Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Kabanata 1661 - Kabanata 1670

Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 1661 - Kabanata 1670

2346 Kabanata

Kabanata 1661

Sa loob ng kwarto na puro laruan.Tinitignan ni Shaun ang pintuan ng may tulalang ekspresyon habang nilalaro ang paborito niyang building block sa kamay.Gayon pa man, wala siya sa mood para maglaro. Habang nalulungkot, iniisip niya kung kailan pupunta si Catherine at pasayahin siya.Kung hindi siya nito papasayahin, wala siya sa mood para maglaro ng laruan, manood ng cartoons, o kumain.Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya, nakarinig siya ng pamilyar na yabag.Pagkaraning niya doon, alam na niya na si Catherine ito.Binaba agad ni Shaun ang ulo niya at nagpanggap na seryosong naglalaro ng building blocks. Umarte siya na para bang wala siyang pakialam kay Catherine.Walang nakakaalam na mabilis ang tibok ng puso niya nang narinig niyang huminto ang mga yabag sa pinto.Bakit ganito ang nararamdaman niya? May sakit ba siya?“Natutuwa ka maglaro ng building blocks, huh?” Yumuko si Catherine sa tabi niya habang nakangiti. “Pumunta tayo sa mall bukas para bumili pa ng maraming building
Magbasa pa

Kabanata 1662

Medyo malamya si Shaun nang hinalikan niya si Catherine. Gayon pa man, mas naging aktibo na siya at hindi na siya walang kibong humahalik.Kinilig si Catherine sa halik niya. Hindi niya maiwasan na magbuntong hininga sa loob-loob niya. Ang lalaki na ito ay ganoon pa rin.Pagkatapos siya nito halikan ng ilang beses, nakuha na ito ni Shaun. Sinimulan na niyang halikan si Catherine sa dominanteng paraan.Gayon pa man, nasa loob sila ng playroom. Maraming tao ang nasa labas, kaya hindi naglakas loob si Catherine na mgpakasasa sa halik ng matagal.Mabilis niya itong itinulak palayo habang hinihingal, “Tigil na. Kapag may taong pumasok dito, malalagot tayo.”“Oh.” Tinignan ni Shaun ang maganda niyang mukha, at hindi niya maiwasan na mapalunok. “Cathy, sobrang ganda mo.”Pakiramdam ni Catherine ay naglalawa sa katamisan ang puso niya. Binaba niya ang ulo niya at tinapik niya ang dibdib ni Shaun. “Tandaan mo na ako ang pinakamagandang tao sa puso mo habangbuhay.”“Mm.” Pakiramdam ni Sha
Magbasa pa

Kabanata 1663

”Karma?”Umismid si Catherine. “Kung may babalikan ang karma, dapat ay magpunta muna ito sa inyo. Pinatay mo ang sarili mong nanay. Pagkatapos ay dinoktor mo ang isyu na para bang hindi niyo kinilala ang sarili niyong anak para sa kayamanan. Mukhang hindi kayo natuto sa mga pagkakamali niyo habang nasa kulungan kayo. Sa halip, mas tumapang kayo.”Namula si Jeffery. Kahit na nakakahiya ang mga sinabi ni Catherine… hindi na siya maaaring umatras ngayon.“Tama na. Itigil mo ang kalokohan. Anong ibig mong sabihin na hindi ko kinikilala ang sarili kong anak? Ikaw ang anak ko. At saka, hindi ko pinatay ang sarili kong nanay. Tignan mo, pinakawalan kami ng pulis.”Nilipat ni Catherine ang titig niya kay Jeffery. “Noong binista ko kayo sa bilangguan bago ito, akala ko ay nagsisisi ka sa ginawa mo. Hindi ko inaasahan na-”“Nagsasabi kami ng totoo,” Hindi siya pinatapos ni Sally at umiyak. “Wala kang puso! Kami ang tunay mong magulang, ngunit hindi mo kami kinikilala. Oo, hindi kami kasing
Magbasa pa

