Mika's POVSi Shawn na ang kumatok sa gate namin habang busy ako sa pag aayos ng bag ko at ilang gamit sa sasakyan. Makalipas ang ilang katok ay napansin kong bumukas ang gate namin."Shawn?!" gulat na bungad ni mama."Ako nga po, mama," masayang sagot ni Shawn."Mamaa!" Masayang saad ko sabay lapit kay mama at yumakap."Juskooooo! Ang anak ko, nakauwi kana," excited na sambit ni mama sabay yakap din sa akin."Nestor! Si Mika nandito na. Umuwi na ang anak mo!" sigaw ni mama dahilan para mabilis na lumabas sina papa galing sa loob kasunod sina Renz, Fria at Baby Heaven.Niyakap nila ako at pati na rin si Shawn, kinarga naman ni Shawn si Heaven at niyakap."Akala ko ay sa makalawa pa ang uwi nyo?" Takang tanong ni papa."Gusto po namin kayong i- surprise ni Mika eh," nakangiting sabi ni Shawn habang nilalaro si Heaven.Sa pag ikot ng aking mga mata ay nagtama ang tingin naming dalawa ni.....Renrem!
Terakhir Diperbarui : 2021-11-01 Baca selengkapnya