All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 281 - Chapter 290

1942 Chapters

Kabanata 281

Napatalon ang puso ni Pepper sa pagkagulat, subalit nagpanggap pa rin itong inosente. “Hindi… hindi ko naman sinasadya. Si Mr. Rockefeller kasi… ipinilit niya ang kanyang sarili sa akin.” Sabi niya habang umiiyak.Malamig ang ngiti ni Anna habang sinasabi, “Ah, ganon ba? Maipipilit ba talaga ni Mr. Rockefeller ang kanyang sarili sa iyo? Kahit na sampung kagaya niya pa ang magtangkang ipilit ang kanilang sarili sa iyo, sigurado naman akong kaya mo silang talunin nang kahit isang kamay lang ang gamit. Isang Intermediate-Royal ang ranggo mo bilang isang manlalaban. Ang galing mo namang magkunwaring para kang isang mahinang dalagita. Tignan mo nga ang hitsura mo. Para mapaisip mong kaya ng isang tulad niyang kalmutin ang iyong mukha para maging ganiyan, aba’y ang galing naman ng acting skills mo.” Kumibit ang mata ni Pepper. “Sino ka?”“Mula ako sa Divine Constabulary,” sagot ni Anna. “Narito ako upang magbigay sa iyo ng ilang katanungan, tara!”Nandilim bigla ang itsura ni Pepper nan
Read more

Kabanata 282

“Nasisiraan ka na ba ng bait, Pepper Kimmich?! Pakawalan mo ang tatay ko!” Sigaw ni Noah nang may namumulang mga mata. Subalit nang nakita niyang hindi ito tumatalab, nagmamadali niyang tinawag si John. “John, sabihin mo naman sa babae mong pakawalan na si Papa! Ano ba ang sinusubukan niyang gawin?”Nagsimula na ring magsigawan ang lahat nang dahil sa pagpa-panic.Napabuntong-hininga si John. “Pepper, pakawalan mo na ang tatay ko. Pag-usapan natin ‘to.”Napapahiyang tumingin man lang sa kanya, nakatuon ang paningin ni Pepper kay Alex at sinabing, “Nagulat mo talaga ako. Mukhang nasolusyonan talaga ng inyong ama na si William Rockefeller ang sikretong iyon at ibinigay sa’yo. Naloko niya kayong lahat.”Napatigil si Alex. “Anong sikreto?”Ngumiti si Pepper. “Huwag na kayong magpanggap na hindi ninyo alam. Papaanong magiging makapangyarihan ang mga ordinaryong tagapagmana na tulad ninyo? Sinasabi mo bang possessed kayo? Masyado kayong nagtatrabahong mabuti para sa mga Assex nitong nak
Read more

Kabanata 283

Hindi pinansin ni Alex ang mga insulto ni John.Habang tinitignan ang bangkay ni Bill, sunod sunod na bumalik sa kanya ang mga alaala mula pagkabata hanggang sa siya’y lumaki na para bang isang pelikula. Subalit wala ni isa rito ang nagpakitang naging mabuti ang pagtrato sa kanya ni Bill.Sa mga mata ni Bill, marahil ay walang wala si Alex kumpara kay Spark.Nang maalala niya ang ‘di kaaya-ayang itsura ni Bill noong isinumpa nito silang mag-ina, napagtanto ni Alex na hindi naman talaga siya gusto ni Bill.Kalmadong sumagot si Alex, “John Rockefeller, bulag ka ba? Malinaw namang si Secretary Kimmich ang pumatay sa kanya. Para naman sa kanya, alam ng lahat kung ano ang ginagawa niyong dalawa sa kwarto ng mga kasambahay. Hindi mo ito maisisisi sa akin!“At tungkol naman sa lalaking sinasabi mong lolo ko… Heh, anong klaseng lolo ang sasabihang ‘Mamatay ka na!’ sa kanyang apo?“John Rockefeller, kahit na puro yabang ka lang, siguraduhin mo lang din na hindi ikaw ang may pakana kung ba
Read more

