Naramdaman ko ang pagtama ng kung ano sa aking mukha, dahilan kung bakit ko naimulat ang aking mga mata. Bumangad sa akin ang asul na kisame, ang buong kwarto ay asul. Dito pala ako nakatulog sa kwarto ni Eidderf, kaya alam kong siya rin ang gumising sa akin. Bumaling ako sa kapatid kong hawak ang kanyang asul ding unan habang nakasimangot. "Toothbrush ka na, ate." tinakpan niyaang kanyang ilong bago ako muling hinampas at binitawan sa mukha ko ang unan niya. Lumabas siya ng silid bago muling sumigaw, "yuck baho mo!" Ngumisi ako bago bumangon, pumunta ako sa aking kwarto at nag sepilyo gaya ng gusto ni senyorito. Tamad na tamad akong kumilos kaya hindi ko namalayan na nakapasok na siya sa aking kwarto at nagtatalon sa kama. "Make it fast ate! Bagal mo late na tayo," patuloy pa rin siya sa pagtalon kaya binalingan ko siya. "Late for what?" Tumigil siya sa pagtalon at n
Last Updated : 2024-10-29 Read more