All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 301 - Chapter 310

1942 Chapters

Kabanata 301

“Ano? Kanselahin ang lahat ng pakikipagsosyo?” Nagbago nang husto ang mukha nina Benny Assex at Madame Joanne. Ang kanilang mga tuhod ay nanlalambot, at halos hindi sila makatayo.Sa oras na ito, nagsisimula na sana ang kanilang mga proyekto. Upang makakuha ng mas mababang presyo, ang Assex Construction ay namili ng malalaking mga bulto ng materyales. Sa katunayan, ang pamumuhunan na kapital na ginawa nila ay mas malaki pa kaysa sa dati—pinamuhunan nila ang halos lahat ng mga pondo ng Assex Construction.Kung kakanselahin ng Waylon Realty ang lahat ng mga pakikipagsosyo sa Assex Construction, hindi na aabot ng isang buwan ang itatagal ng Assex Constructions.“Mr. Carter... P-Pakiusap, huwag kayong magbiro nang ganito sa amin. Pumirma na tayo ng kontrata. Paano mo magagawang tapusin ang ating pakikipagsosyo nang ganoon?“ Nauutal na sabi ni Benny.“Oo, Mr. Carter. Kung gagawin mo ito, kailangang magbayad ng malaking multa ang Waylon Realty upang mabayaran kami! Sigurado ka ba diyan?” Pan
Read more

Kabanata 302

Pinili ni Alex Rockefeller na sabihin kay Dorothy Assex ang tungkol sa nangyari. “Mahal, kailangan kong ilihim mo ang mga bagay na ito sa ngayon upang hindi maagang maipagtanggol ni John Rockefeller ang kanyang sarili,” dagdag niya.“Hindi ako mangmang.” Umiling si Dorothy.“Sasamahan rin ba sa’yo si Maya?” Bigla siyang nagtanong.“Um… oo,” sabi ni Alex.“Bigla siyang nagbitiw sa kanyang posisyon sa aking kumpanya kanina. Alam kong malamang ay may dahilan sa likod nito. Matagal ko nang alam na may nararamdaman siya para sa’yo. Mas gusto rin siya ng iyong ina kaysa sa akin. Ako…“ Biglang nagmukhang malungkot si Dorothy.“Ang mahalaga ay ikaw ang gusto ko. Oh, nga pala. Meron akong ibibgay sa’yo,“ sabi ni Alex.Kumuha siya ng Blood Energy Pill.“Ano ito?” Tanong ni Dorothy.“Ito ay… regalo mula sa isang matanda. Ito ay tabletang nagpapalakas sa iyong katawan at nagpapaganda ng iyong balat.“ Handa si Alex na tulungan si Dorothy na umusad sa ranggo ng Royal sa martial arts upang maipagtan
Read more

Kabanata 303

Si Alex Rockefeller at ang natitira ay hindi mapigilang lumingon upang tumingin kay Hailey Lawson.Siya ang boss dito. Malamang alam niya kung anong nangyayari, ‘di ba?Gayunpaman, ang mga mata ni Hailey ay ganap na nakadilat. Para siyang kinakabahan at natatakot. Sa katunayan, siya ay kasing clueless tulad ng iba.Halos kalahating taon na mula noong huling bisita ni Hailey dito.“Sino kayo? Nasaan ang mga manggagawa sa pabrika? Sino ang taong namamahala? Saan nagpunta ang lahat?” gulat na tanong niya.“Ako ang taong namamahala. Ito ang mga taong nagtatrabaho dito. Anong problema? Naghahanap ka ba ng mga tauhan? Marami kami dito. Pumili ka. Garantisado ang kasiyahan mo,“ sabi ng lalaking may isang mata at nagsimulang tumawa.“Bantayan mo ang iyong pag-aasal.” Umirap si Alex.Mas lalo pang tumawa ng lalaking may isang mata, gayundin ang natitirang grupo ng mga tao sa likuran niya.Bigla namang tinitigan ng lalaking may isang mata si Alex. “Asal? Tigilan mo na ang inyong pag-arte. Ipinad
Read more

