"Samahan na lang kaya kita rito, parang hindi ako mapakali kung mag-isa ka lang. Bakit ba kasi ayaw mo pang makituloy muna kina Dan? Mas ligtas ka roon," kanina pang pangungulit ni Harley sa akin.Narito na kami sa Manila at nakahanap na rin ng Hotel na matutuluyan pansamantala habang inaasikaso ko ang itatayong agency."Ilang beses ko ng sinagot ang tanong mong 'yan, Harley. Isa pa, mababatukan ka na talaga sa akin!" inis kong sagot sa kaniya habang inilalabas lahat ng aking damit para ilagay sa cabinet. Hindi naman kasi pwedeng manatili lang sa maleta ang gamit ko, puro halungkat lang ako kapag nagkataon."What if, dito na lang ako uuwi tuwing hapon?" suhestiyon niya at nahiga sa kama habang nakatingin lang sa akin na abala sa ginagawa, hindi man lamang naisip na tulungan ako. Tsk!"Wala ka bang balak na matulog ng matiwasay? Bi-byahe ka roon ng hapon, tapos madaling araw kailangan mo na namang bumiyahe para pumunta sa bukid. Nahihibang ka na ba? Ha, Ha
Magbasa pa