Home / Romance / HE IS OLDER THAN ME / CHAPTER FOURTEEN

Share

CHAPTER FOURTEEN

Author: RRA
last update Last Updated: 2021-08-21 21:52:52

Nakita kong umalis na pala ang doktor na kausap niya at bumaling siya sa amin. Kinausap niya ang Mama ko.

"Mrs. Buenaventura, ayos lang po ba kayo?" magalang niyang tanong kay Mama.

"May alam ka ba sa mga nangyayari sa amin?" tanong ni Mama kay Dave.

Napatingin naman ako kay Dave sa maari nitong isagot kay Mama.

"Opo." sagot nitong walang reaksiyon sa mukha niya. Na ikinagulat ko.

Anong may alam siya? Bakit? Ano ba talaga ang nangyayari sa aking pamilya ngayon?

Gano'n na ba talaga ako kalayo sa pamilya ko at hindi ko na alam ang status namin. At ano ba ang sinasabi ni Mama na wala na raw kaming pera?

"Ma! Ano bang nangyari sa business natin? Bakit sabi mo wala na tayong pera? Paanong nangyari yon? Stable naman ang business niyo ni Papa?" tanong ko kay Mama na naguguluhan sa mga nangyayari.

"Mahabang kwento, at si Dave na lang siguro ang bahalang magpaliwanag sa'yo. Tutal malawak ang galamay ng

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Donnalyn Rombaoa
paunlock po pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER FIFTEEN

    Hindi ako sinagot ni Dave sa mga tanong ko sa kanya. Hindi pa raw iyon ang tamang oras para magsalita siya. At hindi raw siya ang nasa lugar para sabihin iyon sa akin. Sa tingin ko ay maraming alam si Dave na ayaw niyang sa kanya mismo ko marinig. Naisip ko na lang na kailangan kong respetohin ang mga desisyon niya ng mga oras na iyon. Kaya naman hindi ko na lang siya pinilit na magsalita pa. Para sa akin ay sapat na muna na naririto siya sa aking tabi. At nagmamalasakit sa akin bilang isang mabuting tao, na siya kong lubos na ipinagpapasalamat. At dinarasal na sana ay hindi siya magbago ng pakikitungo sa akin kahit na ano pa ang magiging desisyon ko tungkol sa agreement namin. ******************************************** Ilang

    Last Updated : 2021-08-21
  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER SIXTEEN

    Dave POV: "Hello, Joan pwede ka bang pumunta rito sa ospital? paki samahan mo muna si Annie, nag-iisa siya rito sa hospital." sabi ko kay Joan nang matawagan ko na ito. "A, ganong ba 'dika pwede kasi ikaw lang ngayon ang kasama ng mga kapatid mo. Okay, I try to call Shiela." Pinatay ko na ka agad ang cellphone ko upang matawagan ko naman si Shiela. Ngunit hindi ko rin matawagan si Shiela. My God, hindi ko siya pwedeng iwan na mag-isa roon. Alam kong hindi siya komportable sa akin, pero mas hindi ko kayang iwan siya doon at makitang malungkot ang kanyang mga mata. Mas iisipin ko pa ba ang pagkailang niya o ang pangangailangan niya ng makakasama? Ayaw kong isipin niyang namimilit ako sa mga oras na ito na unawain niya ako. Per

    Last Updated : 2021-08-22
  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER SEVENTEEN

    Annie Pov: Tuluyan nang bumagsak ang pinipigilan kong mga luha. Ang puso ko ay patuloy na sumisikip at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Nasaktan ko na naman siya. At sa tuwing ginagawa ko iyon ay doble ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko matandaan kung una ko siyang minahal? Pero buhat nang umalis ako noon alam ko sa puso ko na mahal ko na siya at kahit sinubukan kong kalimutan siya ay hindi ko nagawa. Ilang beses kong sinuway ang agreement, nakipag relasyon ako sa mga lalaking nanliligaw sa akin noon. Pero lahat iyon hindi naman tumagal ng isang buwan. Ilang beses kong sinubukan pero wala pa rin. Wala akong nagawa. Ang puso ko hindi lang sa papel naka tali, kundi sa mga maliliit na ala-ala ng isipan ko para sa kanya. Siguro nga mahal ko na siya. But I am in denial!Paano nga bang nagawang mahalin ng isang tulad niya ang tulad ko? Namalayan ko nalang na wala na pala siya sa harap ko. Napatingin ako sa

