Share

Capitulo 1

last update Last Updated: 2021-07-12 11:07:58
 

 

"...SANDRA."

Naririnig ni Alexa ang malabong tinig ng isang babae, may tinatawag ito.

"...sandra." Unti-unting lumakas ang pagsambit nito at mas malinaw sa kanyang pandinig.

"Alessandra!"

Nagmulat si Alexa ng mga mata sa pagyugyog sa braso niya.

"Dios Mio, Señorita! Salamat sa Panginoon at nagising ka." Namamasa ang mga mata nitong puno ng pagkabahala.

Napahawak siya sa noo niyang biglang kumirot. "Aaww..."

"Ano ang nangyari?" Mabilis ang mga hakbang na lumapit ang isang matandang lalaki sa kinaroroonan nila. Napasinghap ito nang makita siyang nakahandusay sa lupa. "Señorita Alessandra! Mahabaging Diyos, ano ang nangyari sa iyo?"

Dahan-dahang bumangon si Alexa sa tulong ng dalawang kaharap. Nabugbog yata ang kalamnan niya sa pagguho ng gusali.

"Ano ang nangyari dito, Sofia?" anang lalaki.

"Ilang beses ko na po siyang pinagsabihan na huwag magtungo sa lumang kuwadra na iyan ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nagpumilit siya." Mahihimigan ni Alexa ang inis sa likod ng nag-aalalang boses ng babae.

"T-teka, teka, sinong tinatawag n'yong Alessandra, ako?" Napapapikit pa rin si Alexa dahil bahagya pa siyang nakakaramdam ng pagkahilo.

Nagkatinginan naman ang dalawa, mas lalong gumuhit ang pag-aalala sa mga mukha nito.

"Siyempre, kayo ang tinutukoy ko," hindi makapaniwalang saad ng babae. "Ama, ano ang ating gagawin, mukhang nabura ang alaala niya nang dahil sa aksidente."

"Hey, hey! Walang nawalang memory, okay? Hindi Alessandra ang pangalan ko, Alexa." Inalalayan ulit siya ng mga ito para makatayo. "Teka nga, saan ba 'to?"

Pinagala niya ang paningin sa estrangherong paligid. The lawn was so spacious, napipinturahan ng berde ang buong paligid. Ang carabao grass na lumulukob sa buong lupain, ang matatayog na punong nakapaligid sa kinaroroonan nila at ang kagubatang nasisilip niya sa hindi kalayuan. Mayroon ding kalakihang bahay na gawa sa pinaghalong kongkreto at kahoy sa kaliwa.

Nalito ang babae kung paano siya nakarating doon.

Doon din niya napagtuunan ng pansin ang suot ng dalawa. Ang babae na tinawag na Sofia ay naka-beige colored chifon blouse. Pinaloob ang laylayan niyon sa mahabang palda na kulay brown, maayos na nakapangko ang buhok nito. Ang lalaki naman ay naka-white cotton long sleeves na may tatlong butones sa dibdib, nakapantalon ng kulay itim na parang slacks na nirolyo paitaas hanggang tuhod.

'Old fashion?'

Nilingon ni Alexa sa likod ang animo'y isang maliit na bahay na gawa sa kahoy na nagkasira-sira. Iyon yata ang sinabi nitong kuwadra.

"Nasaan ako? Sino kayo?" Napaatras siya at magkatagpo ang mga kilay na tinitigan ang mga kaharap.

"Huwag ninyo kaming pinapakaba nang ganyan, Señorita," ang babae.

"Señorita, kailangan nang malinis at malapatan ng gamot ang iyong sugat." Ngayon ang lalaki naman ang nagsalita, humakbang palapit sa kanya at aktong hahawakan ang kanyang braso.

Mabilis niyang iniwas ang sarili at mas lumayo pa. "T-teka, anong senyorita'ng pinagsasasabi n'yo? Bakit ako nandito? Bakit ganito ang damit ko?" tukoy niya sa puting bestida na hindi niya alam kung saan nanggaling. "Ngayon ko lang nakita ang lugar na 'to!" Nag-umpisa nang bumangon ang kaba sa dibdib ni Alexa.

Ang dalawa naman ay hindi parin nabubura ang matinding pagkabahala sa mukha. "Halika, kailangan na ninyo talagang magpasuri," saad ni Sofia.

"Magpasuri? Saan? Okay lang ako! Kayo, hindi ko kayo kilala at–at bakit ganyan ang suot ninyo? Huwag n'yo akong hawakan!" Pinandilatan niya ang dalawa nang magkasabay ang mga itong lumapit.

"Señorita, hindi ka namin hahawakan pero nakikiusap kami, sumama ka sa loob ng bahay nang magamot na iyang sugat mo, baka magka-impeksiyon iyan at lagnatin ka." Genuine naman ang nakikita niyang pag-aalala sa mga ito. "Walang mananakit sa iyo, pinapangako ko."

