si Zendaya. Tingnan mo nga sila, libu-libong beses na nila nagawa ‘yan nang pribado. Halata nam
Magbasa pa
PREV
1
...
5758596061
...
195
DMCA.com Protection Status