Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1221 - Kabanata 1230

1942 Kabanata

Kabanata 1221

Lunok!Pumasok sa tiyan ni Bennett ang tableta ng itim na parasitic worm nang walang anumang hadlang. Hindi nagtagal, kumilos na siya tulad ng kanyang ina, kinakalmot ang sarili habang gumugulong-gulong sa lupa at tumataghoy sa langit.Lumabas na kapag ang parasitic worm ay nakapasok sa tiyan ng isang tao, hindi na mahalaga kung halos Grandmaster na o namamatay na matandang babae ang biktima, pareho lang ang resulta.Nang makakita ng ganoong kalunos-lunos na eksena, hindi naiwasang maramdaman ng iba pang Melvis ang paglamig ng kanilang dugo.Klik!Pinitik ni Alex ang daliri niya.Agad na tumahimik sina Ruby at Bennett at biglang nawala ang kakaibang pangangati sa kanilang katawan kanina. Gayunpaman, nang tingnan nang mabuti ng dalawa ang kanilang sariling sikmura, isang malakas na hiyaw ang kanilang pinakawalan. Sa ibabaw ng kanilang mga tiyan ay puno ng mga duguang sugat na dulot ng pagkalmot sa kanilang mga sarili. Malubha silang sugatan, isa itong kakila-kilabot na tanawin.Ang mas
Magbasa pa

Kabanata 1222

Nang makitang iniligtas ng mag-ina ang kanilang sari-sariling mga mukha sa gayong paraan sa harap ng sitwasyon ng buhay at kamatayan, hindi napigilang mapabuntong-hininga ang mga katabi nila.Ikinaway ni Alex ang kanyang kamay. “Tama na. Huwag na kayong magpasa-pasahan dito. Walang saysay iyan kahit anong iwas ninyo pa sa responsibilidad! Susunod, bibigyan ko kayo ng tatlong buwan. Kailangan ninyo pumunta sa libingan ng aking lola at ibagsak ang inyong mga ulo sa lupa araw-araw upang pagsisihan ang mga kasalanan ninyo. Pagkalipas ng tatlong buwan, magpapasya ako kung gugustuhin ko bang alisin ang mga parasito depende kung gaano ninyo ako sinunod.”Napatulala si Bennett. “Aabutin... aabutin ng tatlong buwan?”“Kung gayon, maaari mo bang pigilan ang mga parasitic worm sa pag-atake sa amin sa loob ng tatlong buwang ito?”Ungol ni Alex. “Anong pinagsasabi mo? Parusa iyan sa inyo. Tandaan ninyo, ang libingan ng aking lola ay nasa Lofty Hill Cemetery sa Long Beach. Puwede bang umalis na kayo
Magbasa pa

Kabanata 1223

“Lolo?”Biglang natawa si Alex nang marinig ang salita. Pagkatapos, sinabi niya, “Wala sa bokabularyo ko ang salitang ‘lolo’! Hindi kailanman nagkaroon iyon ng eksistensya sa nakaraan at ganoon din sa hinaharap. Wala akong pakialam sa pamilyang Melvis!”Pagkaraan ng ilang sandali ay inutusan niya si Nickolas. “Dadalhin ko sa’yo ang tableta bago sumapit ang gabi bukas. Para naman sa naunang pangako, gumagana pa rin iyon!”Pagkasabi nito, lumabas na sina Alex at Auntie Rockefeller sa tahanan ng pamilyang Melvis.Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita nila si Zachary na may kabadong ekspresyon sa pasukan.Kinakabahan siyang lumilingon-lingon sa pasukan, parang gusto niyang tingnan ang sitwasyon sa loob.“Uncle Zachary, hindi ka pa rin nakatiis na huwag pumunta!” Sabi ni Alex habang tumatawa.Agad namang nakahinga ng maluwag si Zachary nang makitang buo pa rin si Alex paglabas. Aniya, “Nag-aalala ako na baka may mangyari sa’yo! Maraming mga bihasang martial artist sa pamilyang Melvis, at
Magbasa pa