Kung hitsura lang ang pagbabasehan, mukhang harmless naman ang mga ito pero mahirap pa rin ang magtiwala kaagad lalo at hindi niya kilala. Pero ramdam niya ang paglala ng kirot ng sugat kaya mapipilitan na siyang tanggapin ang alok ng mga ito.  Matanda naman na ang lalaki, siguro nasa seventies na ito at payat. Ang babae naman ay mas maliit ang pangangatawan kumpara sa kanya, kapag nagkataon, kaya naman siguro niyang ipagtanggol ang sarili at tumakbo. Isang bagay din ay hindi niya alam kung saang parte na siya ng Pilipinas! Tanging ang mga ito lang ang makakapagsabi sa kanya.

"...talaga? Gagamutin n'yo lang ako?"

"Oo, iyon lang," saad ng matanda. She hesitantly calmed her nerves and straightened up her back.

"Black belter ako sa judo kaya huwag n'yong tatangkaing saktan ako," pagsisinungaling niya at nagsimulang naglakad kasabay ang mga ito.

Nakapikit si Alexa at napabuga ng hangin, paulit-ulit niyang tinutuktok ang nakakuyom na kamay sa ibabaw ng kahoy na mesa.

"Panaginip lang ito, yes, nanaginip lang ako. Siguro napuruhan ang ulo ko kaya nag-collapse ako. Ito na, ito na ang resulta," tatangu-tango niyang bulong sa sarili. Mas lalo lang sasakit ang ulo niya kung pipilitin niyang labanan ang galaw ng utak.

"Ano na naman iyang pinagsasasabi mo, Señorita? Kanina pa ninyo ginagawa ang ganyan. Huwag mong sabihing nasisiraan ka na talaga ng bait," si Sofia.

"Ano? Siyempre hindi. Tama na 'yan, salamat," tukoy niya sa paglalagay ni Sofia ng gamot sa gasgas niya sa noo. "Sino kayo at kaninong bahay ito?"

"Mag-iisang buwan na simula nang dumating kayo mula sa Amerika, Señorita Alessandra at pangalawang beses mo na itong pagdalaw sa aming tahanan kaya imposibleng nabura na kaagad sa alaala ninyo," si Sofia ang sumagot.

"Siya, siya, baka nahihilo lang siya, pabayaan mo na. Señorita, ito ang aming munting tahanan. Ang pangalan ko ay Jose, at iyan ang aking nag-iisang anak, si Sofia."

"Kayo lang dalawa ang nakatira? Wala akong nakikitang ibang tao dito, e."

"A, ang totoo niyan, ako lang mag-isa dahil si Sofia ay nagtatrabaho sa mansion."

"Ang asawa n'yo po pala?"

Ngumiti ang matanda pero nakitaan niya iyon ng bahagyang kalungkutan. "Wala na po, pumanaw na."

"P-pasensiya na po." Napayuko siya, kagyat na nagsisi kung bakit nagtanong pa.

"Huwag po ninyong alalahanin iyon, matagal na na panahon siyang namaalam sa amin." Tumangu-tango na lamang siya, piniling huwag nang pahabain pa ang usapan kasi nagiging awkward na.

'Ang lalim ng salita nila, baka nasa Bulacan ako.'

"Anong lugar po ba 'to, Manong Jose? Puro kakahuyan kasi ang nakikita ko."

"Nasa Cordova po tayo, ito ang katimogang bahagi ng Isla ng Alabat."

"O–kay... saang probinsiya?"

"Probinsiya ng Quezon po."

"A, Quezon province, ang layo sa Cubao." Tukoy niya sa karenderyang pinanggalingan.

"At ang lahat ng nakikita ninyong lupain ay ang Hacienda Monserrat."

"Hacie–, Monserrat?! You mean, akin 'tong malawak na lupaing ito?!"

"A, masasabi kong, sa pamilya ninyo, Señorita."

"Whoa, whoa," nakakalula ang mga narinig niya tuloy napahawak siya sa ulo dahil parang bumigat iyon. "Panaginip nga talaga 'to." Hindi niya maiwasang magpakawala ng malutong na halakhak sa mga pangyayari. Puno naman ng pagtatakang nagkatinginan ang mag-ama.

Napapailing na lang siya, speechless. "P'wede bang makapagpahinga muna?" pagkuway tanong niya. "Gusto ko nang humiga, at matulog ulit."

'Baka sakaling bumalik sa normal ang lahat kapag nagising na ako.'

"Oo, siyempre! Ihahatid ko na po kayo." Tumayo ang matanda at kinuha ang sumbrerong nakasabit sa dingding.

"Ihahatid? Saan?"

"Sa bahay po ninyo, sa mansion."

'Oo nga pala, haciendera ako, nakakapagtaka naman kung nakatira ako sa kubo.'

"Halina kayo." Nagpatiuna nang lumabas ng bahay ang matanda.

 

***

 

"Señorita, pakiusap, kung maaari iwasan ninyo ang kumilos nang ganyan pagdating natin sa mansion. Kapag nalaman ng pamilya ninyo ang nangyari sa iyo siguradong parurusahan kami ni ama."

