All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 441 - Chapter 450

1942 Chapters

Kabanata 441

Hawak pa rin ang kamay ni Michelle, sinulyapan ni Alex ang kalbong lalaki. Ang kanyang mga mata ay mahigpit at malamig na parang niyebe tuwing taglamig.Akala ng pamilyang Pattingson ay nagpapanggap lang siya.Karaniwan, ang mga mandirigma ay may napakalakas na aura na nagmumula sa kanilang mga katawan, lalo na ang mga may kasanayan. Ang mga dalubhasang mandirigma ay may napakatinding aura na ang bawat bahagyang paggalaw na gagawin nila ay nakakatakot.Gayunpaman, wala sa mga katangiang ito ang meron si Alex, para lamang siyang mahinang iskola at maputlang lampa.“Diyos ko, mamamatay ata ako sa tawa. Sino ka para pagsalitaan ako nang ganyan, lampa? Dati, hindi pa ako sigurado kung ikaw talaga ang nakapatay kay Scott. Ngunit ngayon, sigurado na akong may kalokohan kang ginawa at pinatay mo siya sa pamamagitan ng pandaraya sa labanan ninyo!“Kung nilabanan mo siya nang patas, wala kang pag-asang manalo sa kanya.”Labis na malamig pa rin ang ekspresyon ni Alex. “Tapos ka na bang dumaldal?
Read more

Kabanata 442

Tumawa si Neil. “Winnie, kaya kitang tulungang palumpuhin sila, ngunit kailangan mong ipangako sa’kin ang isang bagay. Samahan mo akong manood ng pelikula bukas, irereserba ko para sa’yo ang buong sinehan.“Sumagot si Winnie, “Sige.”“Magde-date tayo ha!”Tuwang tuwa si Neil, lumakad siya palapit kay Alex na may nakakalokong ngisi. “Hayaan mong magpakilala ako, sa Alaska, ako ang-–”Siningitan siya ni Alex. “Hindi na kailangan iyon, hindi ako interesado sa mga may saltik.”“Anong sinabi mo? Mamamatay ka na!“Nasaksihan ni Neil kung gaano kalakas kayang sampalin ni Alex ang sinuman. Kaya’t alam niyang dapat siyang mag-ingat. Pagsara ng kanyang pamaypay, inasinta niya ang ulo ni Alex gamit ang sandata.Kung tatama ang atakeng ito, magiging paralisado ang utak ni Alex kahit na hindi siya mamamatay mula rito.“Mag-ingat ka, Alex!” Sumigaw si Michelle, nag-aalala para sa kaligtasan ni Alex.Itinaas ni Alex ang kanyang braso upang harangan ang atake habang humahampas sa kanya ang bakal na pa
Read more

Kabanata 443

Itinulak ni Alex si Michelle sa tabi at pinagana ang kanyang Mystic Armor.Sa pamamagitan nito, may malabong dilaw na shell ng pagong ang namuo sa paligid ng kanyang buong katawan upang harangan ang lahat ng mga atake ni Gerald.Pinatumba niya ang iba upang mapigilan ang pagtangka nilang saktan si Michelle sa sandaling naging abala siya sa pakikipaglaban kay Gerald. Iyon ang dahilan kung bakit nagsama siya ng sumpa sa mga karayom ​​upang maselyuhan din ang kanilang mga kasanayan.Ang kombinasyon ng tungkod ni Gerald at ang kanyang inner force bilang manlalaban na may ranggong Peak Mystic ay pinahintulutan ang kanyang Chi na bumuo ng kakaibang pakiramdam sa kapaligiran. Ang kanyang mga kilos ay naging kasing bilis ng kidlat–hindi na mukhang makatao ang mga ito.Ang mga Yowell ay nakaramdam ng kawalan ng pag-asa sa sandaling nakita nila kung gaano kalakas ang kanyang atake.Ang iba pang mga Pattingson ay tumigil sa pagsigaw sa sakit habang itinuon nila ang kanilang mga mata sa dalawa, tu
Read more

