Home / History / Aking Maria / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Aking Maria: Chapter 61 - Chapter 70

92 Chapters

Kabanata 60

“Pelipe,”gulat na bulong ni Maria ng makita ang binata sa labas ng bahay nila. Babawiin sana nito ang kamay na nakahawak sa kamay ni Kanor ng makita niyang nakatingin doon ang binata pero mabilis na hinigpitan ni Kanor ang hawak dito.May kung anong sakit naman na dumaan sa mga mata ni Pelipe. “Anong kailangan mo, Pelipe?” Si Kanor na ang nagtanong dito, lumipat naman ang tingin ng binata dito at bumati. “Magandang gabi sa inyo, gusto ko lang ibigay sa inyo itong imbitasyon para sa kasal naming ni Yola.” Walang emosyon ang mukha at tono ni Pelipe na mas lalong nagbibigay ng sakit sa damdamin ng dalaga.  Bakit kailangan na personal pa nitong iabot ang imbitasyon sa kanila, hindi man lang ba nito iniisip ang nararamdaman niya o gusto nitong ipamukha na wala na talagang pag-asa at kailangan na dalagang kalimutan ni Maria ang lahat-l
last updateLast Updated : 2021-11-17
Read more

Kabanata 61

“Sabihin mo sino nga ba samin ang mag matimbang sayo? Sino ba ang mas mahalaga sayo? Ako o ang Kanor na iyon?” Hindi na nakatiis na tanong ni Pelipe. Kung alam lang ng binata na ganoon ang mangyayari sa relasyon niya ay hindi na lang sana ito pumayag sa plano ng kaibigan niyang si Yola, ngayon ay nag sisisi siya, “sagutin mo, sinong mas mahalaga saming dalawa ni Kanor? Ako o Siya?” Muling pag-uulit ni Pelipe sa tanong niya sa dalaga. Hindi agad magawang sumagot ng dalaga sa tanong ng binata sa kaniya, sino nga ba ang mas mahalaga sa dalawa para sa kaniya?Bakit kailangan niyang mamili sa dalawa kung magkaiba naman ang ang nararamdaman niya sa mga ito. “Bakit kailangan ko na  mamili sa inyong dalawa, bakit kailangan ko pa sabihin kung sino ang mas mahalaga sa inyo kung pareho ko kayong ayaw mawala?” Naguguluhan na tanong nito, “mahalaga si Kanor sakin dahil
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more

Kabanata 62

“Maria, anong ibig sabihin nito? Bakit gulo-gulo ang kwarto mo at nakabukas pa ang bintana? Nako ka, alam mo naman na delikado ngayon tapos binubuksan moa ng bintana mo ng ganitong oras. Paano na lang kung pasukin ka ng mga masasamang loob at wala kaming kaalam-alam?” Nag-aalala ang mukha na sabi ng Ina nito. Napatikhim naman ang dalaga at napaiwas ng tingin sa Ina. Wala itong kaalam-alam na may tao lang kanina doon. “Ina naman, napaka-imposible ng sinasabi mo na may papasok sa bintana ko. Sino naman ang ipapahamak ang sarili kung alam naman niyang wala siyang makukuha dito.” Saad nito, mas lalo namang kumunot ang Ina ng Ginang. “Maganda na rin ang sigurado, malay mo naman ay may mga lalake talagang handing umakyat sa bintana mo para gawaan ka ng masama, yung mga ganoong tao hindi dapat pagkatiwalaan kaya nga may pintuan para doon dumaan.” Sermon nito sa dalaga.
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more

Kabanata 63

            Napahinto si Maria sa narinig, parang isang nakakabinging tunog ang mga salitang binitiwan ng kaniyang Ina ng sabihin nitong ilayo na niya ang sarili sa binatang si Pelipe. Ninanais pa nga niyang sabihin sana sa Ina ang tungkol sa kanilang dalawa ng binata na muli silang nagkabalikan, ngunit paano niya gagawin iyon kung nauna na itong magsabi na lumayo na siya dito at sa pamilya nito.             “Pero Ina, kailangan ba talagang madamay kami sa gulo na iyon? Wala naman po kaming kinalaman doon, kung ang pamilya po ba ni Kanor ang nakairingan ninyo ay palalayuin nyo rin ba ako kay Kanor?” Mahinahon na tanong ni Maria sa Ina, natahimik saglit ang Ginang. Napansin siguro nito ang punto ng dalaga na away lamang iyon ng matatanda at hindi dapat sila madamay. “Naiintindi
last updateLast Updated : 2021-11-21
Read more

Kabanata 64

“Basta lumayo ka muna sa kaniya, habang hindi pa natatapos ang gulo mas mabuti ng sumunod ka muna.” May paninindigan na sabi ng Ina nito kay Maria, hindi nito pwede na unahin ang awa sa  anak dahil lang nahihirapan ito. “Pero paano kung sabihin ko po na hindi ko talaga kaya na isantabi ko ang nararamdaman ko, na mahal na mahal ko sya at hindi kayang mawala sya sakin.”Ang mga mata na wari’y nakikiusap ay tumitig sa Ina niya, umaasa na magbabago pa ang isip nito pero umiwas lang ng tingin at Ina at tumayo sa pagkakaupo sa kama at nagsimula ng lumakad palabas ng silid niya. “Ina, nakikiusap ako sayo kahit ikaw sana maintindihan mo ang nararamdaman ko. Ikaw ang napagsasabihin ko ng lahat at ikaw ang makakaintindi ng lahat. Pareho tayong babae at alam mo kung anong pakiramdam ng magmahal, huwag nyo naman sanang ipagkait sakin yun.”Hinawakan ng dalaga ang kamay
last updateLast Updated : 2021-11-21
Read more

