All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1211 - Chapter 1220

1942 Chapters

Kabanata 1211

Bumilis ang tibok ng puso ni Alex nang marinig ang pangungusap na iyon mula kay Auntie Rockefeller.Walang alinlangan tungkol sa kagandahan ni Auntie Rockefeller.Nasa paraan kung paano niya dinadala ang kanyang sarili kung saan kahit na ang pinakamayaman sa mga mayayaman at sikat ay hindi makakaasa na maabot nila ang ganoong klaseng kumpiyansa.Para siyang mga ulap sa abot-tanaw, nabahiran ng malambot na kulay at patuloy na nagbabago, hindi kailanman mahuhuli o magiging kontrolado, kaya’t ang lahat ay maaari lamang humanga at sambahin ang gayong kagandahan.Kaya niyang gampanan ang pagiging astigin at sopistikado, gayundin ang pagiging malambing at maganda. Minsan masaya siyang kasama, ngunit sa ibang pagkakataon, nakakainis din.“T-tumigil ka sa pagbibiro ng ganyan!” Mabilis na sinira ni Alex ang tinginan nila sa mga mata.“Heh, siyemre, nagbibiro ako. Tiyahin mo ako, pagkatapos ng lahat! Huwag na huwag mong hahayaang mahuli kitang nag-iisip tungkol sa anumang bagay maliban doon, o b
Read more

Kabanata 1212

Ngumiti si Alex pero nanatiling tahimik.***Alas onse ng tanghali nang lumipad ang isang helicopter mula sa paliparan ng California, dumidiretso sa Moonlight Lake.Sa flight ay nakaupo sina Soraya Melvis, Shaun Baker ng Four Great Guardians, at isang grandmaster mula sa pamilyang Melvis na nagngangalang Lochlan, at dalawang kalahating hakbang ang pagitan sa pagiging Grandmaster.Hindi nagsikap ang pamilyang Melvis sa paghahanap kay Tucker.“Halika na. May isang oras pa. Baka umabot pa tayo!” Sabi ni Soraya.Nagmamalasakit siya dahil pinsan pa rin niya yung dinukot.“Miss Soraya, hindi na kailangang mataranta. 20 minuto lang ang kailangan bago makarating sa Moonlight lake sa pamamagitan ng helicopter. May oras pa tayo para halughugin ang lugar!”Tumawa si Shaun. “Glen, masyado kang seryoso. Pareho tayong grandmaster. Kasama ang dalawang malapit nang maging grandmaster, walang lugar ang hindi natin maabot. Alam mo, kakaibang mismong si Bennett ay hindi sumama. Hindi ba niya gustong ilig
Read more

Kabanata 1213

“Ano? Zachary, bakit nandito ka rin?”Labis na nagulat si Soraya sa sitwasyon. Ibang-iba ito sa naisip niya.Agad namang huminto si Lochlan na namukhaan si Zachary at nagsalubong ang mga kilay niya. “Zachary, anong sinasabi mong mamamagitan kaka? Ibig sabihin kilala mo rin yung kidnapper?”“Hindi siya kidnapper kundi ang elder ng Divine Constabulary. Siya rin ang apo ng presidente ng Constabulary!” sabi ni Zachary.Nag-aalala si Zachary na baka magkaroon ng gulo, lalo na’t sariwa pa ang hidwaan nina Alex at Shaun.Malabo talagang hindi maiwasan ang hidwaan dahil sa unang engkwentro na iyon.“Ano?” Napabuntong-hininga si Soraya, hindi maproseso ang impormasyong ito.Natahimik ang iba.‘Kung malalaman ni Ruby Lamar ang tungkol kay Soraya na hindi nagplano ng pagpatay sa grupong iyon dahil sa mga salita ni Zachary, ano kaya ang magiging reaksyon niya?’Gayunpaman, hindi niya kailanman inakalang pupunta si Zachary, sa lahat ng lugar, dito.Nagmamadaling sabi ni Shaun, hindi pinipigilan ang
Read more