Kabanata 1664

Pagatapos magsalita ni Catherine, nilabas niya ang phone niya mula sa bulsa niya at tinapos ang recording sa harap ng mga ito. Habang nakangiti, sinabi niya, “Huwag kayo mag-alala, may pruweba na ako. Kapag namatay kayong dalawa, aayusin ko ang mga bagay tungkol sa pagpanaw nito. Kapag nalipat na ang mga share ni Rebecca sa inyong dalawa, ako na rin ang mamamahala sa Hill Corporation.”“...”May nakakabingi na katahimikan sa punerarya. Ang mukha nina Jeffery at Sally ay nag-iba dahil sa galit.“Gagawin ko ang lahat para hindi iyon mangyari, Catherine Jones!” Nainis na si Sally. Pakiramdam niya ay parang binaril niya ang sarili niya sa paa. “Kapag may nangyari sa amin, iyo ay magiging kasalanan mo.”“Huwag niyo isipin na masamang tao ako, okay?”Nagkibit balikat si Catherine. “Ngayon at nandito na ako, pupuntahan ko at bibisitahin ko si Rebecca. Kahit papaano, magkapatid kami. Hindi ko alam na mamamatay siya nang maaga. Isang biyaya iyon.”Walang masabi si Hadley.Nagtataka siya
Magbasa pa

Kabanata 1665

Habang pinapanood ni Hadley si Caterine umalis, ang mata niya ay puno ng paghanga.Maaari kunin nina Jeffery at Sally ang mga share na pagmamay-ari ni Rebecca sa Hill Corporation.Dahil sinasabi nilang tunay nilang anak si Catherine, walang masama kung siya ang mamamahala sa Hill Corporation para sa kapakanan ng mga ito.“Managinip siya! Sa atin ang Hill Corporation! Hindi niya ito maaaring makuha! Umalis ka!” Malapit na sumakit ang puso ni Sally dahil sa sobrang galit. Tinignan niya ng masama si Hadley.Hindi na nakipag-away si Hadley sa kanya.Hindi naiintindihan ng ibang tao kung ano ang ibig sabihin nang mahiya.Sa kanila ang Hill Corporation?Napakawalang hiya niya para sabihin iyon. Kung hindi nagpanggap si Rebecca na maging anak ni Sheryl para pwersahan na makuha ang share ng Hill Corporation, umangat na ang Hill Corporation sa ibang industriya sa pamumuno ni Shaun ngayon.Ilang taon ang nakalipas, sina Jeffery at Sally ay walang halaga na ang pagsira sa kanila ay kasing
Magbasa pa

Kabanata 1666

Si Catherine ba ang dahilan kung bakit nagsipuntahan ang mga taong iyon?Mukha namang hindi siya ang dahilan. Gaano man niya kamuhian si Rebecca, hindi aabot si Catherine sa puntong babastusin niya ang bangkay ni Rebecca.Natutuwa pa rin si Hadley na masaksihan ang pangyayaring iyon at hindi na siya nag-aabala kung sino ang mamamatay. Gayunpaman, naramdaman niyang kailangan niyang magpanggap na sinusubukan niyang iligtas ang sitwasyon.“Sino kayo? Hindi ito lugar na pwede ninyong tambayan. Tinawagan ko na ang mga pulis.” Nagbabantang sabi ni Hadley habang naglalakad ito papasok. Tinakpan niya ang mukha gamit ang kanyang mga kamay habang nagpapanggap itong walang siyang takot. Gayunpaman, wala naman siyang planong makisali.“Ba’t ‘di ikaw ang umalis?” Hinarangan siya ng ilang matatangkad na mga lalaki.Hindi na naglakas-loob si Hadley na pumunta pa roon.Pagkatapos nilang manira ng ilang mga bagay ay umalis din agad ang mga taong iyon.Ihinagis nila ang bangkay ni Rebecca kay Sal
Magbasa pa

Kabanata 1667

“...”Nagdadalawang-isip sabihin ni Catherine sa kaaya-ayang mukha ni Shaun na siya ay aalis ulit.“Bumaba ka na diyan at maglaro tayo.” Iniunat ni Shaun ang kanyang kamay upang palabasin si Catherine.“Uh… Shaunny, nakatanggap kasi ako ng tawag at kailangan ko ulit umalis.” Sagot ni Catherine. “Importante ito.”Laban sa lahat ng kanyang inaasahan, hindi nagtampo si Shaun. Napapikit lamang ito ng kanyang mga mata sa kawalan ng pag-asa. “Mas importante pa kaysa sa akin?”Paos ang boses nito at namumula ang mga mata. Mukhang iiyak talaga ito kapag sumang-ayon sa kanya si Catherine.Marahan na lamang napasagot si Catherine, “Syempre, mas importante ka pa rin, pero hindi kasi pwedeng magkasama tayo sa lahat ng oras. Tignan mo, oh, marami namang tao sa pamilya natin. Kailangan kong kumita ng pera para may pambili tayo palagi ng candy para sa’yo.”“Hingi ka na lang ng pera sa Mommy ko, siya naman nagpanganak sa akin, kaya siya dapat ang gumagastos para sa akin. Ayaw kong pera mo pinan
Magbasa pa

