Home / Romance / Epiphany / Kabanata 11 - Kabanata 13

Lahat ng Kabanata ng Epiphany: Kabanata 11 - Kabanata 13

13 Kabanata

Kabanata 11

Kabanata 11 Dalawang araw na ang lumipas mula ng pumunta si Josh sa America. So far, mabuti naman ang takbo ng relasyon naming dalawa. Naalala ko, pagkarating na pagkarating niya sa airport ay tinawagan niya agad ako para ipaalam na nakarating siya ng maayos at ligtas. Sakto naman noong araw na 'yon, kakatapos lang ng klase ko kaya nakapag usap pa kaming dalawa pero hindi rin nag tagal dahil alam ko na kailangan niya rin mag pahinga. Sa totoo lang, nahihirapan pa rin ako sa set-up naming dalawa lalo na magkaiba kami ng oras. Kapag umaga dito, gabi naman doon at kabaliktaran pero sabi ni Josh, hindi rin mag tatagal, makakapag adjust din kaming dalawa. Sa loob ng dalawang araw na magkalayo kaming dalawa, pinaparamdam talaga sa akin ni Josh na walang nag bago. Hangga't kaya niya, siya ang nag aadjust para sa aming dalawa lalo na alam niya na busy talaga ako sa school at sa duty sa ospital. Pero siyempre, hindi ko naman hinahayaan 'yon.&
Magbasa pa

Kabanata 12

 Kabanata 12  Nagising ako sa tunog ng aking telepono, may tumatawag. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot. "Hello?" malumanay na saad ko, inaantok pa talaga ako. "Love, gising na. Alas sais ang duty mo 'di ba?" Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Josh sa kabilang linya. Shoot, oo nga pala. Ngayon ang simula ng duty namin sa ospital. "Hala, oo nga pala love. Thank you ginising mo ako, mag preprepare lang ako ha. Tatawagan kita ulit, i love you!" Dali-dali naman akong bumangon at nag simulang mag ayos. 'Eto na ang bagong routine namin ni Josh, sa tuwing kailangan kong gumising ng maaga, lagi niya akong tinatawagan. Sakto naman dahil kapag umaga dito, hapon naman sa kanila doon kaya malamang sa malamang ay gising pa siya.  Napatingin ako sa orasan, mag aalas singko na, alas sais ang duty ko sa ospital at kailangan bago ako pumasok ay naka kain na ako ng almusal dahil mahihirapan
Magbasa pa

Kabanata 13

Kabanata 13 Pumunta ako agad kay Dr. Ballon para sabihin ang lagay ng kondisyon ni Daniel, alam ko wala ako sa posisyon pero tingin ko 'eto ang dapat gawin, ang maoperahan agad si Daniel sa lalong mabilis na panahon. "Doc, stable po yung vitals ng patient sa room 108, 'yung patient po na may tricuspid atresia," mahinahong saad ko kay Dr. Ballon na busy naman sa pag babasa ng chart na hawak niya. "Okay, then. Good." Tiniklop niya ang hawak-hawak niyang folder at nag akmang aalis na nang pigilan ko siya. "Don't you think doc na dapat na po siyang maoperahan agad habang stable pa siya? Baka po mamaya or bukas, biglang bumagsak ang katawan niya," pag papaliwanag ko kay doc. Umiling naman siya. "It's best if we monitor him first." Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango na lang sa tugon niya sa akin. Naiwan akong nakatayo sa corridor ng hospital habang pinapanuod na tuluyang mawala si Dr. Ballon sa paningin ko. Okay, w
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status