"Sofia, makinig ka," sabi niya dito sa mahinang boses. Sinulyapan ang matanda na nasa unahan, sinigurong hindi nito maririnig ang anumang sasabihin niya sa babae. "Totoong wala akong maalala pagkatapos ng aksidente, hindi ko alam kung bakit. Ngayon, alam kong mahalaga sainyo ng itay mo ay trabaho ninyo at ayaw ninyo siyempre na maparusahan dahil sa nangyari, ako rin naman, ayaw kong may masamang mangyari sa inyo, kaya sasabihin kong nauntog lang ako kaya nagkasugat. Pero...tutulungan mo ako. Dapat hindi malaman ng kung sinuman ang pagkawala ng memorya ko, okay? Sasabihin mo sa akin ang lahat-lahat, ngayon."

Lubha ang pag-aalala na gumuhit sa mukha nito. "Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ni itay kung mapaalis kami dito sa hacienda, Señorita. Nandito na ang buhay namin."

"Kaya nga, naiintindihan mo ba ako?" Patawarin sana siya ng Panginoon sa ginawang pangba-block mail pero iyon lang ang naisip niyang paraan.

Alanganing napatango ang babae. "Basta huwag lang makarating sa mga magulang ninyo ang lahat ng ito. Wala na po kaming ibang mapupuntahana kung paalisin kami dito sa hacienda, Señorita."

"Ang pilit kong sinasabi sa iyo ay magtulungan tayo. Tulungan mo 'ko at sisiguraduhin ko sa iyo na hindi nila malalaman ang nangyari sa akin."

"... k-kung gayon ano ang sasabihin ko sa inyo?"

"Lahat."

"Lahat?"

"Oo, umpisahan mo na."

Iiling-iling na napabuntong-hininga ang dalaga. "A-Alessandra Salve Monserrat, iyon ang inyong buong pangalan."

"Sige, go on." Sa totoo lang, parang totoo ang lahat at nagiging curious na siya kung ano pa ang matutuklasan sa panaginip na iyon.

"Ang ama ninyo ay si Don Pablo Celestino Monserrat, ang iyong ina naman..." Napansin ni Alexa ang biglang pag-iba ng tono ng salita ni Sofia, may himig ng kalungkutan. "Pumanaw na ang inyong ina noong anim na taong gulang ka pa lang. Nag-asawa ng panibago ang Don, dalawang taon pagkatapos mawala ang Doña Felistine. At ngayon nga, ang namulatan ninyong ina ay si Doña Claudia."

'Ang bilis naman nakahanap ng kapalit ng Don.'

"Ang Doña Claudia ay may anak na lalaki sa pagkadalaga, si Señor Joselito Bueno, at siya ang katuwang ng inyong ama sa pamamahala ng hacienda," sabi nito.

"Kababalik lang ninyo mula sa Amerika, mag-iisang buwan na. Doon ka nag-aral simula noong labing-anim na taon ka pa lang at ngayon nga na natapos mo na ang iyong kolehiyo, nagbalik ka. Kaya magkasama tayo sa araw na ito dahil gusto mong libutin ang buong hacienda," si Sofia.

"Okay na, naiintindihan ko na. Basta, kailangan magkasama tayo sa bahay palagi, okay?" Tinitigan niya nang maigi sa mata ang babae. "Para kung magkahulihan nand'yan ka lang para sumalo sa akin."

"Dios Mio! Por favor!"

Napabuntong-hininga na lang siya at tinutok ang paningin sa madamong paligid.

 

***

Marahang pinuno ni Alexa ng hangin ang dibdib nang matanaw ang kabuuan ng mansyon. Ilang metro pa lang ang sinasakyan nilang kalesa ay kita na niya ang malaking puting bahay na may pulang bubong, matayog itong nakatirik sa gitna ng kakahuyan. Tila ito isang hari na nakatanaw sa kanyang kaharian.

"Iyan na ba ang mansyon?" tanong ni Alexa sa katabing babae.

"Oo, Señorita, iyan na ang tahanan ninyo," saad ng matanda.

Huminto ang kalesa sa harap ng malaking pintuan na gawa sa magandang kalidad na kahoy.

"Nandito na po tayo, Señorita, sana ay makapagpahinga na kayo," saad ng matandang lalaki.

"Maraming salamat po sa paghatid," nakangiti niyang sabi. Nagtanggal lang ng sumbrero ang lalaki, itinapat sa dibdib at bahagyang yumuko.

"Itay, papasok na po kami. Mag-iingat po kayo sa inyong biyahe." Ngumiti ulit ito sa anak saka pinagalaw ang renda ng kabayo.

Bago binuksan ni Sofia ang malaking pintuan ay hinawakan ni Alexa ang braso nito. "'Wag mo 'kong iiwan, okay?" Tumango naman ito.

The entire salon was gorgeous, halatang hindi basta-basta ang nagdisenyo, mula sa mataas na kulay brown na kisame na napapalamutian ng sari-saring hugis sa gilid, sa gitna niyon ay ang hindi kalakihang chandelier na gawa sa shells, perpekto ang pagkahulma na kagaya ng isang bulaklak. Ang malalaking haligi na nakatindig sa kada sulok ng bahay ay pareho ang disenyo ng sa kisame. Bricks naman ang materyal na ginamit para sa pader, medyo mamula-mula ang kulay niyon kapares ng sa sahig na mukhang puwede na siyang manalamin sa kintab. Napaisip tuloy siya kung paano iyon napapanatili ng may-ari. Ang furnitures at iba pang palamuti na maayos na nakahimlay sa paligid ay mangingimi siyang hawakan man lang dahil baka pati finger print niya ay makita sa linis. Lalo na ang malalaking flower vase na nakatayo sa magkabilang gilid ng sala set na sa hinuha niya ay hindi biro ang halaga. Nakikita niya ang ganoong design ng bahay sa mga historical tourist spots.