Kabanata 1224

“Hinanap ng aking anak, si Soraya Melvis, sina Shaun Baker at Lochlan Glen upang iligtas si Tucker Melvis sa California bago nito. Nakabalik na ngayon si Tucker, ngunit anong nangyari sa anak ko? Nag-aalala ako sa kanya!”Habang pinag-uusapan ito, naubusan ng salita si Zachary.Napatingin siya kay Lexia, nakanganga ang kanyang bibig. Bigla na lang siyang nagsisi na pumasok siya roon.“Guardian Xavier, bilisan mo at magsalita ka!”“Siya... Um, ayos lang siya sa ngayon. Makakatiyak ka na mag-iisip ako ng paraan para maibalik siya.”Sa katunayan, pumunta lang si Zachary para alamin kung anong ginawa ni Alex sa mga tao doon. Halos matawa siya nang makitang kasing itim ng uling si Grandmaster Samberg. Ngayon, nakumpirma niyang si Alex nga ay apo ni Geronimo Melvis. Bukod dito, ang mga naglason ay sina Ruby Lamar at Bennett Melvis. Kaya naman, lalo siyang nagtiwala na si Alex ang magiging presidente ng Divine Constabulary.Para naman sa iba pang mga bagay, maaari itong harapin sa ibang pagka
Magbasa pa

Kabanata 1225

“Mm, mm—” natigilan agad si Alex.Nabigla at napatulala siya.Nanlaki ang mga mata niya habang nanginginig ang mga binti niya sa sobrang takot. Nalaglag ang puting tuwalya na nakapulupot sa kanyang katawan.‘Ito... may mangyayaring hindi kaasam-asam!’Hindi maikakailang maganda at karismatiko si Auntie Rockefeller. Ang kanyang pabago-bagong ugali ay magiging sanhi ng mabilis na pagtibok ng mga puso ng mga tao at pagkulo ng kanilang dugo. Napapaisip din siya kung kapatid ba talaga nito si William Rockefeller. Pero, paano kung ganoon na nga talaga? Kung tunay niyang tiyahin ito, tatamaan talaga siya ng kidlat!Lumipas ang sampung segundo, naramdaman niya ang alak na hininga mula sa bibig ni Auntie Rockefeller na pumasok lahat sa kanyang tiyan.Sa sumunod na segundo, malakas niya itong tinulak palayo at sumigaw, “T*ngina, baliw ka na ba?! Bakit, Bakit mo ginawa iyon... Sa tingin mo ba talaga ikaw si Shooriyojou?!”Higit sa lahat, bahagya siyang natakot. Natatakot siya na baka mahulog siya
Magbasa pa

Kabanata 1226

“Tucker, ikaw… kalokohan lang ‘yan ng iba. Paano mo nagawang isipin iyan…”Gusto siyang pagsabihan ni Jensen ngunit biglang bumuka ang bibig ni Duncan sa gilid. “Oo, Tucker. Ako ang tunay mong ama!”Nagulat si Jensen. “A-anong ginagawa mo?”Sabi ni Duncan, “Annie, katapusan na nina Bennett Melvis and Ruby Lamar. Hindi na natin kailangang matakot sa kanila! Tingnan mo, nahawa na sila ng parasitic disease ng Canyonland. Walang nakakaalam kung makakaligtas pa sila mula roon. Sa tingin mo ba, basta-basta silang tatantanan ni Brianna Melvis? At saka, sa lahat ng tao ay ikaw ang nakakaalam ng pag-uugali ng pinuno ng pamilyang Melvis. Ganap niyang kinahuhumalingan si Brianna. Kapag nalaman niya ang nangyari, kahit na hindi sila patayin ni Brianna, papatayin pa rin sila ng matanda.”Malapit nang himatayin si Tucker.“Pero, magpinsan kayo. Paano ninyo iyon nagawa? Hindi ba kayo natakot na baka maging bata ako na may sakit sa pag-iisip? At, yung kapatid ko, anak mo rin ba siya?”Si Tucker ay mer
Magbasa pa

Kabanata 1227

Dalawang beses na sumulyap si Alex kay Auntie Rockefeller.Talagang sinabi nito na silang dalawa ay si Shooriyojou at ang Condor Hero. Anong ipinahihiwatig niya? O, masyado ba siyang nadala at nagbibiro lang siya?Sa kabilang banda, nang sinabihan ni Auntie Rockefeller ang binata mula sa pamilyang Seay na lumayas, lubhang nakakahiya iyon para sa binata.Kumunot ang noo nito at tumingin sa kaliwa.Dalawang lalaki at dalawang babae ang nakaupo sa posisyong wala pang sampung metro ang layo sa kanya. Lahat sila ay pinagmamasdan siya!Kaibigan niya ang apat na taong iyon. Lahat sila ay prestihiyosong kabataang tagapagmana sa Alaska. Gayunpaman, ang binata ay miyembro ng pamilyang Seay. Ito ang mismong pamilyang Seay, isa sa walong maharlikang pamilya sa Amerika. Kaya naman, sa tuwing magkasama sila para magkatuwaan, ang iba ay tumitingala sa kanya at nakikinig sa kanyang mga utos.Ang iilan sa kanila ay nag-aalmusal kanina. Nang dumating si Auntie Rockefeller, nagulat sila.Agad na sinabi n
Magbasa pa