Kabanata 1214

Nang walang anumang pasabi, ang barko, at ang mga tauhan nito ay naglaho lahat. Tumalsik at nahulog siya sa lawa, batid sa kanyang mukha ang pagkalito. “Saan sila pumunta?”Ganoon din ang nangyari kay Shaun habang sumusugod siya patungo sa bangka. Parehong si Zachary at ang bangka ay misteryosong naglaho rin.Tumingin siya sa paligid ngunit wala siyang nakitang bakas ng bangka kahit saan.“Kalokohan ito!”“Shaun, nangyari rin ba sa’yo? Parang dumiretso ka sa salamin nang walang nakikitang tao?”“Eksakto! Anong pakulo ‘to?” Sumigaw si Shaun, nauutal.“Ilusyon, malamang isa itong ilusyon!” sigaw ni Lochlan habang bumubulusok mula sa tubig, basang-basa ang kanyang damit at gulo-gulo ang kanyang buhok. “Sabi mo psychic user siya, diba? Mahusay silang gumamit ng mga ilusyon, kaya tiyak na lumikha siya ng kapaligiran ng ilusyon, at nahuli tayo dito!”“Anong gagawin natin ngayon? Glen, hindi ba dapat expert ka sa mental power?”Tumango si Lochlan. “Wala akong ideyang malakas pala ang mental p
Read more

Kabanata 1215

Boom...Alas tres ng madaling araw, ang tunog ng pagbagsak ng pinto ng Melvis manor ay masyadong malakas para hindi mapansin. Narinig ito ng mga pamilya mula sa daan-daang metro ang layo at nagulat sila, sa pag-aakalang may sumabog.Nalaglag ang panga ni Alex.Hindi dahil sa sobrang ingay, kundi dahil sa teknik na ginamit ni Auntie Rockefeller. Maganda ito, na ginawa habang suot ang maong at itim na bota. Perpekto ang sipang iyon.“Auntie, ano ang tawag sa istilong iyon?”“Beauty’s Heart Sutra.”“Ah…”“Babae lang ang makakapag-aral ng ganitong isitlo kaya kalimutan mo nang makokopya mo ‘to, pero ang ganda, ano? Ang pamamaraan na iyon ay tinawag na Jade’s Graceful Kick! Gusto mo bang subukang gawin ito?”“...”Kapit-bisig si Alex, nagmartsa si Auntie Rockefeller sa lugar nang walang pag-aalinlangan.Si Ruby Lamar ay kasalukuyang nasa silangang bahagi ng tahanan ng pamilyang ni Melvis. Isang babaeng may edad na, kahit na nag-aalala para sa kaligtasan ng kanyang apo, si Tucker, hindi na n
Read more

Kabanata 1216

Pagkatapos lumabas ng huling salitang sa kanyang mga labi, isang pigura ng tao ang lumitaw sa kwarto na parang kidlat.Ang taong iyon ay si Samberg, na tumakbo kanina para tingnan ang pinto.Parang kalalabas lang niya sa oven, itim na itim ang damit niya, at sunog ang mukha at buhok niya.“Ahhhh!!!”“Samberg, anong nangyari sa’yo?”Si Samberg ay malayong kamag-anak mula sa panig ng pamilya ni Lexia, at siya ay medyo malakas na grandmaster. Kahit si Lexia ay tinatawag siyang master. Ngunit ang makita siyang ganito ay naging dahilan para pagpawisan ng malamig ang mga tao, napagtatanto kung gaano kalakas ang kalaban.Si Alexis, isa pang malakas na grandmaster, ay hindi rin mukhang maganda ang mood.“Madame, malubha ang sitwasyon. Makapangyarihan ang kalaban. Isa siyang cultivation guru, at bihag pa niya si Mr. Tucker. Imposibleng mapigilan sila ng mga martial artist ng pamilyang Melvis. Agad kitang ilalayo dito sa tahanan ng pamilyang Melvis para mapanatili kang ligtas,” sabi ni Samberg n
Read more

Kabanata 1217

“Kalo… Kalokohan iyan!”“Ikaw ang baog! Kaya ko pa ngang bumuhat ng dumbbells sa edad ko!”Nabulag si Bennett sa galit. Anong higit na nakakahiya sa isang tao kaysa sa maakusahang hindi tinitgasan?Sumabog sa galit si Ruby Lamar. “Tumigil ka nga sa pagsisinungaling mo! May dalawang anak ang anak ko! Anong ibig mong sabihin na baog siya? Sino ka? Baliw ka ba? Napakalakas ng loob mong pumasok sa tahanan ng pamilyang Melvis at magdulot ng gayong kahihiyan! Malamang pagod ka nang mabuhay!”Marahang umiling si Alex. “Isa lang ang ibig sabihin niyan, na hindi sa’yo ang dalawang apong tinutukoy mo. Kung hindi ka naniniwala sa akin, huwag kang mag-atubiling magpa-DNA test.”Pagkatapos ng maikling sandali, sinipa niya ulit si Tucker. “Sige, larga na. Kung anak ka talaga ni Bennett, patay ka na sana. Pero dahil hindi, handa akong palayain ka. Makakaalis ka na dito!”Kung siya ang Tucker mula kanina, kinuha niya na ang pagkakataong ito nang walang pag-aalinlangan.Alam ng Diyos kung gaano niya hi
Read more