Kabanata 1668

Bahagyang umatras si Catherine noong iniyuko ni Shaun ang kanyang ulo. May dalawang hibla ng kulot na buhok na humaharang sa kanyang mga pisngi, at kitang-kita rin ni Shaun ang elegante at manipis niyang leeg. Biglang nakaramdam ng panunuyot ng kanyang bibig si Shaun. Natutukso itong ibaon ang kanyang ulo sa leeg ni Catherine at halik-halikan ito.“Ayan, naka-seatbelt ka na.” Napatingin na lamang si Catherine sa itaas.May nagliliyab sa tingin ni Shaun noong nagtagpo ang kanilang mga mata.Panandaliang natigilan si Catherine bago nito sundutin ang manipis na mga labi ng lalaki. “Magkwento ka nga, ano ba ‘yung iniisip mo ngayon-ngayon lang?”Napakagat ng kanyang labi si Shaun. Nahihiya ito, ngunit tapat niya pa ring sinagot ang babae, “Gusto kong halikan ‘yang leeg mo.”“...”Biglang namula ang mukha ni Catherine dahil hindi niya inaasahang didiretsuhin siya ng lalaki.“Bakit mo naman naisip ‘yun? Inaayos ko lang naman ‘yang seat belt mo, kung ano-ano na iniisip mo.” Mapanukso
Magbasa pa

Kabanata 1669

“Siya nga po pala, officer. Marami-rami rin ho kasi ang nakabangga ng pinsan kong iyon…” Pinutol ni Catherine ang sinasabi ni Sally. Pagkatapos ay kinagat nito ang kanyang labi bago siya nagpatuloy.Puno ng poot ang kalooban ni Sally. “Ikaw lang naman ang pinakamalupit niyang binangga.”“Mommy…” Namumula pa rin ang mga mata ni Catherine. “Ako ho ba ang anak ninyo o si Rebecca? Nasaktan na nga kayo habang nasa burol niya, kaya tumutulong na akong hanapin kung sino ang gumawa nito sa inyo, pero ngayon ako pa ang pinalalabas ninyong masama?”“Bakit, kumpara kay Rebecca, sino ka ba? Si Rebecca ang nagpalabas sa amin sa pagkakabilanggo, samantalang ikaw ang nagpadala sa amin doon!” Sagot ni Sally.Agad naman siyang binalikan ni Catherine. “Gagawin ko ba iyon kung hindi ninyo pinatay si Granny? Siya na ang itinuring kong ina mula pagkabata. Kung papipiliin niyo ako sa pagitan ng hustisya o pagkakamag-anak, mas pipiliin ko namang panigan kung ano ang totoo at karapat-dapat.”“Pinatay nil
Magbasa pa

Kabanata 1670

Lubos na kinilabutan si Catherine.Kumunot ang mga kilay ni Shaun nang makita nito ang lalaki sa kanyang harapan. Bahagyang mas maliit ito kaysa sa kanya, at hindi niya maitatangging kaaya-aya itong tignan suot ang kanyang itim na suit. Gayumpaman, may pakiramdam si Shaun na hindi niya magugustuhan ang nasabing lalaki.Lalo na noong narinig niyang tinawag nito si Catherine bilang ‘Wifey’,“Cathy, sino siya?” Pabalang-balang na tanong ni Shaun habang hinahawakan nito ang kamay ni Catherine.Nang masulyapan ni Wesley ang mga mata ni Shaun, tumambad sa mukha nito ang pangmamata. “Asawa niya ako.”Kumurap ang mga mata ni Shaun. “Ano ang ‘asawa’?”Napatawa si Wesley. “Nabalitaan ko ngang nasiraan ka ng pag-iisip, pero ngayong nakita na kita, napatunayan ko na.”“Sino’ng nasiraan ng pag-iisip? Ikaw ang sira ang pag-iisip!”Pagkatapos manahimik ng ilang sandali ay naalala ni Shaun iyong napanood niya sa telebisyon noong hapong iyon, kaya dinagdag niyang, “Basta pangit, mahilig manggul
Magbasa pa
PREV
1
...
165166167168169
...
235
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status