    Last Updated : 2021-08-22
  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGHTEEN

    "Ano pa ba ang sasabihin mo sa akin at nandito ka pa!?" tanong ko na pilit kong tinatagan ang sarili ko. Pilit kong ipinakitang galit ako sa mga nangyari."Annie, please huwag kang magalit sa akin, hindi ko naman intensyon na makita kung anuman ang nasa iyo, ginawa ko lang iyon para matulungan kita. Five hours kang nakababad sa tubig, nawalan ka ng malay at nilalagnat. Alanganamang tumawag pa ako ng kung sino para lang buhatin ka sa bathtub at dalhin ka sa kama," sabi nito na talagang pinipilit akong kumbinsihin na wala siyang masamang intensyon.Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi niya o hindi. Well, kahit kaunti man lang ba na pagnanasa ay wala siyang naramdaman sa akin! Kainis siya!"Okay!" sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko para lang patigilin na siya sa mga sinasabi niya."I just want to explain! Nirerespeto kita! kasi alam ko namang mas bata ka sa akin, At marami ka pang hindi alam pagdating sa mga ganitong sitwasyon_"

    Last Updated : 2021-08-22
  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER NINETEEN

    One weekna ang lumipas buhat nang magkausap kami ni Dave, pero ang hambog na lalaki hindi na ulit nagpakita sa akin. Madalas ko ring tingnan kung umuwi siya sa apartment pero mukhang wala nga siya parati at nang tanongin ko naman sa guard kung nakikita nila ang may-ari sa katabi kong apartment ay wala raw silang nakikitang dumarating kahit na gabi na. Talaga ngang nasaktan ko ang damdamin niya ng husto? Dahilan para hindi na siya umuwi rito. Napuno na siguro ito sa akin at ayaw na niya akong makita pa. Pero kahit na puno ako ng mga pagdududa ay nag-aalala parin ako sa kanya. Kaya naman ng maalala kong doon nagtatrabaho si Joan, nakaisip akong pumunta roon at nagkaroon ng dahilan para mapuntahan siya sa hotel, kung saan siya madalas nag-i-stay. Mga kalahating oras din akong nag byahe papunta sa hotel kung saan nagtatrabaho si Joan, ang Santivaniez Hotel na nasa Alabang. Agad akong bumaba nang buksan pa ni Phillip ang pintua

    Last Updated : 2021-08-23
  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER TWENTY

    Nakaratingako sa ospital sa loob ng isang oras, at tumungo ako kaagad sa kwarto ni Papa. nagulat na lang ako na naroon silang lahat. Si Mama at sina kuya Dhino, at ang asawa nitong si Luisa. Naabutan ko silang tila may matinding pinag-uusapan."Ma, Kuya, Ate, anong meron bakit lahat po kayo nandito? Kamusta na po si Papa?" sunod-sunod kong tanong sa kanila."Hindi pa siya nagkakamalay," sagot ni Kuya Dhino sa akin. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng makita ko si Papa na naroon pa rin at nakaratay sa higaan.Pinagmamasdan ko siya at nakikita kong napakaraming dinadala nito sa puso, kaya't humantong pa siya sa ganitong kalagayan. Nakakalungkot lang na naganap ito sa kanya habang wala ako sa tabi niya. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama, at inabot ko ang kanyang kamay, pinisil ko ito. Naiiyak akong yumuko at dinikit ang kamay ni Papa sa aking pisngi.Nakita ko naman si Mama na parang balisa kaya nag-alala rin ako para sa kan

    Last Updated : 2021-08-23
  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER TWENTY-ONE