Kabanata 304

“Tingnan mo mismo!” Sinabi ni Alex Rockefeller.Tumakbo kaagad si Hailey Lawson upang tumingin. Agad siyang nagalit.Walang sinumang tao sa loob. Ang higit na hindi kapani-paniwala ay ang katunayan na ang mga pipeline machine, mesa, at lahat ng iba pa ay hindi organisado at nakasalansan sa isa't isa. Maraming mga kutson na nakalapag kasama ng mga basura sa sahig.Nagmukhaa na itong kampo ng mga refugee.“Nasaan si Terry Golan?” Tinanong niya ang isa sa mga lalaki.“Sino si Terry Golan?” Sagot naman ng lalaki.“Si Terry Golan ay ang dating manager ng pabrika. Matagal na siyang tumakas.“ May bumulong.Tila mas naging kakaiba na ang mga bagay ngayon.Kapapadala lang ni Hailey ng pera kay Terry noong nakaraang buwan!Tinawagan niya kaagad si Terry sa phone. “Terry Golan, nasaan ka?”“MS. Lawson, nasa pabrika ako!“ Magalang niyang sinabi.“Nasa pabrika din ako. Pumunta at makipagkita ka sa’kin ngayon.“ Galit na bigkas ni Hailey.Binaba agad ni Terry ang phone.Nang subukang tawagan muli ni
Read more

Kabanata 305

“P*ta. Si Favonius Bart.”“Ang dami niyang dalang tauhan. Saan niya sila nakuha?“Nagulat ang mga tauhan ng lalaking may isang mata nang makita nila si Favonius at ang kanyang gang na dumating. Nagsimula silang bumulong nang marahan sa kanilang sarili.Si Hailey Lawson ay tila mas kinilabutan.Nang makita niya ang grupo ng limampung lalaki kanina, ang kanyang mga tuhod ay nanghihina na. Ngayon ay doble ang dami ng mga lalaki, at ang ilan sa mga lalaking ito ay meron pang mga kutsilyo sa kanilang mga kamay—mga kutsilyong ginagamit sa mga prutas, pangkatay ng mga baboy, at pang-bulsa na mga kutsilyo. Ang mga taong ito ay mukhang mas propesyonal at nakakatakot kaysa sa gang ng lalaking may isang mata.Hindi mapigilan ni Hailey na lumipat palapit kay Alex Rockefeller habang hinawakan ang kanyang braso. “Alex, anong gagawin natin? Ang dami nila.“ Nanginginig ang boses niya habang nagsasalita.Naamoy ni Alex ang kanyang makeup, at biglang nanigas ang kanyang katawan. Maya-maya, mahina siyang
Read more

Kabanata 306

Napakahusay ni Alex Rockefeller sa pagkontrol sa anggulo ng pagpapaikot.Ang kinalabasan, si Favonius Bart ang sumalo ng lahat ng mga atake ng kutsilyo sa halip na si Alex. Mukhang medyo masakit ito. Sa loob ng maikling panahon, si Favonius ay nagdusa ng hindi mabilang na mga sugat ng kutsilyo. Ang pinakaapektadong bahagi ay ang kanyang puwet. Napuno ito ng dugo.“Tigil, tigil! Huwag ninyong gamitin ang inyong mga kutsilyo! Huminto kayo sa paghiwa sa akin!” Nakakaawang sigaw ni Favonius.Mahigit sa isang daang mga lalaki ay inilapag ang kanilang mga sandata at nagkatinginan.Matapos magpasyahan na si Favonius ay totoong duguan na, tinulungan ni Alex na lunasan nang kaunti ang kanyang mga sugat bago siya itapon sa lupa. Pagkatapos, sumugod siya sa grupo ng mga kalalakihan at pinagana ang kanyang Mystic Armor. Ang normal na pag-atake ng kutsilyo ay hindi epektibo sa kanya. Si Alex ay parang tigre sa grupo ng mga tupa, at ito ay halos walang kahirap-hirap na pakikipaglaban para sa kanya.
Read more

Kabanata 307

Ano ang Chi energy?Panimula itong naiiba mula sa panloob na puwersa ng isang martial artist.Samakatuwid, tulad ni Alex Rockefeller, ang babaeng ito na nakasuot ng uniporme ng mandaragat ay isang manglilinang din.Gayunpaman...Hindi umatras si Alex sa harap ng kanyang mabangis na suntok. Sa halip, tumayo siya at hinayaan siyang suntukin ang kanyang dibdib.Pagkatama, kitang-kita niya ang malamig na pagngalit ng dalaga. Gayunpaman, ang lakas ng kanyang energy ay nabawasan ng kalahati...Marahil ay natatakot siya na baka mapatay niya ito sa isang suntok. Iyon ang dahilan kung bakit pinigil niya nang kalahati ang kanyang lakas.Bang!Isang malakas na banggaan ang maririnig.Bukod sa suot niyang shirt na medyo nasunog, si Alex ay mukhang kalmado at hindi apektado.Ang kanyang katawan ay parang pader na hindi gumalaw.“Ano? Paanong hindi ka naapektuhan?“ tanong ng babae gamit ang malinaw at maliwanag na boses, malinaw na naguluhan.Sa sandaling ito, itingil ng lahat ang ginagawa nila at i
Read more