Kabanata 444

‘Marahil siya ang pinakabatang mandirigmang may ranggong Earth sa Amerika!’Kung si Scott ay nakipaglaban sa ganitong klaseng halimaw, tiyak na hindi siya namatay nang walang kabuluhan.Sa sandaling ito, ang lakas ni Gerald ay nauubos na. Siya ang umaatake nang buong lakas sa buong labanang ito, ngunit si Alex ay nakatayo pa rin.Si Gerald naman ay pinagpapawisan at hinihingal. Ang kalahati ng kanyang inner force ay naubos na.“Tapos ka na ba?” Nagsalita si Alex. Alam niyang ang kanyang armor ay hindi na lalakas pa sa puntong ito, kahit na tumanggap pa siya ng anumang mga atake.“Ikaw, p*ta ka... sino ka ba?” Parang bibigay na si Gerald. Itinaas niya ang kanyang tungkod para gamitin ulit ang ‘Golden Celestial Staff’, hinahampas ito kay Alex.Gayunpaman, madali lang nasalo ni Alex ang kanyang tungkod.“Ako ang taong hindi mo dapat hinamon.” Pagkatapos ay inagaw niya ang tungkod na gawa sa metal at ihinampas ito sa hita ni Gerald.Kasabay ng malakas na tunog ng pagbiyak, ang kaliwang paa
Read more

Kabanata 445

“Siya! Siya ang may kagagawan!“Inukit niya ang salitang iyon sa mukha ko!”Tinitigan ni Michelle si Winnie, nais na maghiganti.Bilang pinakamagandang dalaga sa California State University, paano siya makakalabas sa publiko na may salitang ‘P*kpok’ na nakaukit sa kanyang mukha?Hindi man lang siya makapasok sa klase. Alam niyang nasira na ang kanyang buhay.Ilang sandali ang nakalilipas, nais niyang maging kasintahan ni Alex kahit na asawa na siya ni Dorothy. Gayunpaman, ngayong nasira ang kanyang mukha...‘Paano ako magiging girlfriend niya nang ganito?’Habang iniisip niya ito, lalo niyang kinamumuhian si Winnie. Galit na galit siya sa kanya kaya’t gusto niyang balatan siya nang buhay at itapon siya sa palayok ng kumukulong mantika.Gusto rin niyang iukit ang salitang ‘p*kpok’ sa katawan ni Winnie.Inikot ni Alex ang kanyang mga mata at tiningnan ang maganda at maliit na mukha ni Winnie. Kalmado niyang sinabi, “Patayin mo sarili mo.”‘Ano?’Mas lalong namutla ang mukha ni Winne at h
Read more

Kabanata 446

Ngunit posible kaya ito?Hindi sinabi ni Alex Rockefeller na posible, ngunit hindi niya rin sinabing hindi. Bigla niyang inabot at inangat ang kabaong sa ere.Napasigaw ang lahat sa gulat.Ginagamit niya ang kanyang inner force upang pagalawin ang mga bagay sa ere. Hindi ba ito ang marka ng isang Telekinetic Grandmaster? Si Alex Rockefeller pala ay may ranggong Divine na Telekinetic Grandmaster. Ito ay tunay na ikinagulat ng lahat.Karapat-dapat na mamatay si Scott Pattingson dahil sa pamamastos sa isang Grandmaster.Ang dalawang kabaong ay bumukas at nagsara habang ang mga bangkay nina Gerald at Winnie Pattingson ay inilalagay sa bawat isa.“Alisin ang mga kabaong ito!” Bulalas ni Alex bago magtipon ng higit sa sampung madugong karayom ​​at pinatagos ang mga ito sa katawan ng bawat tao.Lahat ay nakadama ng labis na takot.Talagang ayaw nilang maranasan ang pakiramdam na nilalamon ang kanilang puso ng sampung libong mga langgam.Sa kabutihang palad, wala silang naramdaman sa pagkakata
Read more

Kabanata 447

“Hindi pwede!” Bulalas ni Alex Rockefeller bago pinukpok ang noo ni Michelle Yowell.“Hindi ako nagpapatakbo ng isang sirko. Ayokong mag-alaga ng mga munting unggoy na tumatakbo,“ dagdag niya.Pagkatapos nito, kinurot niya ang mukha ni Michelle at maingat na sinuri ang salitang ‘p*kpok’ sa mukha niya. Medyo malupit si Winnie Pattingson, na nag-ukit ng salitang ito na halos tatlong pulgada ang lalim.Nataranta si Michelle at namumula ulit ang ekspresyon ng kanyang mukha.Ano naman kung meron siyang perpektong katawan?Dahil sa salitang ‘p*kpok’ sa kanyang mukha, sinong lalake ang gugustuhing anakan siya?Pagkatapos, nakita ni Michelle na tumatango si Alex. “Medyo malalim ang sugat. Medyo matatagalan bago ‘yan humilom. Sa ngayon, kailangan mong sumuot ng maskara kapag makikipagkita ka sa ibang mga tao. Gagawa ako ng isa pang listahan ng mga halamang-gamot. Dapat kang tumuon sa pagtipon ng mga halamang-gamot na ito. Kapag nakuha mo na lahat, gagawa ako ng isang uri ng luwad na nakapagpapa
Read more

