ATASHA Pagmulat ko ng mga mata ko ay nararamdaman ko ang pamamaga niyon at alam kong andito din ako sa loob ng kwarto namin ni Kent. Napaupo ako sa higaan at nagsimula nanamang umiyak. Ang sakit ang sakit sakit, hindi ko kayang wala na si Mama. siya ang nagpalaki saakin, siya ang nakasama ko hanggang sa maging pinakang masaya akong babae sa mundo ng ikasal ako kay Keiron. Kaya pala. Kaya pala kakaiba ang titig saakin ni Mama ‘ni hindi ko manlang siya nakasama ng mas matagal basta pagbalik ko malalaman ko nalang na nasa ospital na siya hanggang sa nawala na ito ng tuluyan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagiyak kahit na anong gusto kong pigil diko magawa. Kahit na anong gusto kong pagpapakatatag para sa kambal at kay Keiron ay hindi ko magawa. I feel so weak.
Last Updated : 2021-09-21 Read more