Kabanata 284

Pagsapit ng 10:00 ng gabi ay pumasok sa isang high class na duplex apartment si Alex.Dito kadalasang namamalagi si Waltz. Hindi niya gaanong gustong manirahan sa villa dahil mas gusto niyang tumira mag-isa.“Alex, buti nama’t nakabalik ka na! Kumusta? Okay ka lang ba? Pinahirapan ka nanaman ba ng mga taga-Diving Constabulary?” Balisang tinanong ni Brittany sa sandaling nakita niya si Alex.Tinitigan ni Alex ang kanyang ina nang may halo-halong itsura at nagtanong, “Ma, ano ba talaga ang itinatago mo sa akin tungkol sa pagkamatay ni Papa? Pwede mo bang sabihin sa akin?”Natahimik si Brittany.“Namatay si Secretary Kimmich.” Pahayag ni Alex.“Huh?”“Namatay rin si Bill Rockefeller.”“Ano sabi mo?” Napatalon sa matinding pagkagulat si Brittany.Sumagot si Alex, “Namatay sila sa mga kamay ng mga Japanese na ninja. Lumalabas na isa ring ninja si Secretary Kimmich, at matagal na niyang minamataan ang mga Rockefeller. Sinabi niya sa akin na hindi ganoong kasimple ang pagkamatay ni P
Read more

Kabanata 285

Lumipas ang gabi. Mayroong mga nakatulog nang mabuti; mayroong mga hindi; mayroong mga nag-party lamang magdamag.Kinabukasa’y kumalat ang balita sa ibang mga social channel ng California. Pinatay ni Alex Rockefeller na isang abandonadong anak ng mga Rockefeller ang CEO ng Rockefeller Group na si Bill Rockefeller.Naging sanhi ito upang magalit ang publiko dahil hindi nararapat na patayin ng isang apo ang sarili nilang lolo o lola.Pagkatapos makita ang balitang iyon, nagulat ang lahat at nagsimula itong ibahagi sa ibang tao online. Sunod sunod ang reposts na nakukuha nito. Sa ganoong karaming mga share, marami ang nagsimulang pag-usapan ang katauhan ng bastardong apo.Subalit ay walang kaalam-alam si Alex kung ano ang nangyayari. Matapos niyang pataasin ang level ng kanyang Force, kinakailangan niyang sumailalim sa proseso ng Foundation Establishment upang mai-master niya ang basics, at ito ay isang mahabang proseso. Kasalukuyan siyang nasa tranquil state, at hindi pa siya nagigis
Read more

Kabanata 286

Pagkatapos ng buong araw, patuloy na kumalat ang balita na parang apoy. Nagawa pa nga ng ibang balita na mahukay ang personal na impormasyon ni Alex.[Ang manugang ng mga Assexes.][Traydor ang mga magulang niya.][Naging gulay na pasyente ang nanay niya.][Isa siyang talunan na katulong para sa mga Assexes.]Hinahanap din ng mga opisyales si Alex, gusto nila arestuhin ito.Si Brittany ay nasa apartment pa rin ni Waltz, nagscroll s a phone niya ng paulit-ulit. Binabasa niya ang mga tsismis na lumabas na parang tsunami sa internet. Nagalit siya pagkatapos magbasa ng mga insulto mula sa mga nang-aaway gamit keyboard. Malapit na siya sumabog."Sino iyon? Sino nagkalat ng tsismis?"Inalo siya ni Maya. "Mom, pakiusap at kumalma ka. Sino pa ba? Ang mga Rockefellers ang gumawa nito."Biglang tumayo si Brittany. "Hindi, hindi ko pwede hayaan na may kumalat na ganyan na tsismis sa internet. Kapag hinayaan ko, magiging daga lang si Alex, kinamumuhian ng bawat tao sa mundo na ito!"Noon
Read more

Kabanata 287

Sabik na si Waltz."Okay, pasukin na natin!"Naiinis na ko simula pa noong nakalipas na dalawang araw. Kailangan magbayad ng Rockefellers sa mga ginawa nila!"Umiling ai Alex. "Waltz, manatili ka dito kasama si Maya. Usapin ng pamilya ito, kaya kami na lang ni mama ang pupunta."Tumango si Brittany. "Tama iyon. Kahit na walang kaugnay ang tatay mo sa kanya, anak pa rin siya. Mali tayo kung hindi tayo mamamaalam."Ayaw makinig ni Waltz. "Brother, bakit ayaw mo ako dalhin sa masaya- oh, ibig kong sabihin, sa malungkot na kaganapan?"Sumagot si Brittany, "Waltz, tigilan mo nga magloko.""Oh, okay!" kailangan sumunod ni Princess Fleur sa utos ng empress.Nagsimula na ang burol sa Rockefeller Manor.Lahat ng Rockefeller ay nakasuot ng pandalamhati na damit.Nakaluhod sina Noah at Spark sa unang hilera, at sina Mariah, Olivia at Paige ay nakaluhod sa tabi nila.Ang mga batang henerasyon ng mga Rockefeller ay walang ibang ginagawa- magkakasama silang nakaupo, tinitignan ang phone
Read more