"Dito po ang daan, Señorita," pag-aagaw atensiyon ni Sofia sa abala niyang mga mata. From the mansion to the clothes everyone was wearing at ang pananalita ng mga ito, parang historical nga yata ang tema ng panaginip niya.

Sa kaliwang bahagi ng salon ay ang may kalakihang curved na hagdanan paakyat sa second floor. Perpekto iyon sa okasyon kung saan bumababa ang magandang birthday celebrant in a lovely gown sa mga nakatingalang naghihintay na guests.

Bahagya siyang napangiti. Once in her life, naging pangarap niya rin iyon.

Huminto sila ni Sofia sa pinakamalayong pintuan mula sa landing ng hagdanan.

"Ito na po ang silid ninyo," anitong pinihit ang knob at binuksan.

Sinalubong si Alexa ng ihip ng hangin mula sa kuwarto, nangangamoy detergent bar at natural na amoy ng kagubatan ang buong silid. Cozy, iyon ang unang naisip niya. Ang canopy bed–na may kasing-nipis ng kulambo na puting kurtinang nakapaligid–ang unang nagpangiti sa mga labi niya. She had never tried sleeping on a luxurious bed before. Mga mayayaman lang naman ang nakakabili ng ganoon. Ang pangalawa ay ang malaking bintana sa kanan ng kama kung saan malayang pumapasok ang may kalamigang hangin sa buong sulok ng kuwarto.

Napasinghap siya. "Oh my, God! Ang ganda!" saad niya na nilapitan ang bintana, sinilip ang tanawin mula doon. Nakaharap pala ang kuwarto niya sa gilid ng bahay. Ang sanga ng punong-kahoy na pilit umaabot sa bunganga ng bintana ay abot kamay lang niya.

"This is perfect! Gusto ko na dito!"

Gusto niyang ma-amused sa hitsura ng babae na para bang kabaliwan na pakisamahan ang kawalan niya ng alam sa lahat.

Tangang nilapitan ni Alexa ang kahoy na dingding dahil naagaw ang atesnyon niya sa malaking papel na nakadikit doon. Makaluma ang font na ginamit doon pati na ang black and white na larawan ng isang tao katabi ang kotse; pero hindi doon nakapokus ang kanyang mata.

1941

"Updated ba 'to?" lingon ni Alexa kay Sofia.

"Si, magpahinga na po kayo, Señorita Alessandra. Aakyat akong muli dito kapag oras na ng hapunan."

Nasa 1941 siya? Paanong–? At muli, naalala niya na panaginip nga pala ang lahat.

"Sige."

***

"Alexa, bumangon ka na."

"Hmmn..." Sa pagdilat ng mga mata ni Alexa ay ang nakakasilaw na sinag ng ilaw ang una niyang nasilayan kaya napapikit siya ulit at itinabon ang kumot sa mukha.

"Weng? Anong oras na?"

"Alas nueve na."

"Alas nuwebe?!" Bigla siyang napabangon at nagmadaling kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan. "Sa'n na, saan na ang cellphone ko?"

"Señorita, ano ang hinahanap ninyo?" Nakatunghay sa kanya ang nagtatakang si Sofia.

"Sofia?!"

"Si, ako nga." Tuwid itong nakatayo sa gilid ng kama niya, nakasuot parin ng kaparehong damit noong una niya itong nakita pero iba na ang kulay.

"Hindi pa ba ako nagigising?"

"Señorita, sa nakikita ko ay gising na kayo makalipas ang mahaba ninyong pagtulog. Magmadali na kayong bumangon at magpunta ng banyo nang malagyan na ng laman ang iyong tiyan. Kagabi ay hindi mo na kinayang bumangon para sa hapunan," saad nito na sinimulang ligpitin ang higaan.

She threw herself against the soft bed, buried her face on the pillow and let a loud scream.

"P-por que, Señorita Alessandra, anong nangyayari sa iyo?"

"Hindi ako si Alessandra!" hiyaw niya sa ilalim ng unan.

"Paumanhin pero hindi ko maulinigan ang iyong sinasabi."

Tinaas niya ang mukha at naiiyak na hinarap ito. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

Yumuko ang babae at hinawakan si Alexa sa magkabilang pisngi. "Señorita , gusto ba ninyong magpunta sa isang manggagamot para magpasuri?"

"No need, Sofia. Hindi ako baliw, sinisiguro ko iyan sa iyo...napasama lang talaga siguro ang pagkatama ng ulo ko."

"Huwag kayong mabahala, ako ay nandito lang palagi para sa inyo. Sa ngayon, itigil na ninyo ang inyong pag-iyak at magpunta sa banyo, ilang oras na lang simula ngayon ay magsisimula na ang kasiyahan."

"Anong kasiyahan?"

