“Anak, alam kong na-impluwensya ka lang sa akin kaya mo ito ginagawa ngayon. Na-realize ko na hindi dapat gano’n—” Agad kong pinutol si Nanay na ngayon ay katawagan ko sa kabilang linya. Nanatili lang ako rito sa kwarto ko. Wala naman akong gagawin at sabi ni Tita Ruffa ay pagpaplanuhan pa raw nila ang tungkol sa kasal namin. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ang bata-bata ko pa para magpakasal, pero kailangan ko ’tong gawin. Wala naman sigurong masama. Makakapag-aral pa ako, gaya ng sabi ni Sheldon. Okay na sa akin homeschooled basta maituwid ko lang ang kolehiyo. “Nay, desisyon ko ito. Huwag ka pong mag-aalala sa akin. Alam ko ang ginagawa ko,” sabi ko sa kanya. “At saka, Nay, hindi naman ako lugi kasi mayaman at gwapo ag mapapangasawa ko,” pagbibiro ko pa. “Anak…” Bumuntonghininga ako. &
Last Updated : 2021-07-15 Read more