Home / Romance / HE IS OLDER THAN ME / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng HE IS OLDER THAN ME: Kabanata 11 - Kabanata 20

90 Kabanata

CHAPTER ELEVEN

"Hello Joan! Nasaan na ba kayo?! Nandito na ako sa Airport," excited kong sabi sa mga kaibigan kong si Joan at Shiela. Simula nang umalis ako ay hindi naman kami nawalan ng communication nina Joan at Shiela. Kaya ngayong nakabalik na ako dito sa sarili kong bansa ay sila rin ang una kong pinagsabihan. Hindi ko muna pinaalam sa pamilya ko ang pagababalik ko dahil may gusto pa akong gawin ng ako lang mag-isa. May gusto pa akong lutasin nang ako lang sa sarili ko. Isa pa ay nasa tamang edad na ako, hindi ko na kailangan pang pumisan sa mga magulang ko. Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang dalawang naglalakad sa di kalayuan. Si Joan ang may hawak ng cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. Narinig ko na sa phone ko ang boses nito.
last updateHuling Na-update : 2021-08-09
Magbasa pa

CHAPTER TWELVE

A few moments later: Wala na ang dalawa kong kaibigan, pinaikot ko ang paningin ko sa buong apartment na ngayon ay magiging tirahan ko. Sandali akong nasiyahan at nakaramdam din kaagad ng kalungkutan. Masaya sanang mamuhay nang ganoon, simple lang kasama ang lalaking itinadhana sa akin ng Diyos.May mga gamit na ang apartment bagay na ipinagtaka ko at nalimutang tanungin ang mga kaibigan ko. Mula sa kusina hanggang sa sala at sa kwarto ko ay kumpleto na rin ang mga gamit. Nagtaka ako kung saan naman sila kumuha nang pambili ng mga gamit na ito. May kamahalan pa ang ilang mga gamit na naroon.May dalawang kwarto ang aparment at isang banyo, at may kalawakang kusina. Naka tiles ang lababo at stainless naman ang pinaka hugasan ng mga pinggan. May mga nakasabit na gamit pang-luto at kumpleto ang laman ng kabinet at may mga delatang stock doon.Namangha ako ng sobra, ganito pala sila ka-organize sa pag-aayos ng matitirhan ko. Sobrang pasasalamat
last updateHuling Na-update : 2021-08-19
Magbasa pa

CHAPTER THIRTEEN

  Isang buwan na ang nakararaan buhat nang dumating si Annie dito sa bansa, at ako ay isang buwan na ring nagtitiis sa maliit kong apartment. Hindi naman masama ang lugar na iyon ang kaso lang siguro ay hindi lang ako sanay. Kung kailan kasi ako tumanda ay saka pa ako nakararanas nang ganitong pagbabago. Naalala kong malapit na nga pala ang kaarawan ko at madadagdagan na naman ang edad ko. Malapit na akong mag thirty-eigth at dalawang taon mula ngayon ay forty year old na ako. Napailing na lang ako. "HANGGANG KAILAN KAYA AKO MAGHIHINTAY SA KANYA?" Samantalang siya ay kaydaling nakalimot. Pakiramdam ko tuloy ay wala na siyang balak pang alalahanin ang kontrata namin na pagka-graduate niya ay kailangan niya na akong pakasalan.
last updateHuling Na-update : 2021-08-20
Magbasa pa

CHAPTER FOURTEEN

  Nakita kong umalis na pala ang doktor na kausap niya at bumaling siya sa amin. Kinausap niya ang Mama ko. "Mrs. Buenaventura, ayos lang po ba kayo?" magalang niyang tanong kay Mama. "May alam ka ba sa mga nangyayari sa amin?" tanong ni Mama kay Dave. Napatingin naman ako kay Dave sa maari nitong isagot kay Mama. "Opo." sagot nitong walang reaksiyon sa mukha niya. Na ikinagulat ko. Anong may alam siya? Bakit? Ano ba talaga ang nangyayari sa aking pamilya ngayon?Gano'n na ba talaga ako kalayo sa pamilya ko at hindi ko na alam ang status namin. At ano ba ang sinasabi ni Mama na wala na raw kaming pera? "Ma! Ano bang nangyari sa business natin? Bakit sabi mo wala na tayong pera? Paanong nangyari yon? Stable naman ang business niyo ni Papa?" tanong ko kay Mama na naguguluhan sa mga nangyayari. "Mahabang kwento, at si Dave na lang siguro ang bahalang magpaliwanag sa'yo. Tutal malawak ang galamay ng
last updateHuling Na-update : 2021-08-21
Magbasa pa

CHAPTER FIFTEEN

Hindi ako sinagot ni Dave sa mga tanong ko sa kanya. Hindi pa raw iyon ang tamang oras para magsalita siya. At hindi raw siya ang nasa lugar para sabihin iyon sa akin. Sa tingin ko ay maraming alam si Dave na ayaw niyang sa kanya mismo ko marinig. Naisip ko na lang na kailangan kong respetohin ang mga desisyon niya ng mga oras na iyon. Kaya naman hindi ko na lang siya pinilit na magsalita pa. Para sa akin ay sapat na muna na naririto siya sa aking tabi. At nagmamalasakit sa akin bilang isang mabuting tao, na siya kong lubos na ipinagpapasalamat. At dinarasal na sana ay hindi siya magbago ng pakikitungo sa akin kahit na ano pa ang magiging desisyon ko tungkol sa agreement namin.                                         ********************************************     Ilang
last updateHuling Na-update : 2021-08-21
Magbasa pa