"Hindi ba magdadaos ang mga magulang ninyo ng selebrasyon para sa iyong pagbabalik dito sa hacienda?" Sinimulan nang tupiin ni Sofia ang kumot at pinagpag ang mga unan. "Kaya maghanda na kayo at tutulong ako."

"Sa'n ba ang banyo?"

"Sa paglabas ninyo sa kuwartong ito, lumiko kayo sa kaliwa, ang kasunod na pintuan ay banyo na," sagot nitong nagmuwestra ng kamay habang sinasabi ang direksiyon.

"Sige..." Laglag ang balikat na tumayo na siya.

"Ang inyong tuwalya ay hinanda ko na doon pati ang inyong roba."

Kahit nanlulumo ang parin loob, sinunod na lang ni Alexa ang inutos ni Sofia.

Kailan ba matatapos ang panaginip niya? Ang lahat ng nangyayari at nakikita niya sa paligid ay parang totoo! To the point na creepy na. She had never had a dream like this before. Ang tangi nalang talaga niyang magagawa sa ngayon ay kumbinsihin si Sofia na nakalimutan lang niya ang mga detalye pero kailangang hindi umabot sa kaalaman ng iba iyon kung hindi ay magiging mas kumplikado.

 

 

 

Related chapters

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 2

    "NASAAN na si Alessandra?" bungad ni Doña Claudia sa kuwarto ni Alexa. The woman in her fifties looked glamorous in an emerald long, green dress. The fine raffles around her turtle neck was complimented by a set of gold medallion necklace. Pinangko ng ginang ang maypagka-brown nitong buhok. Even the sublte makeup appeared perfectly on her delicate looking skin."Buenas dias, Doña Claudia," bati ni Sofia kasabay ang isang yuko. "Nasa baño na po si Señorita.""Con rapidez! Alam mo namang mabagal gumayak ang babaeng iyan. Magtatanghali na pero hindi pa niya nasisimulan ang kanyang araw. Marami pa siyang kailangang gawing paghahanda para sa magiging kasiyahan. Iang oras na lang ay magsisidatingan na ang mga bisita. Siguraduhin mong handa na si Alessandra pagsapit ng alas onse, Sofia. Ayaw kong mapahiya sa mga bisita!" Laging mataas ang boses nito lalo na kapag nang-uutos."Si, Doña Claudia." Iyon lang at tumalikod na ang ginang.Pagkabalik ni Alexa ay nagmamadaling tinu

    Last Updated : 2021-07-12
  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 3

    "SOFIA, lilinisin natin ang garden ngayon." Inabot ni Alexa ang gulok na hiniram sa matandang kasambahay na si Carmen."Masyado yata kayong na-engganyo sa hardin na iyon, Señorita.""S-siyempre, sa mama ko iyon. Gusto kong buhayin ang mga halaman na nandoon, gusto kong buhayin ang alaala ni Doña Felistine," saad niya na binuksan ang pintuan ng kuwarto at lumabas."Señorita, noong isang araw ay hinanap ko kayo sa buong mansion pero hindi kita matagpuan, maging sa hardin ay wala ka, may pinagkakaabalahan ba kayo na hindi ko nalalaman? Maaari mong sabihin sa akin nang makatulong ako.""Actually Sofia..." pabulong na mas inilapit ni Alexa ang sarili dito. "Nagkikita kami ni Diego."Marahas ang paghugot ng hangin ni Sofia sa narinig at inaasahan na niya iyon. "Señorita, ano ang inyong iniisip?! Bakit ninyo nagawa ang bagay na iyan? Sa pagkakaalala ko ay pinagsabihan na kita na delikado ang makipag-usap sa mga Velez!""Shhh...huwag kang maingay! Napakabait niya sa akin,

    Last Updated : 2021-07-12
  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 4

    LABING limang minuto mula sa silangang bahagi ng masyon ay matatagpuan ang isang batis kung saan madalas na nagtatagpo si Alessandra at Juan Diego. Ang susunod nilang pagkikita ay sa Huwebes ng hapon.Iyon ang nabasa ni Joselito sa papel na inabot sa kanya ng taong nagmamasid sa kilos ng dalawa. Mukhang totoong mas madalas pa sa inaakala ng lahat ang pagtatagpo ng mag-irog, dalawang araw pa lang ang nakalipas simula noong unang niyang natuklasan ang lihim na relasyon at magkikita na naman ang dalawa.Tiningnan niya ang kalendaryong nakapatong sa lamesa. "Dalawang araw simula ngayon."Nilamukos ng lalaki ang hawak na liham saka initsa sa basurahan na nasa tabi ng paa. "Oras na para sa isang palabas na hindi malilimutan ng Isla Alabat."Walang pag-aaksaya ng panahon niyang sinadya ang amain sa paboritong nitong silid at siniwalat ang lahat."Ama, tungkol sa sinasabi ko sainyo–""Hindi ka ba hihinto sa paratang na binabato mo kay Alessandra, Joselito? Malayong mangya

    Last Updated : 2021-07-12
  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 5