Kabanata 288

Si Brittany ay parang bang sinapian ni Khione, ang diyosa ng yelo papunta sa mga Rockefeller at kanilang mga bisita. Bawat kilos na gawin niya ay lalong nanlalamig habang ginulpi niya ang mga guwardiya sa kanyang daanan. Silang lahat ay nalaglag sa lapag, nabalot ng pamamanhid.Ang mata ni Spark ay sobrang nanlaki sa gulat. “G*go. Natutunan ba ng p*tang ito ang Ice Cold Touch? Kelan pa siya naging sobrang lakas?”Ang bibig ni John ay nanlaki. Matagal na siyang natatakot kay Brittany habang ang kanyang binti ay nanginginig sa takot.“Umalis ka sa daan!” Tinulak ni Brittany si John sa tabi nagsisisi at naglakad papunta sa kabaong ng dahan dahan.Hindi mapigilan ng lahat na tumitig. Walang sino ang naglakas loob na pigilan sila.Tapos pinulot niya ang bulaklak para ilagay sa kabaong ng namatay na si Bill.Biglaan, si Paige ay lumapit at sinampal ang bulaklak mula sa kamay ni Brittany. “Huwag kang kumilos na sobrang nagsisisi at malungkot. Kayong dalawa ay pinatay ang aking ama! Ang
Read more

Kabanata 289

Kinunot ni Alex ang kanyang kilay sa ideya, ‘Ang bwisit na batang ito ay hindi alam kung kailan tumigil. Sinabi ko sa kanya na huwag na pumunta pero nandito pa din siya. Nagdala pa siya ng sobrang daming taong kasama. Sinusubukan niya bang pabagsakin ang buong pamilya Rockefeller?’Subalit, alam na siya ay dahil sa kabaitan ng kanyang puso, hindi niya magawang masisi siya.Ang lahat ng mga bisita sa hall ay nagulat din.“Ang Thousand Miles Conglomerate ay nagbigay ng kanilang paggalang? Si Princess Fleur mismo ay pumunta din. Ang mga Rockefeller ay makapangyarihan kung gayon.”“Yeah, hindi ko pa narinig si Princess Fleur na nagbibigay ng kanyang paggalang kahit kanino, ngunit nagpadala pa siya ng isang daang gma wreath paa sa kanila! Mukhang ang mga Rockefeller ay nakikipagtrabaho kasama ng Thousand Miles Conglomerate at sobrang malapit din.”Sa gilid, tinanong ni Natalie sa pagkalito, “Si Princess Fleur? Hmph, ang engrandeng titulo naman. Ang lakas niyang tawagin ang kanyang sari
Read more

Kabanata 290

Hindi nila pinansin si Brittany o Alex kanina at sila ay takot na magpunta sa maling pamilya.Biglaan, isa pang nakakagulat na anunsyo ang dumating mula sa pintuan...“Si Lord Yowell ay dumating para magbigay ng kanyang paggalang!”Halata na ang announcer ay sobrang nagulat, ang kanyang boses ay nanginginig lalo pa habang hindi siya nag lakas loob na sabihin ang buong pangalan ni Keith.Katabi ni Keith ay isang dalaga na may malaking na dibdib na kontra sa kanyang mala sanggol na mukha.“M-Michelle Yowell?”Nabitawan ni Natalie ang kanyang phone.Hindi niya alam ang tungkol sa lakas ni Keith, ngunit pamilyar siya sa titulo ni Michelle— ang Little Devil— simula ng siya ay isang estudyante. Maraming babae sa California ang masaya maging miyembro ng Devil Coven.Ang Devil Coven ay hindi limitado sa mga estudyante sa California State University, maraming mha school ang may mga branch ng Devil Coven. Si Natalie ay matagal ng gusto na sumali sa club, ngunit hindi siya kailanman nagin
Read more
PREV
1
...
2728293031
...
195
DMCA.com Protection Status