Kabanata 448

Maaaring kalimutan na lang ni Nathan Pattingson ang tungkol sa paghihiganti.Pagkatapos pumikit nang matagal, kinausap niya ang apo sa phone. “Maglakbay na kayo pabalik sa Alaska mamayang gabi. Bukas, personal akong pupunta sa California upang humingi ng tawad sa kanya,” sabi ni Nathan.“Ano?” Napatulala ang apo.Pinatay ang anak na lalaki at apo ni Nathan, pero nais pa rin niyang humingi ng tawad kay Alex Rockefeller? Kahit sino ay mahihirapang maniwala.Samantala, nakabalik na si Alex sa Maple Villa.Nang binuka niya ang kanyang bibig, nagluwa siya ng buo-buong dugo.Nang nakipaglaban si Alex kay Gerald Pattingson kanina, nakatayo lang siya at hindi talaga gumalaw, at mukhang hindi makalusot si Gerald sa kanyang depensa. Gayunpaman, sa totoo lang, nasaktan si Alex sa unang atake.Hindi totoong Grandmaster si Alex.Sa kabutihang palad, ang regenerative na Chi mula sa Force ay agad nagbigay proteksiyon sa mga laman-loob ni Alex at mabilis na hinilom ang kanyang katawan. Kung hindi man,
Read more

Kabanata 449

“Kayong dalawa… Bakit?”Ang mga mata ng babae ay mulat, at ang kanyang mukha ay maputla. Para bang nakita niya ang pinakakakila-kilabot na bagay sa mundo.Sina Alex Rockefeller at Waltz Fleur ay kapwa natulala, at kumalabog ang kanilang mga puso.Pareho silang dalubhasa sa martial arts. Dapat ay naramdaman nila ang presensya ng sinuman... Ngunit ang problema ay ang taong nagpakita ay isa ring dalubhasa sa martial arts.Parang nahihiya si Alex. “Ate, bakit ka... biglang bumalik?”Ang babae ay walang iba kundi si Maya Howards.Si Maya ay ang kanyang kapatid na inampon na may ranggong Intermediate-Royal sa kanyang paglilinang na Silver Frost.Orihinal na nilayon ni Maya na bigyan ng sorpresa si Alex. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang huwag masyadong mag-ingay nang siya ay bumalik sa pamamagitan ng pagtitingkayad. Lumabas na siya pala ang masosorpresa.Sina Maya at Brittany Rockefeller ay masipag na nagtratrabaho sa Michigan, bumubuo ng mga bagong produkto upang maihanda ang kanil
Read more

Kabanata 450

Sa pamamagitan ng pera, anuman ay magagawa sa loob ng isang oras.“Bumalik ako kasama ang ilan sa mga produkto upang ipakita kay Hailey sa oras na ito,” sabi ni Maya Howards.Pagkatapos, inikot ni Maya ang kanyang mga mata. “Pagod na pagod ako sa pagmamaneho kaninang madaling araw, at pag-uwi ko gano’n pa sasalubong sa’kin!”Ngumisi si Alex Rockefeller. “Ate, pagod ka sa trabaho. Hayaan mong bigyan kita ng masahe.“Noong sila ay magkasamang nainirahan, alam na ni Maya na magaling mag-masahe si Alex. Nagpakasarap ng kanyang pakiramdam tuwing minamasahe siya.Agad na hinubad ni Maya ang kanyang mga sapatos. “Imasahe mo ang aking mga paa. Masakit eh.““Hindi mo pa nga nahuhugasan ‘yan.”Malamang mabaho ang mga ito, hindi ba?Ngunit sa totoo lang, hindi talaga mabaho ang mga ito. Sa katunayan, ang mga paa ni Maya ay kakaibang mabango.May likas na samyo si Maya sa kanyang katawan. Walang ibang tao ang katulad niya. Sa hindi malamang kadahilanan, kahit si Alex ay hindi matukoy kung ano ang
Read more
PREV
1
...
4344454647
...
195
DMCA.com Protection Status