    "Are those dark circles supposed to be permanent?" tanong ng lalaking kaharap na naka white laboratory coat, si Vaughn, one of his best buds cum company physician ng Martins' Corporation, ang kompanyang pinagmamay-ari ng pamilya ni Alvaro."Huh?" baling niya dito mula sa pagkakatungo sa nilalarong chestpiece ng stethoscope sa ibabaw ng mesa."Hindi ka na naman ba nakatulog nang maayos?""Oh, these? Well...kinda," he shrugged lightly."Ang panaginip na iyon pa rin ba? Why don't you visit Hakim?""I don't need a psychiatrist, Vaughn, especially if crazier than me. Normal naman ako.""Hindi ka ba nababahala sa recurrent nightmares mo? A guy slit on the throat?" napapangiwing sabi nito na para bang nakakita ng actual na biktima. "Are you sure wala kang trauma noong bata ka pa?""The struggle of having a physician buddies..." Alvaro rolled his eyes while shifting his position to a more slouchy one."Seriously, Alvaro.""No, not that I can remember."Hindi pa rin ba

    Last Updated : 2021-07-12
  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 6

    NAKATUON ang seryosong mga mata ni Alvaro sa hawak na papel. Iyon ang results na binigay ng kinuha niyang private investigator para mag-usisa sa katauhan ni Alexa Monserrat.Nakasaad doon na walang ibang kuwestiyonableng pag-aari ang babae. Nakatira ito sa isang maliit na boarding house kasama ang isang roommate na babae. Ang ina at nakababatang nitong kapatid na babae ay nakatira sa isang lumang bungalow na bahay sa Tarlac. Naging breadwinner ng pamilya simula noong mamatay ang ama apat na taon na ang nakalilipas. Marami pang ibang nakasulat sa makapal na kumpol ng papel kasali na ang basic profile information at araw-araw nitong routine sa loob ng isang buwang pagmamanman.Wala na bang napiga ang private investigator? He made sure to get the service from a large company para maiwasan ang pagpalya. Kung totoo na walang relasyon ang daddy niya at ang babae, ano iyong nadatnan niya sa opisina? Kataka-taka ang hitsura ng silid pagkapasok niya, with all the scattered pap

    Last Updated : 2021-07-12
  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 7

    “I feel wonderful, because I see the love light in your eyes!” bungad ni Alvaro sa pintuan ng malawak na kuwarto. Nilapitan niya sa babaeng nakaupo sa kama na may malumanay na ngiti at inabot dito ang isang tangkay ng long stemmed rose. Puno ng pagmamahal niyang hinagkan ang noo nito bago nagtanong, “How are you, Mom?”“I’m good, Alvaro. Mambobola ka talaga. Saan mo ba namana iyan? Hindi naman sweet talker ang daddy mo.”“There’s a realm called internet, nowadays, Mom,” saad niyang nakangiti at tumabi sa ina.“Nanghihina ka pa rin ba?”“Hindi naman. Pagkatapos lang ng dialysis session, pero normal reaction daw ‘yon sabi ng doctor. Bakit ka nga pala bumisita ngayon?”Alvaro raised his brows, acted hurt by the woman’s question. “Pinagbabawalan mo ba akong bisitahin ang pinaka-importanteng babae buhay ko?”Napatawa naman ang ginang. “Nagtatanong lang naman. Para lang may mapag-usapan.”“Hmn, I just want to tell you how I missed you.”“Mabuti ako, Alvaro, kaya huwag

    Last Updated : 2021-07-12
  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 8

    "GOOD afternoon, Ma'am, Mister President. I am Alexa Monserrat and today I will be tackling–""Wait, stop there." Nabigla si Alexa sa biglang pagsalita ni Alvaro. "Is this the best way to start a presentation?"Kahit ang mga kasama niya at si Marinell ay natigilan din. Nagkatinginan ang mga ito."Good afternoon, I'm this and that. Today, I'll be talking about this. Absolutely not!" sabi nito na ikinampay-kampay ang kamay na nakapatong sa lamesa. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito sa pagkakaupo. "Don't you think it's too cliched? You are answering a wrong question with that introduction. You are answering the 'what' question. I am not after for the 'what' but for the 'why'. Why were you given the chance to stand there and take our precious time? Dapat sa umpisa pa lang ay malinaw na ang purpose kung bakit mo ginagawa ang presentation na iyan. Why is it important? Why do you deserve to be heard? Do you get my point... Miss Monserrat?"Naninigas ang mga panga ni Alexa at p

    Last Updated : 2021-07-12
  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 9

    KINABUKASAN, humingi ng permiso si Alexa mula kay Hope para sumaglit sa company’s infirmary.“Sige, Alexa. Huwag ka lang masyadong magtatagal at baka ma-warning tayo.”“Thank you.”Inakyat niya ang tanggapan ng company’s doctor para magpakonsulta. Pagdating niya doon ay nadatnan niya ang sekretarya ng doktor.“Hi! Good afternoon. Available po ba si doctor Estrera?”“Maupo ka muna, Miss. May naghihintay pang isang pasyente,” turo nito sa lalaking nakaupo sa isang couch. “Paki-fill-upon na lang muna itong form.”Mabagal ang pag-fill-up niya sa form dahil medyo magaan pa ang ulo ni Alexa sanhi ng kulang sa tulog. Hinahabol na naman siya ng masamang panaginip na iyon at ang paulit-ulit na lumalabas ay ang huling eksena sa batis. Ang huling pagkakataon na nasilayan niya ang pinakamamahal na lalaki. Kahit ngayon, sa tuwing naaalala niya ang bangungot ay pinipiga ng libu-libong palad ang kanyang puso. She needs help, she doesn’t want to forget Diego but she needs help to

