All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 341 - Chapter 350

1942 Chapters

Kabanata 341

Inangat ni Alex ang kanyang ulo at tumingin sa kwarto ni Hailey. Nagmistulang dugo sa pula ang kanyang mga mata, katulad ng kay Zack Carter kanina.Sa mismong sandaling ito, para bang nakikita niya ang eksaktong ginagawa ni Hailey sa kanyang kwarto at nararamdaman pa ang kanyang emosyon. Lumitaw ang ekspresyon ng kalibugan sa kanyang mukha.Samantala, si Hailey, na nasa kanyang kwarto pa rin, ay walang ideya na ang gayong malubhang panganib ay papalapit mula sa ibaba.Ngumisi si Alex, handa siyang tumalon papunta sa ikalawang palapag at pumasok sa kwarto ni Hailey, para lamang makasama niya ito nang buong gabi. Doon lamang, may nakatagong sandata ang marahas na bumulusok sa hangin sa tahimik na gabi, na lumilipad patungo sa dibdib ni Alex.Walang kamuwang-muwang, si Alex, na ang isip ay nakatuon lamang kay Hailey, ay agad na tinamaan ng nakatagong sandata: isang shuriken.Gayunpaman, ang shuriken ay tumagos lamang sa kanyang balat nang mas mababa sa kalahating pulgada. Ang Chi na natip
Read more

Kabanata 342

Kikilos na sana si Alex, ngunit nagbago ang isip niya matapos marinig ang mga salita ng ninja.Wala siyang ideya kung bakit sila nandito. Bukod dito, ang kanyang ina ay naging matipid sa pagsabi sa kanya ng anumang mga detalye, takot na takot na para bang bubuksan niya ang kahon ni Pandora, na magdadala sa kanya ng kaguluhan at kasawian.Sa kabila nito, mag lalong ninais ni Alex na malaman ang katotohanan.Nais niyang malaman man lang kung anong hinahanap ng mga ninja na ito.“Oo, hindi ba’t sinabi mong nais mong pabagsakin ang Rockefeller Group? Maaari kaming makatulong. Hindi mo na kakailanganin ng tatlong buwan, ang isang buwan ay higit pa sa sapat upang makamit iyon. Pagdating ng panahon, magiging iyo ang Rockefeller Group,” pagpapatuloy ng pinuno.“Hindi naman talaga kayo seryoso. Bakit pa rin kayo nakasuot ng maskara at itinatago ang inyong mga sarili kung narito kayo para makipagkalakal? Sinubukan ninyo pa nga akong ataktehin kanina lang.”“Haha, ‘yon ay maliit na pagsubok lama
Read more

Kabanata 343

“Mga ninja nanaman?”“Anak ng tokwa, lahat sila nagpakamatay din!”Mabilis na dumating si Anna sa eksena. Wala pang kalahating oras lang ang inabot nito upang magpakita siya sa harap ni Alex.Matapos tingnan ang mga bangkay ng limang mga ninja, alam niyang nagpakamatay sila.“Anong hinanaing meron ang mga Hapon na ninja laban sa’yo?” Nataranta si Anna dahil hindi pangkaraniwang kababalaghan para sa limang ninja na sabay-sabay na magpatiwakal. Maipapaliwanag lamang ito kung meron itong kasangkot na labis na nakatagong mga lihim o ilang uri ng makapangyarihang mga nilalang.Bumuntong hininga si Alex. “Gusto ko ring malaman iyan.”Ang mabangis na babae tulad ni Anna ay halatang mas gugustuhin na gamitin ang kamo sa halip na utak. Hindi niya masyadong pinag-isipan ito dahil alam niyang hindi niya rin maiintindihan ang pangyayari, kaya inutusan lang niya ang kanyang mga tauhan na iligpit ang mga bangkay.Humarap siya kay Alex at sinabi, “Nga pala, gusto kong tulungan mo ako sa isang bagay.”
Read more