Kabanata 1218

Paliwanag ni Alex. “Hindi ninyo naman ako kailangang katakutan nang sobra. Wala akong masyadong gagawin sa’yo... sa ngayon. Gusto ko lang linawin ang isang bagay! Apatnapu’t limang taon na ang nakalilipas, ikaw ba ang pumilit na ipainom ang nilasong alak kina Yvonne Wilmer at Brittany Rockefeller?”Matalas ang boses niya, halatang humihingi ng sagot.Nang matapos si Alex, nagsimula ang hindi mapigilang panginginig ng mga binti ni Ruby, na parang isang buong bundok ang pumasan sa kanyang mga balikat. Halos hindi na siya makatayo.Si Lexia ay nagpaplanong tumawag ng back-up mula sa Divine Constabulary at higit pa mula sa Alaska para ma-corner si Alex.Gayunpaman, sa tanong ni Alex, natigil ang kanyang pagaplano.‘Ano ang sitwasyong ito?’Tinitigan niya si Alex, habang umiikot ang mga turnilyo sa kanyang ulo.Kung anong nangyari noon... malinaw niyang naalala ang lahat.Nawala sina Yvonne at Brittany sa isang napakabagyong gabi. May signal pa nga noon. Nabalitaan niyang nakahanap ang Red
Read more

Kabanata 1219

Nanlaki ang mga mata ni Lexia at gulat na napatitig kay Alex.“Siya... Siya ang anak ni Madame Brianna?”Sa sandaling iyon, natahimik si Lexia saglit, ngunit naririnig ni Alex ang mabilis nitong paghinga. “Maghanap ka ng nagngangalang Nickolas. Hindi ko alam kung nandiyan pa siya, pero kung sakali man, baka mabigyan ka niya ng mga sagot.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, ibinaba niya na ang tawag.Ibinaba niya ang phone, humihinga nang malalim. Madali para sa matalinong babae na tulad niya na malaman ang ilang mga bagay. Hindi lang siya kailanman nangahas na paniwalaan ito.***Pagkababa ng telepono, sarado ang ekspresyon ni Alex, natigilan sa sinabi ng kanyang ina—‘Kung talagang may naglason noon, sinong malupit na pipilitin ang isang sampung taong gulang na inumin iyon? Si Geronimo Melvis? Iyon ay tila hindi masyadong kapani-paniwala. Sinong ama ang pipilitin ang sarili niyang anak na uminom ng lason?’“Mayroon ba ditong nagngangalang Nickolas?” Nakaramdam ng pangangati ang katawan ni
Read more

Kabanata 1220

Tumama ang palad ni Alex sa pisngi niya.“Ikaw ang nagmamadaling wakasan ang buhay nila!”Sumulyap si Lexia kay Ruby at hinikayat si Nickolas na magpatuloy sa pagsasalita, “Basta mananatili ka sa katotohanan, hahayaan kitang pumili.”“Salamat, Madame Lexia! Ganito ang nangyari noon. Nakatulog ako sa tool shed at narinig kong pumasok sina Madame Ruby at Madame Yvonne. Kasunod nila ang mga bantay.“Narinig ko na inakusahan ni Madame Ruby si Madame Yvonne bilang espiya para sa underground. Gusto niyang lasunin ito, ngunit dahil lumaban ito, hinawakan ito ng mga guwardiya at pinilit na inumin ang lason.”“Pagkatapos, nakita ko rin si Master Bennett na pinipilit si Lady Brianna na inumin ang lason. Nang matapos sila ay umalis na sila, sinasabing sila na ang bahala sa mga bangkay pagkatapos mabulok ang mga ito.”“Dahil nakaramdam ako ng utang na loob kay Lady Brianna, hindi ko kinayang tumayo na lang at panoorin silang mamatay. Buti na lang may lunas ako sa lason. Pagkatapos kong ipainom iyo
Read more
PREV
1
...
120121122123124
...
195
DMCA.com Protection Status