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • Desliz Del Tiempo   About the Author

    About the AuthorAura Ruedas Jacinto goes by the pen name, Aura. She is from Toril, Davao City, Philippines and was born in Cotabato. She received her nursing degree from Davao Doctors College in 2009. Last 2019, she was chosen as one of Wattpad’s stars. Right now, she has stories under paid program from different online platforms and is functioning as a freelance editor.She is a nature and animal advocate. An otaku and a sucker of dark fantasy and supernatural tales, she sometimes get bold; probably the reason why she made it to writing.

  • Desliz Del Tiempo   EPILOGO

    Larawan ng purong kaligayahan ang paligid. Ang tila puno ng mahikang pagkalat ng sikat ng araw ay nagbibigay buhay sa sinuman madampian nito. Ang mga punong kahoy na umiindayog sa saliw ng malamig na hangin ay tila mga mananayaw na masayang pinagdiriwang ang ganda ng buong tanawin. Ang sabay na pag-awit ng mga ibon at kulisap na nakakalat sa kakahuyan ay nagdulot ng ligaya sa dalawang pusong naroroon. Pati ang galaw ng tubig sa tuwing humahalik at yumayakap sa mga bato ay nang-iimbita para tikman ang lamig na hatid niyon sa katawan. Lahat ng iyon ay isang kayamanang hindi matatawaran ng kahit anong salapi o ginto.“Masaya ka ba?” tanong ni Alvaro na hinagod ang pisngi ni Alexa gamit ang likod ng palad. Ang lamlam sa mga mata niya ay nagpapahiwatig ng pagmamahal na mas makapangyarihan sa anumang bagay.Ngumiti ang babae.“Masayang-masaya. Ang ganda naman dito. Paano mo nahanap ang lugar na ito, e, masyadong tago.” Muli binusog ni Alexa ang paningin sa kaakit-akit na paligid.

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 10

    PAGBUKA ng mga mata Alvaro ay nabungaran niya ang mukha ng ina na nakatungo sa nakalagmak niyang katawan.“Alvaro, anong nagyari sa iyo?” puno ng pangamba nitong tanong. Ang gitla sa noo nito ay mas lumalim.Dagli niyang kinapa ang leeg habang malakas na napaubo. Ramdam pa niya ang pagtakas ng galitrong dugo mula sa lalamunan. Pati ang nakakakilabot na alaala ng pagdaan ng matalas na metal sa kanyang balat.“Ma’am, ano po’ng nangyari?” tanong ng kasambahay na nagmamadaling pumasok sa kuwarto. “Hala, Sir, na pa’no ka?”Hindi alintana ng lalaki ang kaguluhan sa silid pati na ang pisngi niyang babad na sa luha. Itinukod niya ang kamay at siko sa sahig at dahan-dahang bumangon. Habol pa rin ang hiningang nagsalita.“Alessandra...”He felt his entire body chilled in horror and realization. Ang dibdib niya ay wari pinuno ng bomba at handa nang sumabog.Tuluyan na siyang tumayo at pasuray-suray na lumabas ng kuwarto. Hindi na pinansin ang ilang beses na pagtawag sa kany

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 9

    KINABUKASAN, humingi ng permiso si Alexa mula kay Hope para sumaglit sa company’s infirmary.“Sige, Alexa. Huwag ka lang masyadong magtatagal at baka ma-warning tayo.”“Thank you.”Inakyat niya ang tanggapan ng company’s doctor para magpakonsulta. Pagdating niya doon ay nadatnan niya ang sekretarya ng doktor.“Hi! Good afternoon. Available po ba si doctor Estrera?”“Maupo ka muna, Miss. May naghihintay pang isang pasyente,” turo nito sa lalaking nakaupo sa isang couch. “Paki-fill-upon na lang muna itong form.”Mabagal ang pag-fill-up niya sa form dahil medyo magaan pa ang ulo ni Alexa sanhi ng kulang sa tulog. Hinahabol na naman siya ng masamang panaginip na iyon at ang paulit-ulit na lumalabas ay ang huling eksena sa batis. Ang huling pagkakataon na nasilayan niya ang pinakamamahal na lalaki. Kahit ngayon, sa tuwing naaalala niya ang bangungot ay pinipiga ng libu-libong palad ang kanyang puso. She needs help, she doesn’t want to forget Diego but she needs help to

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 8

    "GOOD afternoon, Ma'am, Mister President. I am Alexa Monserrat and today I will be tackling–""Wait, stop there." Nabigla si Alexa sa biglang pagsalita ni Alvaro. "Is this the best way to start a presentation?"Kahit ang mga kasama niya at si Marinell ay natigilan din. Nagkatinginan ang mga ito."Good afternoon, I'm this and that. Today, I'll be talking about this. Absolutely not!" sabi nito na ikinampay-kampay ang kamay na nakapatong sa lamesa. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito sa pagkakaupo. "Don't you think it's too cliched? You are answering a wrong question with that introduction. You are answering the 'what' question. I am not after for the 'what' but for the 'why'. Why were you given the chance to stand there and take our precious time? Dapat sa umpisa pa lang ay malinaw na ang purpose kung bakit mo ginagawa ang presentation na iyan. Why is it important? Why do you deserve to be heard? Do you get my point... Miss Monserrat?"Naninigas ang mga panga ni Alexa at p