Kabanata 65

“Kanor,” bulong ng dalaga ng makita ang lalaking kararating lang at hindi maipinta ang mukha sa nakikita, alam nilang lahat na mainit ang dugo nito pagdating sa pamilya nila Pelipe. “Anong ibig sabihin nito? Bakit andito sya, tinalikuran nyo na ba ang pagtulong sa Ama ko kaya nakikipagkasundo na kayo ka lalakeng yan?” Iyon ang salitang unang lumabas sa bibig ng binata ng makita niya ang mukha ng panganay na anak ng mga taong tumagging tulungan ang Ama niya.  “Nagkakamali ka ng iniisip, Kanor walang ganon na nagyayari maupo ka rin muna dito at mag-usap tayo.” Mahinahon ang salita ng Ama ni Maria dito at halata ang pag-aalala, kitang-kita naman ni Maria ang inggit sa mga mata ni Pelipe dahil hindi siya ganoon kausapin ng Ama ng dalaga. Nakatingin lang ng masama si Kanor  kay pelipe hanggang makaupo dito, hindi tuloy mapigilan
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more

Kabanata 66

            Nang mga oras na iyon ay walang nagawa si Pelipe kung hindi ang umuwi na muna, habang walang ginawa si Maria kung hindi ang umiyak ng umiyak. Kahit ang Ama ng dalaga ay hindi mapigilan na makaramdam ng awa para sa anak.             Aminado naman ang mga ito na gusto nilang maranasan ng anak nila ang pakiramdam na magkagusto, pero hindi nila ginusto na maranasan ng dalaga ang masakit na uri ng pagmamahal.  Kaya hanggang maaari ay pigilan muna nila ito na mapalapit sa lalake hanggang hindi nagiging maayos ang lahat.             “Tumahan ka na riyan, Maria hindi naman porket umalis sila ay hindi na sila babalik. Narinig mo naman ang sinabi ng Ama mo, pag naging maayos na ang lahat para kay Pelipe ay hahayaan na niya iton
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more

Kabanata 67

            “Ina, mahal ko po talaga si Pelipe. Pakiramdam ko ay kaya ko na harapin ang lahat para sa kaniya, kaya kong tiisin ang hirap at kaya ko na maghintay ng matagal hanggang maging maayos ang lahat para samin. Iyong may tamang oras para masabi naming na para talaga kami sa isa’t-isa.”              “Minsan kailangan mo talagang maghintay ng tamang oras at pagkakataon para masabi mo sa sarili mon a para sayo sa isa’t-isa, hindi rin naging madali para samin ng Ama mo, noong una ay hindi rin gusto ng mga magulang ko pero naghintay kami, nagsumikap hanggang makuha namin ang basbas nila. Hindi lahat nadadaan sa mabilisan ang proseso kung gusto mo talaga ng magandang resulta dapat marunong kang mag hintay.” Pangangaral ng Ina nito sa dalaga.    
last updateLast Updated : 2021-11-24
Read more

Kabanata 68

            Buong araw hanggang gabi ay hindi umuwi si Maria kung hindi ang bantayan ang Ama niyang nakahilata sa kama, hindi ito makakilos at makakain mag-isa kaya talagang kailangan na hindi nawawalan ng bantay. Hindi naman pwedeng mag lagi ang Ina niya doon dahil nagtuturo ito sa mga bata na hindi kayang magbayad sa mataas na paaralan.             Tanging mga nobela lang ang naging libangan ng dalaga sa mga oras na iyon, wala rin naman siyang ibang pwedeng gawin kung hindi ang magbasa. Bumalik na ang matandang babae sa bahay nila para naman mag handa ito ng hapunan niya sa pagamutan.Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng silid ng Ama kaya mabilis siyang tumayo sa pag-aakalang ang Ina o ang matandang kasambahay na nila iyon ngunit ang mukha ni Kano rang tumambad sa kaniya.   &nbs
last updateLast Updated : 2021-11-25
Read more

Kabanata 69

            Tatapusin na muna ni Maria kung anong meron sa kanila, iyon ang pinangako at sinabi niya sa sarili niya pero ngayon na kaharap na nila ang binata ay hindi na niya maalala kung ano ang mga salitang kinabisado niya para makusapin ito ng hindi nasasaktan at hindi sila nag-aaway.             “Kanina kapa tulala diyan, mukhang may malalim ka na iniisip. Kung kailangan mo ng kausap andito naman ako para mapagsabihan mo ng mga problema, huwag mo sabihin na mas gusto at komportable ka pa rin kay Kanor magkwento kaysa sakin?” Malungkot ang tono nito pero halata ng dalaga na nagpapaawa at nag drama lamang ang binata.             Ilang araw nga ba niya pinilit ang sarili at kinumbinsi na itigil muna ang relasyon sa binata, pero
last updateLast Updated : 2021-11-26
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status