Kabanata 308

Nagsimulang manginig ang lupa sa baba nila dahil sa epekto ng kanilang Chi energy. Ngayong wala nang ibang mapuntahan ang enerhiya, sa wakas ay lumitaw ang mga bitak sa ibabaw ng lupa, at maririnig ang mga tunog ng kaluskos.Laking gulat ni Holly Yates.Talagang natiis ni Alex Rockefeller ang kanyang suntok.“Dapat mo ring subukang tumanggap ng suntok mula sa akin,” sabi ni Alex.Dragon-Tusk Punch!Boom!Kinuyom ni Alex ang kanyang kamao at sinuntok si Holly.Mabilis na tinipon ni Holly ang kanyang Chi energy upang tanggapin ang kanyang suntok.Matapos ang malakas na pagsabog, umatras si Holly ng pitong hakbang paatras. Sa wakas, nagawa niyang tumayo nang tuwid na may kahila-hilakbot na ekspresyon sa mukha. Bigla siyang dumura ng kanyang suka.Nang ang Chi energy ni Alex ay dumaloy sa kanyang katawan, ginulo nito ang kanyang mga laman-loob at naging sanhi ng pakiramdam niyang maduwal.Nagulat si Holly, ngunit mas lalo pa si Alex.Masasabi niya kanina pa na si Holly ay nagdurusa mula sa
Read more

Kabanata 309

Nagdilim ang mukha ni Alex Rockefeller. “Hindi ako interesado sa mga bata,” aniya.Ngumuso si Holly Yates. “Sabi na nga ba. Ang mga lalaking tulad mo ay interesado sa mga babaeng tulad ni Boa Hancock. Anong maganda sa kanya? Kakaiba ang hubog ng kanyang katawan. Nakakabagabag kahit paglalakad lang niya.“Natigilan sandali si Alex.Sino si Boa Hancock?Ngunit hindi na ‘yon mahalaga.“Halika. Mag-usap tayo sa ibang lugar,“ sabi ni Alex.Hinila ni Alex si Holly sa sulok upang makipagkasundo.“Mom, anong ginagawa niya? Sinusubukan ba niyang kumidnap ng batang babae?“ Mahinang bulong ni Maya Howards kay Brittany Rockefeller.Tiningnan ni Brittany ang grupo ng mga nagtatrabaho bago tumango. “Mukhang malakina ang pinagbago ni Alex sa buong panahong ito,” aniya.***“Ang isyu mo ay masyadong seryoso. Hindi ito bagay na maaaring maayos sa maikling panahon. Iyon ang dahilan kung bakit, ang gantimpalang nais ko ay hindi bagay na maaari mong pagpasyahan. Kailangan kong makita ang iyong mga magula
Read more

Kabanata 310

Mga miyembro sila ng underworld, hindi mga janitor!Dahil higit sa dalawang daang mga tao ang nagtutulungan, hindi nagtagal ay nagawa nilang baguhin ang pabrika. Gayunpaman, ang mga gumuhong pader, kinalawang na gate, hindi pantay na sahig at nasirang mga gusali ay hindi mga bagay na maaaring maayos agad.Kailangan pa nilang magtrabaho sa pagsemento, pag-sanding at pamimili ng mga pintuan at bintana mula sa mga supploer, bukod sa iba pang mga bagay.Ngayon, papalapit na ang dapit-hapon.Ang grupo ng mga tao ay nagtatrabaho nang husto, at wala silang kahit isang patak ng tubig na maiinom. Marami sa kanila ang nagpipigil sa kanilang ihi. Natatakot silang mahuhuli sila ni Alex Rockefeller na hindi nagtratrabaho at baka bubugbugin niya sila. Napakamalas nga naman talaga ‘pag ganoon.Habang tiniis ng mga taong ito ang kanilang kagutuman at nagpipigil ng galit, may trak na nagmamaneho papasok sa compound.Agad na naamoy ng lahat ang mabangong pagkain sa hangin at nagsimula na silang maglaway
Read more
PREV
1
...
2930313233
...
195
DMCA.com Protection Status