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 7

    “I feel wonderful, because I see the love light in your eyes!” bungad ni Alvaro sa pintuan ng malawak na kuwarto. Nilapitan niya sa babaeng nakaupo sa kama na may malumanay na ngiti at inabot dito ang isang tangkay ng long stemmed rose. Puno ng pagmamahal niyang hinagkan ang noo nito bago nagtanong, “How are you, Mom?”“I’m good, Alvaro. Mambobola ka talaga. Saan mo ba namana iyan? Hindi naman sweet talker ang daddy mo.”“There’s a realm called internet, nowadays, Mom,” saad niyang nakangiti at tumabi sa ina.“Nanghihina ka pa rin ba?”“Hindi naman. Pagkatapos lang ng dialysis session, pero normal reaction daw ‘yon sabi ng doctor. Bakit ka nga pala bumisita ngayon?”Alvaro raised his brows, acted hurt by the woman’s question. “Pinagbabawalan mo ba akong bisitahin ang pinaka-importanteng babae buhay ko?”Napatawa naman ang ginang. “Nagtatanong lang naman. Para lang may mapag-usapan.”“Hmn, I just want to tell you how I missed you.”“Mabuti ako, Alvaro, kaya huwag

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 6

    NAKATUON ang seryosong mga mata ni Alvaro sa hawak na papel. Iyon ang results na binigay ng kinuha niyang private investigator para mag-usisa sa katauhan ni Alexa Monserrat.Nakasaad doon na walang ibang kuwestiyonableng pag-aari ang babae. Nakatira ito sa isang maliit na boarding house kasama ang isang roommate na babae. Ang ina at nakababatang nitong kapatid na babae ay nakatira sa isang lumang bungalow na bahay sa Tarlac. Naging breadwinner ng pamilya simula noong mamatay ang ama apat na taon na ang nakalilipas. Marami pang ibang nakasulat sa makapal na kumpol ng papel kasali na ang basic profile information at araw-araw nitong routine sa loob ng isang buwang pagmamanman.Wala na bang napiga ang private investigator? He made sure to get the service from a large company para maiwasan ang pagpalya. Kung totoo na walang relasyon ang daddy niya at ang babae, ano iyong nadatnan niya sa opisina? Kataka-taka ang hitsura ng silid pagkapasok niya, with all the scattered pap

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 5

    "Are those dark circles supposed to be permanent?" tanong ng lalaking kaharap na naka white laboratory coat, si Vaughn, one of his best buds cum company physician ng Martins' Corporation, ang kompanyang pinagmamay-ari ng pamilya ni Alvaro."Huh?" baling niya dito mula sa pagkakatungo sa nilalarong chestpiece ng stethoscope sa ibabaw ng mesa."Hindi ka na naman ba nakatulog nang maayos?""Oh, these? Well...kinda," he shrugged lightly."Ang panaginip na iyon pa rin ba? Why don't you visit Hakim?""I don't need a psychiatrist, Vaughn, especially if crazier than me. Normal naman ako.""Hindi ka ba nababahala sa recurrent nightmares mo? A guy slit on the throat?" napapangiwing sabi nito na para bang nakakita ng actual na biktima. "Are you sure wala kang trauma noong bata ka pa?""The struggle of having a physician buddies..." Alvaro rolled his eyes while shifting his position to a more slouchy one."Seriously, Alvaro.""No, not that I can remember."Hindi pa rin ba

  • Desliz Del Tiempo   Capitulo 4

    LABING limang minuto mula sa silangang bahagi ng masyon ay matatagpuan ang isang batis kung saan madalas na nagtatagpo si Alessandra at Juan Diego. Ang susunod nilang pagkikita ay sa Huwebes ng hapon.Iyon ang nabasa ni Joselito sa papel na inabot sa kanya ng taong nagmamasid sa kilos ng dalawa. Mukhang totoong mas madalas pa sa inaakala ng lahat ang pagtatagpo ng mag-irog, dalawang araw pa lang ang nakalipas simula noong unang niyang natuklasan ang lihim na relasyon at magkikita na naman ang dalawa.Tiningnan niya ang kalendaryong nakapatong sa lamesa. "Dalawang araw simula ngayon."Nilamukos ng lalaki ang hawak na liham saka initsa sa basurahan na nasa tabi ng paa. "Oras na para sa isang palabas na hindi malilimutan ng Isla Alabat."Walang pag-aaksaya ng panahon niyang sinadya ang amain sa paboritong nitong silid at siniwalat ang lahat."Ama, tungkol sa sinasabi ko sainyo–""Hindi ka ba hihinto sa paratang na binabato mo kay Alessandra, Joselito? Malayong mangya

DMCA.com Protection Status