    "Wala na tayong maaasahan ngayon kundi ikaw Annie, ang pagpapakasal mo kay Mr. Dave Santivaniez ang mag sasalba sa atin sa mga pangyayaring ito." sabi ni Mama. Sa puntong iyon mas lalo akong kinabahan, ngayon pa na nagkakalabuan kami at may isang tila malaking pader ang nakaharang sa amin. Hindi maganda ang naging takbo ng mga pangyayari sa amin nitong mga nakaraang araw. Dave was definitely angry with me! At hindi ko alam kung may puwang pa sa puso niya ang isang tulad ko. Baka ipagsawalang bahala na lamang niya ang agreement na iyon lalo pa at hindi na namin makakayang maghabol pa. Lalo na sa mga nangyari kay papa. Siya na halos ang gumastos sa lahat ng pagpapagamot kay Papa. Pero ano itong ginawa ko? Sinaktan ko pa siya sa mga salitang binitiwan ko. Kaya wala na akong mukhang ihaharap pa, para ipaglaban pa ang agreement na iyan. "What's wrong with you Annie?" tanong ni Mama ng napansin niyang hindi ako sumagot sa mga sinabi niya. "Ha?

    Last Updated : 2021-08-24
  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER TWENTY-TWO

    "Ano ba! Bakit mo ba ako pinigilan!?" sabi niya sa akin. "Bakit kita pinigilan Annie!? Nalalaman mo ba ang ginagawa mo? Please mag-isip ka munang mabuti bago ka kumilos ng padalos-dalos!" Malayo na ang inandar ng sasakyan namin mula sa building ng kanyang Papa. Senenyasan ko si Alvin na ihinto ang kotse. "Alvin, iwan mo na kami rito. Mauna na kayo sa hotel." "Pero Sir?" nag-aatubili nitong sagot sa akin. Ngunit sa isang tingin ko lang ay nakuha na niya ang ibig kong sabihin. Bumaba nga ito ng sasakyan at ilang sandali pa ay naiwan kami ni Annie sa loob ng kotse. "Ikaw bata ka! Nalalaman mo ba ang ginagawa mo?!" sabi ko sa kanya nang kaming dalawa na lang sa kotse. Hindi ko

    Last Updated : 2021-08-24

Latest chapter

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER NINETY

    Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakinggan ang pasasalamat ng presidente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang Badong ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay n

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGHTY-NINE

    Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie."Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag. ********Six months later:Annie's pov:Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang. Kasalukuyan kaming narito sa batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bak

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGHTY-EIGHT

    Dave's pov:Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng buong NBI."Kamusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin."Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo?" sabi nito na nanlilisik ang mga mata."Hindi mo ba alam na anak ko si Churles! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin."Anak mo pala siya!" mariin kong sagot."Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo."Anak! na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan."Alam mo, Ikaw pa rin h

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EGHTY-SEVEN

    Six months later: Annie's Pov: Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako. Iyon din ang sabi ni mama. Kapag daw natutulog na ako at saka dumarating ang asawa ko, binabantayan daw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Bagyo at asikasuhin multi ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGHTY-SIX

    Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. At nakita ko ngang nasa malayo na ang mga pulis at ang lahat ng mga kasama ko kanina sa loob ng mansion. Nakita ko rin na kinukuha na rin ng rescuers si Don Fabian na noo'y wala pa ring malay. Mas gusto ko sanang siya na lang ang naiwan doon at hindi si Churles. Ngunit naunawaan kong tama siya, mawawalan ng saysay ang lahat kung hindi niya pagdudusahan ang kanyang mga kasalanan sa batas. "Sir Dave, may tama ka," sabi ni Alvin at simon na sumalubong sa akin. Napasampay naman ang braso ko kay Alvin. "Simon, siguruhin mong mga pulis at NBI ang makakakuha kay Don Fabian." Tumango naman ito at agad na sumunod sa inutos ko. Pinuntahan niya si Don Fabian na kasalukuyang nakagapos na. Nang naroon na sila sa campo na medyo malayo na sa mansiyon ngunit tanaw pa rin namin ito. Hanggang sa naubos ang oras at tuluyang sumabog ang buong mansion. Hindi gumana ang planong naisip ko. Nakita naming tinupok ng ma

