Home / Romance / The Vision of Death / Chapter 11 - Chapter 15

All Chapters of The Vision of Death: Chapter 11 - Chapter 15

15 Chapters

CHAPTER ELEVEN

Hindi ako mapakali sa araw na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit tila kinakabahan ako. Hindi tuloy ako makapag-focus sa itinuturo sa amin ng aming teacher. At hanggang sa natapos ang kalahating araw ng pasok namin ay walang pumasok sa isip ko ni isang aralin na itinuro sa amin ng mga teachers namin."May sakit ka ba, Lauren? Kanina pa namin napapansin na wala sa itinuturong leksiyon ng mga teachers natin ang isip mo," nag-aalalang tanong sa akin ni Cynthia nang lunchtime na."Hindi ko alam kung bakit, Cynthia. Pero kinakabahan ako. Na para bang may masamang mangyayari sa araw na ito," hindi mapakaling sagot ko. Mayamaya'y biglang pumasok sa isip ko si Luke. "Pumasok ba ngayon si Luke?""Si Luke na naman? Lagi na lang ang lalaking iyon ang nasa isip mo, Lauren. Wala naman siyang ginagawang mabuti sa'yo, eh," inis ang tono ng boses na wika ni James. Pabagsak na naupo ito sa upuang katab
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

CHAPTER TWELVE

"Lauren, please be safe. Hindi ko kakayanin kong mawawala ka nang dahil sa akin. Because of my stupidity for not believing in you. I'm sorry, Lauren. I'm sorry." Dinig na dinig ko ang mga pinagsasasabi ni Luke sa akin dahil bigla akong nagkamalay habang nakahiga ako sa stretcher na de-gulong at itinutulak ng mga doktor papasok sa emergency room yata. Kahit na nakakaramdam ako ng sakit sa aking sugat at pagkahilo dahil sa dami ng dugong nawala sa akin ay nakuha ko pang magsaya. Masaya ako dahil sa aking mga narinig mula sa mga labi ni Luke. Bago ako muling nawalan ng ulirat ay nagawa ko pang pisilin ang kamay niya na nakahawak sa aking kamay.  Nang muli akong pagbalikan ng aking malay ay nasa loob na ako ng isang private room ng ospital. Agad kong tinawag si Luke na nakatayo at inaayos ang mga prutas na mukhang bagong bili pa lamang.  "Lauren, gising ka na. May masakit ba sa'yo? Tell me and I wil
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

CHAPTER THIRTEEN

"Lauren, my gosh! Ano ba ang nangyari sa'yo at na-ospital ka? Kumusta" tanong ni Cynthia matapos humahangos na pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Sa likuran nito ay sina James at Sancho na parehong bakas din ang pag-aalala sa mukha para sa akin. Sa mabilis na pagkukuwento ay nasabi ko sa kanila mula umpisa sa pagliligtas ko sa buhay ni Luke hanggang sa taong nagtangkang pumatay sa akin dito sa loob ng ospital. Nasa mukha ng tatlo ang hindi pagkapaniwala matapos nilang marinig ang aking kuwento.  "Ikaw ang may kasalan ng lahat ng ito," galit na bulyaw ni James kay Luke. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na inundayan nito ng suntok sa mukha ang nabiglang si Luke. "Kung naniwala ka lamang kay Lauren umpisa pa lang nang sabihin niya sa'yo ang tungkol sa pangitain niya ay hindi na sana siya nasaksak ng lalaking iyon dahil sa pagliligtas sa buhay mo. At kung hindi siya nasaksak ay hindi siya maoospital at magagawang pagtangkaan
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

CHAPTER FOURTEEN

"Really? Pumasok sa loob ng bakuran mo ang taong gustong pumatay sa'yo?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Cynthia sa akin. Ikinuwento ko kasi sa kanila ni James ang nangyari.     Tumango ako sa kanya. "Oo. Pumasok siya sa loob ng bakuran ng bahay ko pero hindi siya pumasok sa loob ng bahay. Parang sinilip lang niya kung natutulog na ba ako o kung gising pa ba. At saka hindi ako sure kung siya nga ang taong sumakal sa akin sa loob ng aking kuwarto sa ospital. Hindi ko naman kasi nakita ang mukha ng taong iyon kasi madilim. At ang taong pumasok kagabi sa bakuran ko ay wala namang ginawang masama."     Kung nagtangkang pumasok kagabi ang taong iyon ay agad akong tatawag ng pulis. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi naman siya nagtangkang pumasok sa loob ng bahay. Pagkalipas ng ilang minutong pagmamasid sa kuwarto ko ay lumabas na kaagad siya sa aking bakuran. Hindi yata naisarang maayos nina Cynthia at Ja
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

CHAPTER FIFTHTEEN

"U-uncle Favlo, anong ginagawa mo rito?" hindi ko maintindihan ngunit kinabahan ako nang makita ko ang seryoso niyang anyo. Talagang nagbago na nga siya. Dati ay hindi naman siya nakakatakot at nakakailang kaharap na tulad ngayon. Ang bilis naman niyang magbago ng pag-uugali."Bakit? Hindi ba kita puwedeng dalawin at kamustahin?" nakapamaywang niyangg tanong sa akin  "Nga pala, magmula ngayon ay dito na muna ako titira sa bahay na ito para mas matutukan kita ng mabuti."Tila iba ang naging dating sa akin ng mga sinabi niya. Parang may nais siyang ipakahulugan sa mga salitang binitiwan. Ngunit hindi na lamang aki nag-komento dahil natatakot ako na baka may masabi ako na hindi niya magustuhan."S-sige po, Uncle Favlo. Papasok na po ako sa kuwarto ko at magpapahinga," hindi pa man siya nakakasagot ay bigla ko na soyang tinalikuran. Nagmadali na akong pumasok sa loob ng aking kuwarto.Pagpasok ko sa loob
last updateLast Updated : 2021-11-24
Read more
PREV
12
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status