CHAPTER SIXTEEN

Dave POV: "Hello, Joan pwede ka bang pumunta rito sa ospital? paki samahan mo muna si Annie, nag-iisa siya rito sa hospital." sabi ko kay Joan nang matawagan ko na ito. "A, ganong ba 'dika pwede kasi ikaw lang ngayon ang kasama ng mga kapatid mo. Okay, I try to call Shiela." Pinatay ko na ka agad ang cellphone ko upang matawagan ko naman si Shiela. Ngunit hindi ko rin matawagan si Shiela. My God, hindi ko siya pwedeng iwan na mag-isa roon. Alam kong hindi siya komportable sa akin, pero mas hindi ko kayang iwan siya doon at makitang malungkot ang kanyang mga mata. Mas iisipin ko pa ba ang pagkailang niya o  ang pangangailangan niya ng makakasama? Ayaw kong isipin niyang namimilit ako sa mga oras na ito na unawain niya ako. Per
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

CHAPTER SEVENTEEN

Annie Pov: Tuluyan nang bumagsak ang pinipigilan kong mga luha. Ang puso ko ay patuloy na sumisikip at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Nasaktan ko na naman siya. At sa tuwing ginagawa ko iyon ay doble ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko matandaan kung una ko siyang minahal? Pero buhat nang umalis ako noon alam ko sa puso ko na mahal ko na siya at kahit sinubukan kong kalimutan siya ay hindi ko nagawa. Ilang beses kong sinuway ang agreement, nakipag relasyon ako sa mga  lalaking nanliligaw sa akin noon. Pero lahat iyon hindi naman tumagal ng isang buwan.  Ilang beses kong sinubukan pero wala pa rin. Wala akong nagawa. Ang puso ko hindi lang sa papel naka tali, kundi sa mga maliliit na ala-ala ng isipan ko para sa kanya. Siguro nga mahal ko na siya. But I am in denial!Paano nga bang nagawang mahalin ng isang tulad niya ang tulad ko? Namalayan ko nalang na wala na pala siya sa harap ko. Napatingin ako sa
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

CHAPTER EIGHTEEN

"Ano pa ba ang sasabihin mo sa akin at nandito ka pa!?" tanong ko na pilit kong tinatagan ang sarili ko. Pilit kong ipinakitang galit ako sa mga nangyari."Annie, please huwag kang magalit sa akin, hindi ko naman intensyon na makita kung anuman ang nasa iyo,  ginawa ko lang iyon para matulungan kita. Five hours kang nakababad sa tubig, nawalan ka ng malay at nilalagnat. Alanganamang tumawag pa ako ng kung sino para lang buhatin ka sa bathtub at dalhin ka sa kama," sabi nito na talagang pinipilit akong kumbinsihin na wala siyang masamang intensyon.Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi niya o hindi. Well, kahit kaunti man lang ba na pagnanasa ay wala siyang naramdaman sa akin! Kainis siya! "Okay!" sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko para lang patigilin na siya sa mga sinasabi niya."I just want to explain! Nirerespeto kita! kasi alam ko namang mas bata ka sa akin, At marami ka pang hindi alam pagdating sa mga ganitong sitwasyon_"
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

CHAPTER NINETEEN

One week na ang lumipas buhat nang magkausap kami ni Dave, pero ang hambog na lalaki hindi na ulit nagpakita sa akin. Madalas ko ring tingnan kung umuwi siya sa apartment pero mukhang wala nga siya parati at nang tanongin ko naman sa guard kung nakikita nila ang may-ari sa katabi kong apartment ay wala raw silang nakikitang dumarating kahit na gabi na. Talaga ngang nasaktan ko ang damdamin niya ng husto? Dahilan para hindi na siya umuwi rito. Napuno na siguro ito sa akin at ayaw na niya akong makita pa. Pero kahit na puno ako ng mga pagdududa ay nag-aalala parin ako sa kanya. Kaya naman ng maalala kong doon nagtatrabaho si Joan, nakaisip akong pumunta roon at nagkaroon ng dahilan para mapuntahan siya sa hotel, kung saan siya madalas nag-i-stay. Mga kalahating oras din akong nag byahe papunta sa hotel kung saan nagtatrabaho si Joan, ang Santivaniez  Hotel na nasa Alabang. Agad akong bumaba nang buksan pa ni Phillip ang pintua
last updateHuling Na-update : 2021-08-23
Magbasa pa

CHAPTER TWENTY

Nakarating ako sa ospital sa loob ng isang oras, at tumungo ako kaagad sa kwarto ni Papa. nagulat na lang ako na naroon silang lahat. Si Mama at sina kuya Dhino, at ang asawa nitong si Luisa. Naabutan ko silang tila may matinding pinag-uusapan."Ma, Kuya, Ate, anong meron bakit lahat po kayo nandito? Kamusta na po si Papa?" sunod-sunod kong tanong sa kanila."Hindi pa siya nagkakamalay," sagot ni Kuya Dhino sa akin. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng makita ko si Papa na naroon pa rin at nakaratay sa higaan. Pinagmamasdan ko siya at nakikita kong napakaraming dinadala nito sa puso, kaya't humantong pa siya sa ganitong kalagayan. Nakakalungkot lang na naganap ito sa kanya habang wala ako sa tabi niya. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama, at inabot ko ang kanyang kamay, pinisil ko ito. Naiiyak akong yumuko at dinikit ang kamay ni Papa sa aking pisngi. Nakita ko naman si Mama na parang balisa kaya nag-alala rin ako para sa kan
last updateHuling Na-update : 2021-08-23
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status