Kabanata 344

“Paalam, mister!”“Paalam, huwag kang masyadong pasaway sa iyong susunod na buhay!”Ang mga mangkukulam na doktor ay hindi lamang nakapagpagaling ng mga espiritu, may kakayahan din silang palayasin ang mga masasamang espiritu.Dahan-dahang kumaway si Alex, ngunit biglang may bumulwak na lungkot sa kanyang kalooban.'Ang bata ay namatay nang walang kabuluhan sa murang edad, ang kanyang mga magulang ay malamang mas lalong nakadama ng kalungkutan,' naisip niya.Mabilis na lumipas ang gabi.Kinaumagahan, si Alex ay nasa basement muli upang magtimpla ng kaldero ng Blood Energy Pills. Ito na rin ang huli sa kanyang mga nakapagpapagaling na halamang-gamot, makakagawa lamang siya ng isang kaldero ng labintatlong tabletas. Wala na siyang sapat na materyales para sa karagdagang concoctions!Nang walang tulong ng divine energy na ibinigay ng kanyang ninuno, masasabi niyang malaki ang nabawasan sa bilis ng kanyang paglilinang. Kaya, kailangan niyang mag-isip ng paraan upang mapagbuti ito.Nagmaneh
Read more

Kabanata 345

'Pinag-uusapan lang namin ang tungkol sa dalawang milyong dolyar, ngunit bigla kang dumating dito para bigyan siya ng dalawampung milyong dolyar. Kailangan ba talagang mapahiya ako nang ganito?’ Pakiramdam ni Adrianna ay parang namamaga ang kanyang mukha dahil sa sampal. Gayunpaman, kasasabi lamang niyang dididilaan niya ang sapatos ni Alex kung talagang meron siyang dalawang milyong dolyar.Higit sa lahat, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa bank card, puno ng paninibugho at inggit. Pagkatapos ng lahat, iyon ay dalawampung milyong dolyar. Batay sa kanilang pang-ekonomiyang kalagayan, ang kanilang pamilya ay hindi makakakuha ng ganoong kalaking halaga ng pera sa kanilang buhay. Ang mga iyon ay mga astronomikal na numero sa kanila.Gayunpaman, lalo pang nadurog si Claire.Ibinigay sa kanya ni Alex ang dalawampu't milyong dolyar na tseke noon, ngunit dahil sa labis na kasabikan, nagusot niya ang tseke nang inilagay niya ito sa ilalim ng kanyang unan bago matulog. Sa huli, sinigawan pa ni
Read more

Kabanata 346

Patuloy na sinasampal ni Adrianna ang kanyang sarili habang humihingi ng tawad.Mayabang na ngumisi si Felix. “Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad, ngunit kay mr. Rockefeller. Sa tingin ko narinig niya na kakasabi mo na didilaan mo ang kanyang sapatos kung mayroon siyang dalawang milyong dolyar, tama?”‘Ano?’Si Adrianna ay nagulat. Nakabuka ang kanyang bibig, pero walang salitang lumalabas.Pwede siyang lumuhod sa harap ni Felix ng walang pagdadalawang isip dahil sa kanyang titulo bilang batang tagapagmana ng Pegasus international. Sa kanyang mata, siya ay malakas na tao na kayang magdikta ng kapalaran ng kanyang pamilya sa isang iglap lang.Subalit, si Alex ay isa lang talunan sa kanyang mata, na dapat madurog sa ilalim ng kanyang mga paa. Paano na lang niya magagawang pahiyain ang kanyang sarili sa pagdila ng kanyang sapatos bilang kapalit?Hindi niya ito matanggap!Tulad ng kahit na sino, magagawa mong tanggapin ang hindi importanteng tao na kumikilos ng mapagmataas sa k
Read more

Kabanata 347

Gayunpaman, gusto pa din ni Alex na kumbinsihin siya.Subalit, pinigilan siya ni Dorothy at sinabi, “Hayaan mo na ito, hindi mo siya makukumbinsi. Wala kang ideya na ang aking kapatid ay isang hardcore fan ni Zendaya. Ang mga poster ni Zendaya ay nakadikit sa lahat ng kanyang mga pader at mayroon siyang album ng bawat isa nito.”“Noong nakaraan, siya ay pumunta mismo sa Virginia para lang makapanood siya ng concert nito. Ngayon na ang concert niya ay gaganapin sa California, paano na lang niya ito palalampasin?”“Kung tatanggi ka na pakawalan siya, makikipagaway siya gamit ang kanyang buong lakas.”Nakatitig si Alex kay Beatrice na may naguguluhang tingin habang sinabi, “Ganun ba talaga kahusay si Zendaya? Isang babae lang siya. Pagdating sa itsura, mukha ang iyong kapatid ay mas maganda pa sa kanya.”Patagong masaya si Dorothy. “Talaga? Sa tingin mo talaga na mas maganda ako kay Zendaya?”Sigurado si Alex. “Yeah, walang duda tungkol dito. Wala lang si Zendaya, hindi siya maikuku
Read more

