“I feel wonderful, because I see the love light in your eyes!” bungad ni Alvaro sa pintuan ng malawak na kuwarto. Nilapitan niya sa babaeng nakaupo sa kama na may malumanay na ngiti at inabot dito ang isang tangkay ng long stemmed rose. Puno ng pagmamahal niyang hinagkan ang noo nito bago nagtanong, “How are you, Mom?”“I’m good, Alvaro. Mambobola ka talaga. Saan mo ba namana iyan? Hindi naman sweet talker ang daddy mo.”“There’s a realm called internet, nowadays, Mom,” saad niyang nakangiti at tumabi sa ina.“Nanghihina ka pa rin ba?”“Hindi naman. Pagkatapos lang ng dialysis session, pero normal reaction daw ‘yon sabi ng doctor. Bakit ka nga pala bumisita ngayon?”Alvaro raised his brows, acted hurt by the woman’s question. “Pinagbabawalan mo ba akong bisitahin ang pinaka-importanteng babae buhay ko?”Napatawa naman ang ginang. “Nagtatanong lang naman. Para lang may mapag-usapan.”“Hmn, I just want to tell you how I missed you.”“Mabuti ako, Alvaro, kaya huwag
Last Updated : 2021-07-12 Read more