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGHTY-FIVE

    Nang makapaglabas na ng ilang baul ang tauhan ni Don Fabian ay pinagtulungan naming mga kalalakihan ang pagbuhat sa malaking aparato kung saan naroon ang bomba. Maliban kay Churles na kinuha ang mga lubid na kanina ay nakatali sa mga bihag at siya niyang itinali kay Don Fabian na wala pa ring malay."Isa...dalawa...tatlo...." bilang namin habang sabay-sabay na binubuhat ang aparato. Hanggang sa naipasok namin ang aparato sa loob ng silid at saka namin iyon muling isinara. May tatlong oras na nalalabi upang makatakas kami bago sumabog ang bomba.Samantalang naririnig na namin ang mga paghuhukay na ginagawa nila sa labas para mailigtas lamang kami sa nalalapit na pagsabog.Nakita nila ni Dhino at Shiemen ang kaunting lamat sa pader na nalikha ng mga tao sa labas. Habang pilit nilang hinuhukaya at tinitibag ang pader sa labas. Sinikap nilang mabasag ang mga salamin sa bintana ngunit napakatibay ng mga salamin dahil sa sobrang kapal at gawa sa mamahaling materyales.

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGHTY-FOUR

    Habang nag-iiyakan ang lahat ay nagising si Don Fabian. Tumawa na naman ng malakas."Ano, natatakot na ba Kayo!" sabay tawa ng napakalakas. "Ano ngayon ang gagawin niyong lahat?" tanong nito na halos baliw nang nagsasalita."Hayup ka!" sa sobrang galit ni Churles ay nasapak na niya ito at sinundan pa ng napakarami pang suntok. Natigilan na lamang siya ng makita niyang wala na naman itong malay.Samantalang kausap ko ang mga ka-team ko na kasalukuyan nang gumagawa ng paraan para maaccess nila ang security system ng buong mansion ni Don Fabian. Lahat ng data ay nasa computer na nila. At malaki ang tiwala ko na maha-huck nila ito.Habang ginagawa nila iyon ay tinignan ko ang bomba, meron na lamang kaming apat at kalahating oras para maka alis sa mansiong iyon."Hello Chip! Gumawa kayo ng paraan upang makaligtas kami, magpadala kayo ng mga kagamitan para magiba ang mga pader!"

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGHTY-THREE

    "Ano! Huwag kayong kikilos ng hindi ko gusto! Subukan niyong galawin ang mga bihag niyo siguradong mamatay 'tong amo niyo!" sigaw ni Churles na idiniin pa ang bisig niya sa leeg ng matanda. Nakatutok sa sintido nito ang forty-five caliber na baril na hawak niya. "Sige na Dave! Lapitan mo na sila!" baling sa akin ni Churles. Mabilis naman akong nakalapit sa mga bihag. Mabilis kong kinalagan si Shimen, at Salmon upang matulungan nila akong kalagan ang iba. "Salamat Dave,"sabi ni Shiemen na agad namang kinalagan si Carol, at ang iba pang naabot niya. Nakatali ang mga kamay at paa nila. Sinunod ko naman si Salmon, at si Dhino.At nang makalagan ko na sila ay pinalabas ko na sila upang makalapit sa mga pulis. "Bilisan niyo lumabas na kayo, Dhino kayo nang bahala sa anak ko." sabi ko dahil nilapitan ko naman si Edmon, na noon ay nakahandusay at halos hindi na makakilos. "Edmon kaya mo pa ba?" tanong ko. Ngunit sinigawan ako nina Shimen at Salmon.

  • HE IS OLDER THAN ME   CHAPTER EIGTY-TWO

    Si Don Fabian ay nakaupo sa upuang kumikinang sa ginto at umaastang parang hari. Naisip kong maaaring nababaliw na ito. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi na niya alam kung saan niya ilalagak at gagamitin kaya kung ano-ano na lang ang naiisip nito."Ano Don Fabian? Inaakala mo na bang hari ka kung nakaupo ka na sa mamahaling upuan mo? Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang usapang ito!" malakas kong sigaw sa kanya."Kalma ka lang Dave! Darating din tayo sa gusto mong mangyari!" At sinabayan pa nito ng malakas na tawa."Sige lang tumawa ka! Pwede ba? Ilabas mo na ang pamilya ko! Pakawalan mo na sila!" sigaw kong muli sa baliw na matanda.Tumayo muna ito sa kinauupuan nito at lumakad ng bahagya papunta sa amin. "Ano Dave ang hari pa ang lalapit sa'yo?" seryoso nitong sabi sa kanya nang makalapit sa amin ni Churles. Si Charles naman ay bahagyang niluwagan ang pagkakatali sa mga kamay ko sa aking likod

DMCA.com Protection Status