Kabanata 348

”Nalaman ko ito ng hilutin ko ang mom ko dati,” Sabi ni Alex habang ngumiti siya. Ayaw niya sabihin sa kanya ang tungkol sa kanyang martial arts training, ang lahat ng ito ay masyadong maaga para sa ngayon“Kung gayon ano ito. Dapat mo akong hilutin ng mas madalas simula ngayon.”“Syempre.”Habang kalagitnaan ng massage session, sumugod si Claire sa kwarto. Akala niya na ang dalawa ay may ibang ginagawang bagay sa loob, kung kaya nanatili siya doon para bantayan sila sa buong session. Subalit, matapos makita kung gaano kaganda ang nararamdaman ni Dorothy, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at humiga din sa kama. Inutusan niya si Alex na bigyan din siya ng masahe.‘Para namang bibigyan kita ng masahe!’Napadura si Alex sa likod nito matapos na humiga si Claire.‘Sino ka ba sa tingin mo?’***Isang araw ang dumaan ng ganun na lang.Ang araw ay sumikat tulad ng karaniwan, ito ay isa nanamang maliwanag na Sunday.Ito din ay araw ng concert ni Zendaya, na gaganapin sa Califo
Read more

Kabanata 349

Nakita ang lalaki na tuluyang balot ang mukha at katawan, si Autumn at iba pang mga babaeng bodyguard ay kaagad na gumawa ng formation sa paligid ni Zendaya para protektahan siya.Si Norman ay inutusan si Bruse na magantabay din.Ang malaking parang toreng katawan ni Bruce ay kaagad na sumugod paharap at hinarangan ang lahat ng nasa likod.“Sino ka?” Mayabang na tanong ni Bunty habang nakatago sa likod ni Bruce.Katabi ni Bruce, na halos dalawang metro ang tangkad, si Bunty ay mukhang sobrang liit at cute. Ang kanyang itsura ay medyo higit sa karaniwan, ngunit siya ay masyado lang mataba...Higit pa dito, masasabi ni Alex na ang babaeng ito ay may sakit sa unang tingin. Ang kanyang katabaan ay dulot ng endocrine dyscrasia. Sa simpleng salita, siya ay klase ng babae na magiging mataba kahit na uminom lang ng tubig.“Kung hindi ako nagkakamali, ako ang siyang hinihintay niyo.” Sinuri ni Alex si Bunty sandali at lumingon kay Bruce.Base sa pagsusuri ng kanyang Chi na nilabas, si Br
Read more

Kabanata 350

”Kung gayon ikaw talaga. Alex Rockefeller, tama? Hindi ko inaasahan na kilala mo si Anna.”Pinapanood ang kanilang interaksyon, si Norman ay sobrang nainis, lalo na dahil ang dalawa ay mayroong secret codes sa pagitan nila, na para bang sila ay may tinatago. Siya ay lalo lang nagalit habang patuloy siyang nakatitig kay Alex.“Zendaya, ang lalaking ito ay naglakas loob na manilip sayo sa mga bintana na parang manyak! Talaga bang pagbibigyan mo siya ng ganun kadali?”“Ayos lang, hindi niya ito sinasadya. Atsaka, wala talaga siyang nakitang kahit na ano.” Gustong panatilihin ni Zendaya na payapa ang lahat. “Bunty, hindi ba’t sinabi mo na kailangan natin madaliin ang ating schedule? Tutal nandito na ngayon si Mr. Rockefeller, tara na!”Si Bunty ay kaagad na binigyan ng maduming tingin, na para bang mayroon siyang sama ng loob sa kanya. Tapos pinalakpak niya ang kanyang kamay at inutusan ang team na magmadaling bumalik sa trabaho.Si Zendaya, Bunty, isang babaeng bodyguard at Norman ay
Read more
PREV
1
...
3334353637
...
195
DMCA.com Protection Status