Kabanata 1228

Ang mga security guard, na naghihintay sa utos ni Noelle, ay agad na pinalibutan ang dalawang tao.May sumigaw, “Ang lalakas talaga ng mga loob ninyo, ano. Sinaktan ninyo pa nga si Young Master Seay. Katapusan ninyo nang dalawa. Bilisan ninyo at tumayo na kayo. Lumuhod kayo sa harap ni Young Master Seay at iyuko ang inyong mga ulo sa lupa bilang paghingi ng tawad. Malay ninyo, pagbigyan pa kayo ni Young Master Seay at hayaan kayong manatiling buhay.”Inubos ni Alex ang kanyang gatas sa isang lagok.Bahagya niyang sinulyapan ang mga security guard. “Ganito ba ang hospitality sa hotel ninyo? Sinasabi ninyo bang puwedeng bastusin ng lalaking ito ang mga babaeng bisita dito dahil lang nagmula sa pamilyang Seay ang lalaking ito, ang batang tagapagmana ng hotel na ito? Kung gayon, maigi pang ipasara ninyo na lang ‘to!”Lumakad si Noelle habang humahampas sa sahig ang kanyang mataas na takong.Napakatangkad ng babaeng ito. 5’6” ang taas niya. Pagkasuot ng mataas na takong, umabot na siya sa 5
Magbasa pa

Kabanata 1229

Napatawa nang malakas si Shane dahil sa mga salita ni Auntie Rockefeller.“Hangal na babae, hindi ko alam kung saan mo narinig ang pangalan ng pinsan kong si Nick Seay. Ngunit kung sa tingin mo ay makakaiwas ka ng bala sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan ng pinsan ko, kung gayon, masasabi ko lang sa’yo na bibiguin kita.”“Naglakas-loob ka talagang sabihin na sinampal mo ang pinsan ko hanggang sa mamatay siya. Alam mo ba kung nasaan ngayon ang pinsan kong si Nick Seay?”“Hayaan mong sabihin ko sa’yo. Pumunta siya sa California kasama ang young master ng pamilyang Melvis, si Tucker Melvis. Hinahamon kitang pumunta ka roon at sampalin siya hanggang kamatayan! Maswerte ka kung hindi ka niya mauuto patungo sa sarili mong kamatayan. Hangal!”Pagkatapos magsalita, tumawa ulit si Shane.Maging ang mga ekspresyon ng iilan niyang kaibigan ay puno ng pangungutya.Para naman sa lobby manager, si Noelle Fan, na nakaluhod sa sahig, wala siyang pakialam sa mga taong iyon.“Hangal? Ako ba ang tin
Magbasa pa

Kabanata 1230

“May malaking magaganap!”“Talagang naglakas-loob ang babaeng iyon na putulin ang binti ni Young Master Seay. Maharlika ang taong iyon!”“Nangangamba akong magkakaroon ng malaking labanan kung magagalit ang mga Seay!”“Noong nakaraan, narinig ko na ang ikatlong young master ng pamilyang Seay ay sinampal ng taga-Swiss Tiger Corporation ng pamilyang Leornado. Security guard pa nga ang taong iyon. Dahil dito, tatlong araw na nakasabit sa dingding ang bangkay ng security guard at wala na rin ang buong Swiss Tiger Corporation. Ang dalawang taong ito... Hay, hindi ako sigurado kung makakaligtas pa sila kung magtatangka silang tumakas ngayon?”Gayunpaman, hindi naisip nina Alex at Auntie Rockefeller na tumakas sa eksena.Kaagad namang ikinaway ni Auntie Rockefeller ang kanyang kamay sa dalawang security guard para sabihan na lumayas ang mga ito. Sabi niya kay Shane, “Ano? Kuntento ka na ba sa paninilbi ko sa’yo? Mula ngayon, maaari ka na lamang umupo sa wheelchair at doon gugulin ang buhay mo
Magbasa pa
PREV
1
...
121122123124125
...
195
DMCA.com Protection Status